Chapter 1
Why do people love life and hate death?
Death must be so beautiful.
Lying against the tannin-brown and soft earth with the crackly grass above. To be at peace... soul soothing peace. And then forget about everything
To forget time. To forget people. To forget life...
Life is full of lies. So many f*****g lies.
I am a lie.
"Leuxia, Azea," nagtitimping tawag ni Levior Alexia.
She's crossing her arms, looking on us exasperatedly.
Nilingon ako ni Leuxia at sumenyas. Kakauwi lang namin galing sa training ng karera imbes na eskwelahan.
Hindi na ako magtataka kung bakit iritado si Alexia ngayon na nag-aabang sa amin. I pursed my lips to contain a laugh.
She always act a older sister to Leuxia and even to me. Humor slowly faded. I wish I could too...
"Wala ka bang training sa Kalasag," Leuxia spat, trying to divert the topic.
Bumaling sa kaniya si Alexia na matalim pa rin ang tingin. Ibinalik ko ang mga mata kay Leuxia na nagkibit-balikat lang.
"Akala namin damay kayo sa aksidente sa GRC," untag ni Mako.
Galing kami sa Gorostiza Racing Community kaya hindi talaga malabong isipin nila iyon.
"Hindi pa kami naaaksidente sa karera kahit kailan," I blurt out.
Levior Alexia transfixed her taunting eyes to me. I shrugged.
"It won't even happen," Leuxia remarked boastfully.
Alexia's brow shot up on us.
"We can't be sure," her lips twitched. "Accident in racing is real even to professional like you... also death."
"Us... dying in a race is impossible to happen."
I looked at Leuxia's stern face, contradicting her older sister.
"You can live your life. But don't waste it on dangerous things that might lead you to death..." Alexia remarked impassive.
"Unlived life sucks," Mako nodded and smirked.
Why do people love life and hate death?
Life is full of lies.
It's a very long time, lying about myself. Hiding my real identity. Controlling my emotions.
They are my sisters... by blood.
But I can't even act like one towards them. How could I... if I'm hiding.
Overflowing lies escaping on my lips. I don't know if I really need to do it or maybe I'm used to it.
If lying was a job, I would be a billionaire.
"Azariah Dione Solasta."
I stood and walked as the speaker called my name. Our practice for the moving up ceremony.
And yes we are able to go on stage even though we always cut classes for racing.
My eyes were glued to Harell, the SSG President of Gorostiza High. He's f*****g ideal. A top student, student leader, scholar, achiever... almost perfect.
But I knew all his sides. He nodded at me and slowly waved his hands.
"Gusto mo 'yon 'di ba?" bahagyang bulong ni Leuxia. "Hilig sa matanda."
"Two years lang."
But no, we are even in the same age. My real age. I smirked bitterly.
I knew all things about Harell. But I kept quiet.
Gayunman, hindi ko kontrolado ang mga mangyayari. Leuxia found out about his other side too.
Naabutan namin sila sa isang madilim, marumi at tahimik na eskinita. Dehado mula sa isang hindi nakikilalang grupo.
"Kung hindi mo mababayaran yung kulang pa, mamatay kayong lahat dito!"
Nagkatinginan kami ni Leuxia, parehong nagmamasid at nakatago sa isang gilid.
Umiling si Harell... mabilis ang paghinga, balisa at halatang hindi alam ang gagawin.
He's a drug pusher, same to his companions.
"Babayaran mo ba o hindi?!" pasigaw na tanong ng isa pang lalaki.
Itinaas niya ang punyal na hawak, tinatakot ang kabadong grupo ni Harell. Mahina akong napamura.
"Huwag niyo kaming papatayin!" a student that seems so innocent in Gorostiza High.
"Malapit na ang graduation, siguradong sa amin ang simpatsa kung sakaling mapatay niyo kami," pag-atake ni Harell sa ibang paraan. "Mabubulok kayo sa kulungan."
Humalakhak ang mga lalaking nakapalibot sa kanila.
"Ang sarap sigurong makabasa ng headline na Valedictorian: Drug Pusher, timbog!" pang-aasar ng isa habang nakatutok ang balisong.
"Mga anghel sa loob ng paaralan pero demonyo rin naman sa labas. Huwag na tayong maglokohan dito."
"Hindi niyo kami pwedeng patayin... Kailangan pa naming mabuhay!"
"Hindi pwede! Mahal ko ang buhay ko!"
Why do people love life and hate death?
Life is full of lies.
Dumiretso ako ng tayo bago tuluyang lumabas mula sa pinagtataguan. I slowly walked, calculating the time.
Agad na lumingon sa 'kin ang medyo malaki at matabang lalaki, anim na kagaya niya rin ang mga kasama niya.
Nakita kong nabuhayan ng pag-asa ang mga mata ni Harell pati ang mga kasama niya.
