"Sir, tayo lang po bang dalawa?" tanong ni Collen habang palabas ng building patungo sila sa sasakyan ni Sean. "Oo, bakit may gusto kapa bang isama Miss. Basque?" tanong nito. "Wala naman po sir, ahmm.. Akala ko po kasi kasama natin si ate Kayla?" tanong niya muli dito. "No need, kaya nga sinama kita. Ikaw muna ang secretary ko megaton," tugon nito at may kinuha sa kanyang kotse. Kaya binuksan na lang ni Collen ang pinto ng kotse ni sa hulihan at pinasok ang ilang gamit nila. Doon na rin sasakay pero bago pa naman siya makakaupo muli na naman siyang sinita ni Sean. "Don't tell me diyan ka uupo? Dito ka sa front seat sa tabi ko. Ano gagawin mo pa akong driver," saad nito saka binuksan ang pinto ng kotse. "Hala! Siya ang driver? Wala kaming driver. Ibig savihin kami lang talagang

