Tuwing magdadapit hapon ay tumatambay si Collen sa dalampasigan upang panoorin ang paglubog ng araw. Ilang araw na siya sa Subic pero tila laging firstime ang kanyang pakiramdam tuwing makikita ang paglubog ng araw. "Coffee? Masarap pagmasdan ang sunset pag may coffee," saad ni Ian sa likuran ni Collen at my bitbit itong coffee. "Ian.. Kailan kapa dumating?" tanong ni Collen dito. "Ngayon lang. Coffee? Ako nagtimpla nito for you." Inabot ni Ian ang kape. "Black coffee?" tanong ni Collen. Bahagya niyang naalala si Sean ito kasi ang paborito niyang kape. "Oo, ayaw mo ba ng black coffee? Papapalitan ko." Kumunot ang noo ni Ian. "Ah hindi. May naalala lang ako so, kumusta naka usap mo ba si kuya Zandro?" Kinuha ni Collen ang kape at ininom. "Something bad. Pero, ok naman siya nga