Magkasunod kami ni Leuxia na dahan-dahang lumakad palapit habang direkta ang nagbabantang titig sa mga mata nila.
Agad na nagkaroon ng pagkakataong makabawi ang grupo ni Harell. Nanatili sa amin ang atensyon ng mas matandang mga lalaki.
"Kilala ko kayo..." a man in his black rugged shirt spat.
"Kung ganoon... pwede na kayong umalis hangga't may oras pa."
Direkta ang matalim na titig ko sa mga mata niya. Ganoon din si Leuxia sa kabilang gilid ko, naninimbang sa sitwasyon.
Aaktong susugod dapat ang isang kasama ng lalaking kaharap ko pero agad niyang pinigilan.
"Bakit boss?" takang tanong nito.
"Masyadong hahaba ang oras kung magpapakilala pa kami," malamig na untag ni Avior Leuxia. "Bakit hindi nalang natin simulan 'to nang matapos na agad?"
Napa-amang agad ang ilang mga lalaki sa narinig mula sa kaibigan ko, sa kapatid ko.
"Wala pang isang minuto para masabi ang mga pangalan niyo mga bata," ani ng lalaking may hawak na balisong.
"Sinasabi niyo bang kaya niyo kaming patumbahin ng ilang segundo lang?!" mayabang na sigaw ng matabang lalaki.
I smirked at him mockingly.
"Syempre, lalo ka na," pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya.
"Ang mga kabataang mayayabang. Tsk tsk..."
Sinubukan kaming asintahin ng mga lalaking may hawak na punyal at balisong. Pareho naming mabilis na isinalo iyon ni Leuxia.
Agad nanlaki ang mga mata nila nang makita ang ginawa namin. Eksperto naming pinaglaruan iyon sa mga kamay habang matalim ang titig sa kanila.
I pursed my lips, looking at the particular man. Nanginginig siyang nakatingin sa amin at nanigas sa kinatatayuan, kinikilabutan.
"Mukhang nanginginig na sa takot yung isa mong kasama," I mocked. "Naka-diaper pa yata 'yan e?"
"Naluluha pa nga," naiiling na sabi ni Leuxia.
Agad na umilong ang mga kasama niya at napaatras.
"Namumula lang ang mga mata ko 'di naiiyak!" agap ng tinutukoy ni Leuxia.
I pursed my lips, trying to hold my laugh.
"Oh," I nodded sarcastically. "Mukhang kakatira mo lang ng droga."
"Kaya naman pala," Leuxia added mockingly.
"Manahimik kayo!" ani ng leader nila bago bumaling sa mga kasama. "Sabi kong 'wag gagalaw!"
Nanatiling diretso at ma-awtoridad ang tayo namin ni Leuxia, hindi inaalis ang paningin sa kanila.
Nilingon niya sa kabilang gilid sina Harell na naghihintay sa mga posibleng mangyari. At mukhang hindi na nakapagtimpi ang isa niyang kasama. Kilala ko iyon.
Vox punched a man who tried to attack them again. And the fight started atrociously as we joined them.
Pagdanak ng dugo ang naganap sa gabing iyon. Dinig ko ang tunog ng pagkapunit ng tela na siguradong may kasamang balat dahil sa punyal na hawak ko.
"Run as fast as you can stupid baboons!" Leuxia shouted, mocking them.
Full of bloody wounds. They ran in specific direction.
Mabilis silang nagtipon sa isang gilid habang papalapit kami ni Leuxia. Naging matalim ang tingin ng leader nila at nagbabantang bumaling kay Harell.
"Babalikan ko kayo!" sigaw niya bago naglaho na parang hangin dahil sa takot.
Ni 'di man lang kami pinagpawisan sa kanila. Hinarap ko ang direksyon ni Harell ng iba niya pang mga kasama.
Agad din siyang nilingon ni Leuxia. Hindi gulat sa nalaman pero nananantsa ang tingin.
"Kayo ay mga drug pusher?" tanong ni Leuxia.
Nilingon ko si Harell. Matapang siyang tumango.
"Matagal ko nang suhestiyon na huminto ka," I suddenly blurt out.
I lifted my gaze to Harell.
"I can't, Azariah. Kailangan ko ng pera. Just lie about this if someone questioned it."
So many f*****g lies.
"May abilidad kayo para lumaban. Pero bakit hindi niyo ginawa?" takang tanong ni Leuxia.
I observed that too earlier. Their ability and skill to fight and defend themselves.
"Dahil mas malala ang mangyayari. Bukod sa mawawala ang trabahong iyon sa amin..." sagot ng isa.
"And it just happened. Siguradong wala na kayong trabaho," I remarked nonchalantly.
Napatitig ako kay Harell na bumuntong-hininga. His thick brows shot up as he nodded. He bit his lower lip, controlling his emotion.
