"Good morning kuya, good morning universe.." Masiglang binati ni Collen ang kanyang kapatid. Niyakap pa niya ito ng mahigpit. "Hoy! Hindi na ako makahinga. Anong meron at ang saya saya mo yata ngayon, ang ganda pa ng gising mo." Pinitik ni Zandro ang noo ni Collen. "Wala kuya, maganda lang iyong tulog ko kagabi." Ngumiti pa si Collen dito. "Siyangapala hindi kita mahahatid ngayon, may pupuntahan kasi ako. Uuwi rin ako ng Lucena, may ipapadala kaba kila mama?" tanong nito. "Wala eh, ahmm.. Alam ko na. I-hug mo na lang ako ng mahigpit na mahigpit kay mama at mga kapatid natin. Ok ba? Paki sabi na rin na masayang masaya na ako dito," saad nito. "Paki sabi na rin kay mama na sa susunod pa na linggo ang sahod ko ha. Ay kuya, may ipapakiusap pala ako sa iyo. Paki yakap na rin ng mahigpi

