"Pasok ka Ian, magpapalit muna ako ng damit," saad ni Collen pagpasok nila sa Condo. "Ano bang nangyari?" tanong ni Ian paglabas ng kwarto ni Collen makahawak pa ito sa kanyang bewang. "Hindi ko rin alam eh, mabuti na lang wala rito si kuya. Ian, sana huwag ng makarating sa kapatid ko ang nakita mo ha." Napahilamos si Collen sa kanyang mukha. "Ano ngang ginagawa mo doon?" Kumunot ang kilay ni Ian sa pagtatanong. "Inimbitahan ako ng mommy ni Sean kanina sa trabaho sa party nga raw niya. Hindi ko naman alam na may plano siyang hindi maganda sa akin. Alam mo hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito galit, pagkamuhi ewan ko hindi ko alam saan ako magagalit sa mama ba ni Sean, kay Sean, o sa aking sarili. Basta hindi ko alam." Doon naman muling tumulo ang luha ni Colle

