bc

Mr. Dreamboy.

book_age18+
2.9K
FOLLOW
17.6K
READ
billionaire
love-triangle
fated
confident
drama
twisted
sweet
first love
love at the first sight
model
like
intro-logo
Blurb

Famous artist, handsome, rich at gentleman. Ganyan mailalarawan ang isang Sean King Silay, perfect ideal boyfriend sabi nga ng karamihan. Pero sa kabila ng mga katangiang ito, ni isa wala pa itong nababalitang naging karelasyon o kahit isang babaeng pinag tuunan ng pansin.

Kaya ng magkaroon ng pagkakataon si Collen Basque ay ginawa niya ang lahat para mapalapit dito. Mali man na tingnan dahil kung sino pa ang babae, siya pa ang mag e-efort makuha ang attention nito. Si Collen na kaya ang unang babaeng makaka bihag sa puso ng isang tinaguriang MR. DREAMBOY.

chap-preview
Free preview
Determinasyon
Pasado alas tres ng hapon nang bulabugin si Collen ng kanyang matalik na kaibigan na si Carly sa kanyang pagkakatulog. Halos gibain na nito ang kanyang pinto kaka katok dahil may gusto raw itong ipapakita sa kanya. "Collen….Ano ba!? Gumising kana nga riyan. Bilis at may ipapakita ako sa iyo buksan mo na itong pinto mo!" sigaw ni Carly sa kanya habang walang tigil ang kakakatok nito sa pinto ng kanyang kwarto. "Ano ba 'yan!?" iritabling tanong ni Collen dahil kaka idlip lang niya nang istorbohin siya ng kanyang kaibigan. Hindi naman tumugon si Carly sa halip ay diri-diretso ito sa kaniyang kama at umupo na parang siya ang may ari. Bata pa lang kasi sila ay naging matalik na silang magkaibigan at mag kasama sa lahat ng bagay. Kaya kahit maliliit at malalaking bagay sa kanilang buhay ay alam ng bawat isa lalo na ang mga tinatagong sekreto nila. "Kung korean nobela na naman iyan, utang na loob, h'wag na! Please Carly, pwede tigil tigilan mo na ako sa pagiging korean lover mo at pag istorbo sa akin sa walang ka kwenta kwentang korean novelang pinapanood mo," wika ni Collen habang naka pamewang na naka harap sa kaibigan. Tumalim naman ang tingin ni Carly sa kanya bago sumagot ito. "Alam mo kaibigan ba talaga kita!? Ako sinusuportahan kita sa pagiging artist mo kahit walang kwenta. Tapos ako hindi mo ma support -support, aalis na nga ako at hoy hindi ako pumunta dito para manood at ipakita ang kinababaliwan kong korean novela. Naparito ako kasi gusto ko itong ipakita sa iyo, about sa isang pinaka tanyag na artist hay naku!" "Ok, Sorry. Oh bati na tayo? Ikaw naman kasi na baliw ka inistorbo mo ako sa pag tulog ko." Ngumiti si Collen sa kaibigan upang mawala ang pag tatampo nito. "Ano ba kasi iyan?" Agad namang inabot ni Carly ang cellphone nito sa kanya at pinanood ang interview sa social media. "Hoy! Bakit tulala at pa ngiti ngiti ka nang nalalaman diyan? Sabi ko na nga ba at sasaniban ka rin ng ispiritu ng pag ka inlove," wika ni Carly kay Collen. Ngunit si Collen at hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa labi. "Siya na.. Siya na ang hinahanap ng natutulog kong puso, siya ang bumubuhay sa aking pangarap, at siya na ang sagot sa aking gabi gabing panalangin. Aray! Ano ba!?" Gulat ni Collen dahil binatukan siya ng kanyang kaibigan habang nag sasalita at nag i-imagine nang kung ano-ano. "Taas ng pangarap mo ha? Anong sagot sa panalangin, at anong sagot sa natutulog na puso?