**Baguio City** "Welcome to Baguio City ma'am," bati ng isang employees ng hotel na kanilang tutuluyan sa Baguio. "Collen, hi. Kumusta? Ok na paa mo?" tanong ni Arielle. Humalik pa ito sa kanyang pisngi. "Ok na," tugon ni Collen. Hindi naman nagsasalita si Sean na nasa likod lang ito ni Arielle na seryusong naka tingin sa kanya. "Hi guys," bati ni James sa kanilang lahat. "Hi, " sabay na bati ni Collen at Arielle. "Alam mo Collen, habang nagtatagal kitang nakikita lalo kang gumaganda. Anong meron?" Ngumisi si James. "Naku naku lakas mong makabola James ha. Pero, thank you kahit feeling ko binobola mo lang ako," tugon ni Collen. "Uy hindi bola 'yan ha. Kung nagkataon lang talaga na wala akong asawa naku! Haha." Napatawa si James. "Hay naku ewan ko sa iyo." Napatawa na la

