"Halika uwi na tayo," pag anyaya ni Collen kay Ian matapos niyang lumabas ng comport room. Ng madaan niya ito sa hall way. "Oh, bakit? Hindi pa tapos ang program ah." Napakunot ang noo ni Ian. "Sumama kasi ang pakiramdam ko. Ahm.. Ganito na lang, kung ayaw mo pang umuwi it's ok, mag cu-cumite na lang ako." Humakbang si Collen palabas ng building. "Collen sandali! Wait mo ako, nagpaalam kana ba sa kanila?" tanong ni Ian, dahil nagtataka pa rin ito. "Hindi na, mag cha-chat na lang ako sa group chat. Ang sama na kasi talaga ng pakiramdam ko," tugon ni Collen. "Uuwi na kayo bakit?" tanong ng ama ni Sean. Ng mapansin silang palabas ng building. "Ninong.. Opo, sumama raw kasi ang pakiramdam ni Collen. Ahm pasensya na po uuwi na rin po para maihatid ko ng maayos si Collen," tugon ni I

