[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Nangangapa ako ng mga salita na maaari kong isagot sa kaniya. Hindi ko rin naman inaasahan na gano’n ang sasabihin niya sa akin. Pakiramdam ko ay napakalaking impact sa akin ng mga salita niyang ‘yon. Ito rin ang unang beses na nakita ko ang asul niyang mga mata. Ngayon na nakita ko na mismo ang mga mata niyang ‘yon, nawawala na sa isip ko ang pagiging isang normal na tao niya. Hindi magagawa ng isang normal na tao ang mga nagawa ni Reign ngayon. “Masaya ka na ba dahil naging ganito na ako ngayon? Isa na akong halimaw katulad mo! Pumapatay ka ng mga kapwa mo bampira na kumakalaban sa ‘yo! Nagawa ko na ring pumatay ng isang kalaban. Nagbabago na rin ang kulay ng mga mata ko, katulad ng pagbabago ng mga mata

