"Hoy! Ngiting ngiti ah? Anong meron?" Binato ng isang pillow sa sofa si Collen ng kanyang kuya Zandro. Napansin kasi ni Zandro, na ngiting ngiti ito habang nanonood ng television. "Aray! Ang sakit ah. Wala, may naalala lang ako kanina. Ahmm.. Kuya may itatanong ako. Ikaw ba noong mga panahong nililigawan mo si ate Vivian, hinahatid mo rin ba siya sa kanilang bahay?" tanong ni Collen. "Bakit may naghahatid na sa iyo dito?" Muling binato ng unan ni Zandro si Collen. "Ito naman. Nakadalawa kana ha, nagtatanong lang eh." Hawak hawak ni Collen ang mga unan na binabato sa kanya. "Syempre ihahatid. Isa iyon sa mga ginagawa naming mga lalaki para ma pa-empress namin ang mga babae," tugon ni Zandro. "Ah.." Napa tango tango na lang si Collen. "Paano naman iyong pag halik sa pisngi? Part b

