"Hi, kumusta? Kumusta ang paa mo?" tanong ni Arielle kay Collen ng pumasok ito sa kanilang silid. "Medyo ok na. Pasensya na sa inyo ha dahil hindi ako makakasama sa ibang pupuntahan natin na tourist spot dito sa Laguna," tugon ni Collen. "It's ok. Huwag mo ng pilitin kung hindi mo kaya, i promise na mag u-update ako sa iyo sa mga dapat natin gawin. Ipahinga mo 'yan ha." Hinaplos ni Arielle ang pisngi ni Collen. "Salamat," tugon ni Collen. Habang nililigpit ni Collen ang kanyang mga gamit ay pumasok sa silid nila si Sean. "Hi babe," bati ni Sean kay Arielle at humalik pa ito sa labi. "Hi, bakit ka narito?" tanong ni Arielle. "May pupuntahan kasi tayo ngayon gabi mag bihis ka. At saka labas na tayo mag dinner," saad ni Sean. Hindi makatingin si Collen sa dalawa kaya napatungo

