bc

MY PROBINSIYANA MAID

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
stepfather
heir/heiress
drama
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

MY PROBINSIYANA MAID Blurb:Dahil sa aksidenteng nangyari kay Luther ay napauwi ito ng probinsya upang doon ay magpagaling. Advise din kasi ng private Doktor nito na mas mabilis itong gumaling kapag nasa tahimik at sariwang lugar ito manatili muna. And then binigyan siya ng personal Maid na siyang mag-aasikaso sa kanya. Si Harmonica o mas kilala sa pangalang Harmie isang certified Maria Clara. Ngunit papaano kung may pagka-syunga at tanga si Harmie? Magkakasundo ba kaya sila ni Luther? Mapapabilis ba kaya ang paggaling ng binata kung ang kasama niya ay parang sa channel lang ng radio na hindi magkaintindihan? Anong gagawin ni Luther kay Harmie upang magka-konek naman sila kahit paminsan-minsan lang?

chap-preview
Free preview
C-1: Harmie's Charm
Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling. "Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito. Doon na lumaki sa Mansyon si Harmie palagi itong kasa-kasama nina Mona at Zandro. Bukod doon ay scholar pa ito ng pamilyang Verdadero hanggang sa matapos nito ang kanyang pag-aaral. Pero hindi sa publikong paaralan nag- aral si Harmie kung hindi doon sa school kung saan puwede ang mga may special needs na mag- aaral. Lalo na noong nagkasakit ang dalaga na naging sanhi ng mabagal nitong pagkakaintindi minsan sa mga bagay-bagay. Ganoon pa man ay nagpapasalamat pa din sila sa Diyos at lumaki ang kanilang miracle baby na mabait at masunurin. "Ano 'yon Inay?" nakangiting tanong ni Harmie paglapit nito sa Ina. "Gusto ni Donya Hillary ikaw ang personal na katulong ni Senyorito Luther pagdating nito. Huwag kang magpapasaway ha?" Bilin ni Mona. Napahagikhik naman si Harmie. "Kailan pa po ako nagpasaway Inay? Saka, pogi po ba si Senyorito Luther? Kasi si Senyorito Lander guwapo pero babaero, ganoon din si Senyorito Lance!" Anito. "Magtigil ka, nakapa-tsimosa mo!" Saway naman ni Mona sa anak nito. Nanulis ang nguso ni Harmie. "Totoo naman po nakita ko kaya!" "Sinabi ng magtigil ka! Nagpapasaway ka na naman, kurutin ko ang singit mo eh! Pumaroon ka na nga at malapit na sina Senyorito Luther," muling saway ni Mona sa dalaga saka nito itinaboy. Para namang bubuyog na lulugo-lugo si Harmie habang papalayo ito sa kanyang Ina. Totoo naman kasi ang sinabi niya makailang ulit na nitong nakita ang mga Senyorito sa malalaswang sitwasyon kasama ang iba't-ibang babae. At dahil hindi katulad ng ibang dalaga si Harmie ay madali lang nitong nakakalimutan ang mga nakita nito. Hindi din ito naasiwa sa pag-aakalang normal lamang iyon sa dalawang taong magkasama. Ku ng baga si Harmie ay napaka-inosente sa lahat ng mga bagay-bagay lalong-lalo na pagdating sa pag-ibig. Wala pa itong karanasan sapagkat naiiba nga ito sa ibang mga babae. Idagdag pang bantay sarado pa ito ng kanyang mga magulang. Sa katunayan nga sa kumbento talaga ito nag-aral sa mga may special needs at mga babaeng gustong pakaingatan. "Harmie," tawag ni Lander sa dalaga nang makita nito. Lumapit naman si Harmie sa bunso ng mga Verdadero. "Ano po iyon Senyorito?" Tanong ng dalaga. Kay tamis naman nang ngiti ni Lander habang pinagmamasdan nito ang napaka-inosenteng mukha ni Harmie. "May dumi ba ako sa mukha Senyorito?" Tanong ulit nang dalaga. Napakurap-kurap naman si Lander saka ito mahinang tumawa. "May nakakatawa po ba?" Tanong na naman ng dalaga. Mas lalo tuloy natawa si Lander. Nanlaki naman ang mga mata ni Harmie nang matitigan nito ang binata. "Nababaliw ka na yata Senyorito! Dahil 'yan sa pagkababaero mo, sino na naman ang kasama mong umuwi?" Anito. Nasapo tuloy ni Lander ang tiyan nito dahil sa kakatawa. "Wala ka pa lang sasabihin Senyorito tinawag mo pa ako," nakasimangot na sabi ni Harmie at akma na itong aalis nang pigilan ito ni Lander. "Sorry, Harmie! Nakakatuwa ka talaga, you're my happy pill. Itatanong ko sana kung nakita mo si Mommy," sabi naman ni Lander na nagseryoso na. "Nasa may garden siya, akala ko pa naman bibilinan mo ako ulit na huwag maingay kasi may inuwi ka na namang babae dito." Tahasang sagot ni Harmie. "Sshhh! Huwag kang maingay," anas ni Lander kay Harmie habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa labi ng dalaga. Inalis naman ni Harmie ang kamay ni Lander sa bibig nito at bahagya niyang itinulak ang binata. "Ang