"Sa dami dami ng malilimutan ko bakit 'yong laptop ko pa. Hay naku," bulong ni Collen sa kanyang sarili habang patungo sa coffee shop. "Aray ko!" inda ni Collen ng may biglang humablot sa kanyang kamay at hinala siya nito patungo sa isang silid. "Ano ba Sean! Nasasaktan ako bakit mo ba ako dinala dito?" tanong ni Collen na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Sean. "Gusto kitang makausap ng tayo lang dalawa pwede?" Nilock ni Sean ang kanyang silid. "Ano paba ang dapat nating pag usapan Sean? Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ni Collen. "Tayo, paano na tayo? Ikaw, ikaw ang kailangan ko," tugon ni Sean. "Umalis kana ayaw ko ng gulo. Makita ako rito ng fiance mo sasaktan lang ako non," saad ni Collen. "Fiance? Talagang naniwala ka na fiance ko si Abby? My God Collen, sana inisi