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naka taas ang isang kilay. "Basta ang alam ko at ramdam ko na siya ang magiging future asawa ko, at siya ang tutupad sa pangarap ko." Muling pag i-imagine ni Collen habang naka pikit at ang kapwa palad nito ay nasa dibdib. "Akala ko ako lang ang praning at nangangarap na magkaroon ng gwapo, at sikat na mapapangasawa. Mas malala ka pala hoy tingnan mo ito e-search ko siya sa google kung anong pagkatao nitong Sean King Silay na ito." Lalo pang namilog at lumaki ang mata ni Collen ng makita nilang single ito at walang karelasyon na nababalita. Dahil tanging pag nenegosyo ang pinag kaka abalahan nito. "Wow! As in wow! Hindi ako maka paniwala na bukod sa pagiging sikat nito ay napaka yaman pa. Biruin mo may sarili na siyang company, agency, at eskwelahan para sa gustong matuto ng pag pipinta. Ito na talaga my friend! Ngayon tulungan mo akong makapasok sa company nila at gusto kong maging isa sa mahusay na artist nila, at gusto ko siyang makita, at higit sa lahat mapangasawa," wika ni Collen. "Ok ka lang ‘te? Mapangasawa agad bakit sigurado ka ba na kapag nagkita kayo nito sa personal ei mapapansin ka niya? Hellow! Si Sean tanyag na tao gwapo, at higit sa lahat mayaman eh ikaw? Isang simpleng babae na labandera sa umaga, at nag titinda ng balot sa gabi. Oh, ngayon nasaan ang pagkaka lapit doon?" "Ay grabe! Best friend ba talaga kita? Andoon na ako sa lebel 10 ei, andon na 'yong pangarap ko binagsak mo ako sa lebel 1 best," laglag ang balikat na wika ni Collen. Tunay nga na lumaki sa hirap si Collen at tanging pag lalabandera ang kaniyang trabaho sa ngayon. Habang sa gabi naman ay sumaside line siya sa pag titinda ng balot. May tinapos naman siyang kurso ang BFA(Bachelor of fine arts) ngunit nahihirapan siyang makapag hanap ng trabaho. Taliwas man sa pangarap ng magulang niya ang kursong pinangarap niya ay hindi ito hadlang dahil may determinasyon siyang ito ang makaka ahon sa kanilang kahirapan. Ginapang niya ang kanyang pag aaral sa pagiging skolar ng bayan. "Good morning Mama," bati ni Collen sa kanyang ina na nag hahain ng kanilang almusal. "Saan ang lakad mo at naka postura ka na naman?" tanong ng kanyang ina. "Eh saan pa di maghahanap ng trabaho , mababakasakali na merong hiring ngayon." At agad sumubo ng isang pirasong hotdog at ininom ang kape sa kanyang harapan. "Pang ilang hanap mo na ba iyan anak? Halos apat na buwan ka nang nag hahanap ng trabaho pero anong nangyayari wala. Bakit naman kasi iyang kursong iyan ang kinuha mo alam mo naman na hindi iyan ang demand sa panahon natin. Hindi ka naman mapapakain ng mga drawing mo?" Uminom naman ng tubig si Collen bago sumagot sa ina niya,"Ma, heto na naman po tayo diba napag usapan na natin ito. Ito talaga ang pangarap ko, ito ang gusto ko, at naniniwala ako na balang araw mapapakinabangan ko rin ang kursong natapos ko. Lalo na ang pag pipinta ko tiwala ka lang." Tanging iling iling naman ang naging sagot ng ina ni Collen sa kanya. "Sige na Ma, aalis na po ako." Paalam ni Collen sa ina at humalik pa ito sa pisngi bago tuluyang umalis. Tulad ng dati maghapon siyang walang nahanap na trabaho. Pagod at pawis na pawis siyang umuwi ng tahanan na malungkot at laglag ang balikat. "Kumusta? May trabaho