"Ok ka lang? Dalawang araw ka nang tahimik ha mula noong nagkausap kayo ni Sean, akala ko ba ok na? Bakit parang may problema pa?" tanong ni Ian kay Collen at tumabi ito sa pagkakaupo kay Collen habang nakatanaw sa paglubog ng araw. Nasa veranda sila ng Coffee shop at iyon ang perfect spot ni Collen tuwing magdadapit hapon dahil kitang kita doon ang paglubog ng araw. "Grabi naman iyang mga tanong mo. Oo naman ok na kami pero ayaw kong magsinungaling sa iyo na ok lang ako. Hindi ako ok, hindi ako ok. Akala ko kasi tama iyong kasabihan na kapag binitawan mo ang nagpapahirap sa iyo magiging magaan ang lahat, pero bakit parang lalong bumigat ang nararamdaman ko?" Napabuntong hininga si Collen. "Grabi ang tanong ko pero sinagot mo. Baka naman kasi iba ang binitiwan mo, iyong dapat at tama n