"Iyon lang talaga ang dahilan?" takang tanong pa ni Leuxia bago tumango. "Mukhang hindi na 'yon babalik lalo't kilala kami."
"Oo, kilala rin namin kayo. Lalo na si Bryson," sabay halakhak ng isa at tulak sa kasama.
Napabaling ako sa isang lalaking 'di kilala. Halos matulala siya sa aming dalawa ni Leuxia.
"Nakakahiya naman. Sila yung idol ko sa karera. Huwag niyo 'kong pahiyain! Tsk!" sigaw niya pabalik sa mga kasama.
Napailing kami ni Leuxia sa kaniya. Tumungo siya at hindi makatingin dahil sa hiya.
"Umalis na kayo ng grupo mo sa trabahong 'yan."
"Pero hindi kami makahahanap ng ibang trabaho na malaki ang kita dahil hindi pa kami graduate..." pagmamatigas nila.
Leuxia shifted on her stance.
"Bibigyan namin kayo ng trabaho."
Their brows furrowed as their forehead puckered. They glanced at Leuxia perplexedly.
"Mas bata kayo sa amin kaya paano?" natatawang tanong ni Vox.
Siya lang kilala kong kaibigan ni Harell.
Back in a underground fight, I knew them. Hell in a Cell. Doon ko unang nalaman ang tinatago nila. Doon ko sila unang nakilala.
"Akala ko ba kilala niyo kami?" ngumisi si Leuxia.
I transfixed my gaze at her.
"Some of our cousins were worried whenever there's a race. We need people to look after our motorcycles and fix it if there's a problem," Leuxia explained. "That's the only thing for bigger salary."
Agad na nagtaas ng kamay si Bryson.
"Ako! Payag na ako agad!"
Harell and the group shook their head at Bryson. They all agreed to it.
But I didn't expect that it would result to almost a group. But a nameless group.
"Laxur? Storm?" they asked perplexedly in unison.
Ang grupo ng mga lalaking minsan naming nakabangga ni Leuxia. Eksperto kong pinaikot ang baseball bat na naagaw ko mula sa kanila.
"Akala ko ba ayaw niyo ng grupo?" tanong ni Kross, ang lider nila, bago humalakhak.
"Tss," ismid ni Leuxia at matalim na tiningnan sila Vox.
They followed us, doubting our ability to fight back.
Sumunod sila sa amin dito, thinking that we can't fight them all. I gave Harell a death glare. He just shrugged.
I turned to Harell when he pulled my wrist. I glanced at him menacingly.
"I'm worried..."
I stiffened and shook my head a bit. His lips twitched.
Tinulungan nila kaming dalawa ni Leuxia na tapusin iyon. I could say that they are a big help. But knowing Leuxia, even me... we doesn't really want a group.
It's for weak only.
At isa pa, tumatanggap sila ng pera sa amin. May kapalit ang mga ginawa nila. Hindi iyon kagaya ng isang grupo na purong kapatiran lang.
It's a gloomy day when I heard about the bad news. My anger lit up again, hearing his name.
Carlos Caceres. The druglord and murderer.
Ansley Solasta. One of my closest cousin. She's close to Leuxia and other Levesques too.
She became a friend of everyone. But suddenly, the Caceres targeted her. I thought at first, they attacked her because she could be a weakness of both Levesques and Solastas.
Little did I know... she was mistaken...
"Ikaw ang matagal na naming hinahanap. Ang anak ni Alivor Levesque sa isang Solasta!"
Carlos Caceres' voice thundered.
Ansley's eyes widened in extreme shock. She shook her head harshly, crying silently inside the lonely and dark walls.
I can't move... watching the video they sent. The audacity of this man to show himself on it.
Sobrang daming tauhan ng mga Caceres. Pero tila dumikit ang mga mata ko kay Carlos Caceres. Tinatandaan ang bawat detalye niya.
Mariin akong napapikit nang marinig ang sigaw ni Ansley. I can't take this.
"Kaya pala malapit ka sa parehong mga Solasta at Levesque!" humalakhak si Carlos Caceres. "Dahil pareho mo silang mga pinsan!"
"I don't know what you are saying!" Ansley Solasta tried to fight them.
I can feel my eyes glistening. I harshly shut my eyes, blaming myself about it.
They killed her before my Mom and other Solastas can stop them. Carlos Caceres murdered her.
They killed her because they thought that she's the child with both Solasta and Levesque blood. Our bloodline...
That time, I can still ask...
Why do people love life and hate death?
I can still ask it... because life is full of lies.
She died because of me... because of the living lie.
"Totoong nakatakas ulit si Carlos Caceres," mariing untag ni Leuxia.
Sumunod ako sa kaniya papunta sa mga motor namin. Malutong akong napamura, dinadama ang nag-aapoy na galit sa kalooban.
Our frustration from searching Vielle diverted to this case.
"We need to ask Harell and the others' help now," I said in a monotone.
"Let's go to their place."
I nodded at her before riding my Ducati. Maladaluyong ang naging harurot namin sa gitna ng maingay na kalsada.
Malapit sa Ventura Garage ang lugar kung saan sila lumalagi. We need to ask because we are desperate to bring Mr. Caceres behind bars again.
Or to kill him instead. Because death must be beautiful for him too...
Pero ang naabutan lang namin doon ay sina Vox at Bryson.
"Umalis sila ngayon. Kami lang ang naiwan dito," imporma ni Vox.
Tumango ako.
"Sa establishment bago ang kanto papunta sa Hell in a Cell. Doon siguro sila tumungo," dagdag ni Bryson..
They noticed our hastening expression. They looked on us with questioning eyes.
"We need help to find Carlos Caceres. The prisoner who got out of jail."
Agad na tumango sina Vox at Bryson para tumulong bago namin sila iniwan. Sabay kaming humarurot nila Leuxia papunta sa lugar na tinutukoy nila.
It came as a bolt from the blue when we reached the place.
I shook my head incredulously. I cursed silently. This is f*****g insane..
"Harell..." I called coldly as I took my gun.
Natigilan si Leuxia roon. Iginala niya pa ang paningin kila Damian. Nanunuyang umiling si Leuxia habang nakatitig sa kanila.
Nahinto rin ang taong hinahanap namin. Marahan niya kaming nilingon na halos lumuwa ang mga mata.
"Azariah..." Harell called slowly.
I gazed at him sarcastically. Bastard. I tried to fired my gun but they are blocking Mr. Caceres.
Agad siyang tumakbo palayo sa amin. Sinubukan ko siyang habulin pero agad na humarang sina Harell.
"What the f**k are you doing?!" I shouted, fuming mad.
"Don't kill him."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Malutong akong nagmura.
"He's your boss..." I concluded.
He swallowed hard, can't even answer.
"This is what I f*****g hate about group. f*****g traitors..." Leuxia glared them.
Lumayo ako at agad na tinutok ang baril sa kaniya. Matalim ko siyang tiningnan nang ngumisi lang ito at hindi sinubukang ipaglaban ang sarili.
"You are full of lies, Harell."
I shot him dead. Even how much I like him, it doesn't change the fact.
"I'll go to Shane's residence to be sure," I turned to Leuxia.
She nodded immediately.
"I'll catch that f*****g druglord and murderer."
I know all those things were not enough. Leuxia caught him but I still can't get enough. Knowing all the reasons behind the killings.
I tried to forget it all...
Sobrang tagal na paghinto namin sa karera. Hindi ko inasahang ang unang karera ko ulit matapos ang aksidente ay ngayon mangyayari.
Who the f**k had the guts to challenge me for a race huh?
My eyes narrowed on the tinted window of car while waiting for the traffic light to signal a go.
I started driving expeditiously. Leaving the person inside that blue sports car behind.
Halos hindi ko na siya makita sa side mirror kahit na binagalan ko kaunti ang takbo ng motor.
Napangisi ako at napawi ang pag-aakalang kupas na.
"I f*****g missed this kind of feeling..." I whispered inside my helmet.
But I can't introduce myself now. Lalo na't kumakalat ang balitang babalik na ang Tria sa karera.
Kahit gusto kong makilala ang taong nasa loob ng sasakyang iyon, pinigilan ko ang sarili.
Nang mawala siya sa likod ko at 'di nakasunod ay agad kong iniba ang direksyon ng takbo.
Humarurot ako papunta sa direksyon ng mansion ng mga Levesque.
Pero agad na bumagal ang takbo nang makita ko ang sasalubong sa akin. Natulala ako habang pabagal nang pabagal ang takbo.
Kumpulan ng mga taong nakaputi at mabagal na naglalakad. Sa unahan ng mga 'to ay ang puting sasakyan at sa loob ay may kabaong... ang karo ng patay.
The sign of death. The death.
Natulala ako habang palapit doon. Napatitig ako sa kabaong na nasa loob ng sasakyan na mabagal na tumatakbo patungo sa huling hantungan.
Lahat ng mga bagay na sinubukang kalimutan ay bumabalik sa akin.
All the interrelated things got back inside my mind terribly. I felt the huge lump in my throat as I stared on it with eyes squinting.
I almost died in a racing accident because of a lie.
The person I liked before... that I killed because of a lie.
Massacre killings in our bloodline because of a lie.
They killed my cousin. She was mistaken because of a lie.
I am that lie.
Life is full of lies.
Why do people love life and hate death?
Because they said, life is the beautiful lie... and death is the painful truth.
I am the beautiful lie.
-
LIV