kang nahanap?" tanong ni Carly sa kanya ng napadaan siya sa bahay nito. "Wala ei, kaya heto mag babalot na muna ako. Alam mo naman na hindi sapat ang kinikita ni papa sa mga hilig at sugal niya, at kahit ang pag bebenta ni mama ng isda sa palengke. Tapos ang mga kapatid ko pa lahat nag aaral," malungkot na wika ni Collen. "Tiwala lang makakahanap ka rin. Oh, by the way may ibibigay ako sa iyo wait lang sandali kukunin ko." Nagtatakbo naman na tumungo ito sa kanyang kwarto na halatang excited. "Ano 'to kalendaryo, o poster na naman ng mga Kpop mo? Hay naku Carlytay." Napa nga nga naman at tumili ng malakas si Collen ng makita niya kung sino ang modelong nasa poster na binigay sa kanya. "Oh my godness! Saan ka naka bili nito? Wow! Salamat ha. Ang gwapo at ang hot hot naman ng future asawa ko dito. Oh my Sean." "Sira! Lakas ng tama mo future asawa agad at saka Collen, hindi ko iyan binibigay sa iyo. Utang iyan ahm pwede na riyan ang limang balot pangbayad." "Oh, ayan. Anim na piraso na para sa isang magandang larawan ng aking asawa." At humalik pa si Collen sa poster ni Sean at agad pinasok ito sa kanyang shoulder bag na dala dala. "Baliw kana talaga!" Malakas naman na batok ang ginawa ni Carly sa kanya. "Pwede makahiram ng Cellphone mo? Wala kasi akong data connection ei taghirap walang load. Ahm pa nonoorin ko lang ulit ang video ng asawa ko pwede?" "Hays! Kailan ka ba naman nag ka load? Lagi ka namang walang load. Oh, ito na seach mo na lang iyang pinag papantasyahan mo." At inabot ni Carly ang kanyang cellphone sa kaibigan. Ngiting ngiti at punong puno ng excitement ang mukha ni Collen habang nag se-search ito ng video ni Sean sa youtube. At kumuha pa siya ng upuan upang pumwesto ng maayos. "Ang gwapo gwapo talaga ni Sean, ang mga ngiti niya nakaka halina, ang mga mata niya nakaka akit, ang katawan niyang parang nagpapaliyab sa akin, at bumubuhay sa aking p********e," naka ngiting wika ni Collen habang ang dalawang kamay nito ay nasa magkabilang pisngi. Habang ang kaniyang kaibigan naman ay tawang tawa sa kanya habang pinag mamasdan siya. Pasado alas onse na ng gabi ng maka uwi si Collen dahil gusto niyang maubos ang kanyang tinitindang balot. Pagod na pagod na siya at gusto nang matulog ng makarating siya sa kaniyang kwarto, ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok. Gusto na niyang makapag pahinga ng maayos dahil may labada siya kinabukasan sa isa niyang suki sa labada. "Hi my future asawa ang gwapo gwapo mo talaga!" bulong ni Collen habang dinidikit niya ang poster ni Sean sa kanyang kwarto. Sa tagal ng panahon ngayon lang siya humanga sa isang lalaki at doon pa sa kilalang tao, at may personalidad. Lalong lumaki ang determinasyon ni Collen sa larangan ng pag pipinta lalo na ngayon ay mayroon na siyang dagdag inspirasyon. Nakangiti ng matamis si Collen habang pinag mamasdan ang poster ni Sean na tanging naka pantalon lang kasi ang suot nito sa larawan at kitang kita ang kalahating brief bilang pagpapakita ng pag e-endorsement nito. Maganda at makisig ang katawan nito kaya bentang benta para sa kanya ang poster na ito. Napakagat sa labi at muling hinalikan ni Collen ang poster bago napahiga sa kanyang kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook