Naghigpit na ang sekyuridad dito sa mundo nina Brickell. Narito na kami ngayon ni Jaira sa unibersidad. Pinagpatuloy pa rin namin ang pagpasok kahit nagkakaroon na ng iba’t-ibang mga gulo rito. Pero mas marami na ang nagkalat na mga guwardiyang bampira sa paligid. Mas mahuhusay na ang mga inilabas ni Brickell. Mas alerto na rin ang lahat ngayon. Nagkaroon na rin ng special training para sa lahat ng mga bampira na gustong matuto sa pakikipaglaban at mas lalong lumakas. Maraming mga estudyante ang nagprisinta na sumali roon. Gusto nilang matuto sa pakikipaglaban kahit papaano, para may magawa sila sa oras na may sumugod na naman dito. Alam ko na nababahala na rin ang ibang mga bampira. Ngayon ko lang natutunan na hindi porket mga bampira ay nakakatakot na. Sila rin pala ay nakakaramdam ng