baho ng kamay mo Senyorito, nagtubol ka ba?" nakangiwing tanong nito. "Ha? Anong mabaho, kakaligo ko lamang ah!" Gulat na tugon ni Lander sabay amoy sa sarili nitong kamay. Tumawa naman si Harmie. "At inamoy nga ng unggoy ang kanyang kamay! Nakabawi din sa'yo Senyorito," anito at patakbo na nitong iniwan si Lander. Naiwan na lamang si Lander na napapakamot ng ulo at natatawa. Subalit lumamlam ang mga mata nito pagkatapos niyang tanawin ang palalayong si Harmie. "Harmie bakit ganyan ang hitsura mo baby?" tanong ni Lance nang makasalubong nito ang dalaga na natatawa. Agad namang napawi ang ngiti sa labi ni Harmie at nag-seryoso. "Magandang araw po Senyorito," bati nito. Matamis namang ngumiti si Lance. "Maganda talaga ang araw ko baby at nasilayan na naman kita," kindat pa ng binata. Napabungisngis naman si Harmie sa tinuran ni Lance. "Ang korni mo Senyorito hindi bagay sa'yo nagmumukha kang ermitanyo na may pagnanasa sa isang mortal na tao." Anito. Napaubo naman si Lance saka muling napatawa sabay kurot sa pisngi ni Harmie. "Ang cute mo talaga! Sayang nga lang at..." "At ano, Senyorito?" inosenteng tanong ng dalaga. "Ahm..wala! Nakita mo ba si Lander?" pang-iiba ng binata sa usapan nilang dalawa. "Iniwan ko po doon sa may hallway at niloloko na naman niya ako." May inis sa boses ng dalaga. "Hayaan mo na ang mokong na 'yon nagigiliw lang siya sa'yo." Sabi naman ni Lance. "Parehas nga po kayo eh, bolero! Saka hindi na ako baby malaki na po ako, kaya huwag niyo na akong tawaging baby " nakalabi pang turan ni Harmie. "Okay, okay okay! Love na lang ang tawag ko sa'yo o kaya ay honey," tumatangong sagot ni Lance. "Ay hindi po, Harmie po ang pangalan ko hindi love at honey!" Giit naman ng dalaga. Tawang-tawa naman si Lance at tinapik-tapik nito ang balikat ng dalaga. "Mamaya na tayo mag-uusap ha? May kailangan lang akong sabihin kay Lander!" Turan ni Lance at iniwan na niya ang dalaga. Napapailing na lamang si Harmie, nagtataka pa rin ang dalaga kung bakit napakabait sa kanya ng magkapatid. Kahit pa sinabihan ito ng kanyang Ina na huwag masyadong maglalapit sa dalawa pero hindi din nito mapigilan ang kanyang sarili. Giliw na giliw si Harmie kina Lander at Lance pakiramdam ng dalaga ay nagiging ganap siyang babae kapag kasama niya ang dalawa. Ilang sandali pa ang lumipas at may dumating ng sasakyan na itim. Kaya nataranta silang lahat at agad na nagpila sa may entrance at maindoor. Alam nilang ang panganay ng mga Verdadero ang dumating at kailangan nilang magbigay pugay sa anak ng kanilang Amo. "Maligayang pagdating Senyorito!" Magkakasabay na bati ng lahat sabay yukod nang makababa na ang binata at papasok na ito sa Mansyon. Kagyat namang tumigil ang binata at pinagmamasdan nito ang kabuuan ng Mansyon. Sumilay ang ngiti sa labi nito dahil medyo matagal ding hindi siya nauwi doon. Na-miss din niya ang Mansyon at siyempre ang pamilya nito. Noon lang naramdaman ng binata ang kakaibang saya sa puso nito after so many years of being far away from his family and origins. "Kuya!" Masayang bulalas nina Lander at Lance nang makita nila ang binata. Ngumiti ang binata at nag-fist bump silang magkakapatid sabay yakapan. "Ano, kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Lance pagkatapos nilang magyakapan na magkakapatid. "A little bit okay, I need to recover so that I can continue my work." Sagot ng binata. "Palagi ka na lang work, isipin mo naman ang sarili mo Kuya Luther." Sabi naman ni Lander. Bahagyang natawa si Luther at kinutusan niya nang mahina si Lander. "Hindi puwede, bilisan niyong mag-training at kayo ang hahalili sa akin sa ating mga negosyo. Alam niyo namang hindi na kaya ni Dad," anito. "Oo na! Welcome home, halika na sa loob wala pa sina Mom and Dad." Tumatangong sabi ni Lance at inakay na nila ang kanilang Kuya sa loob. Habang ang mga katulong ay unti- unti na ding nagkakahiwalay at bumalik sa kanilang mga trabaho pagkatapos pumasok sa loob ang kanilang mga Senyorito. Habang si Harmie ay walang kamalay-malay na dumating na ang panganay ng mga Verdadero sa Mansyon. Ito kasi ang sumama sa Mayordoma na nagpunta sa may palengke upang mamili ng mga kailangan na wala sa Mansyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
308.2K
bc

Too Late for Regret

read
275.4K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.3K
bc

The Lost Pack

read
379.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook