"Sasamahan paba kita? O, ihahatid na lang kita doon sa pagdadausan ng patimpalak n'yo?" tanong ni Ian kay Collen. "Pwede mo ba akong samahan? Alam mo na." Ngumiti si Collen kay Ian. "Bakit? Need mo ng back up ano? Dahil naroroon si Sean." Ngumisi si Ian. Tumango tango lang si Collen habang nakanguso kay Ian. "Oo na nga. Hmmmmp.. Dapat may 10% ako diyan sa mapapanalunan mo ha?" Ngumisi muli si Ian kay Collen. "Oo ba, para iyon lang eh. Deal." Inabot ni Collen ang kanyang palad upang makipag kamay kay Ian. Ngunit hinila lang ni Ian ang kamay ni Collen upang mayakap ito. "Uy, nakikipagkamay lang ako hindi nakikipagyakapan," bulong ni Collen dito. "Tsssk.. Choosy kapa. Huwag kanang pumalag, yumakap ka na lang at nag pi-picture iyong stalker ko," tugon ni Ian. "Stalker? Saan?

