Hindi ko na alam kung dapat ba akong maniwala sa kaniya, pero pagbibigyan ko siya. Napansin ko na nilapitan ni Brickell ang kaniyang ama. Kitang-kita ko kung paano siya nag-aalala sa kaniya. Lalo na at ngayon lang din niya talaga nalaman na buhay pa pala ang kaniyang ama. Ibig sabihin ay parehas pala naming inakala na patay na ang mga magulang namin? Kahit na ang totoo ay buhay pa rin pala sila. “Sisimulan ko na ang pagtatanong ngayon. Bakit narito ang mga magulang ko? Sa kwento na pagkakaalam ko ay patay na sila. Si Mama ay namatay noong naipanganak niya ako. Samantalang si Papa naman ay namatay noong bata pa ako. Noong una ang sabi sa akin ay namatay si Mama dahil nahirapan siya na mailabas ako. Samantalang si Papa naman ay namatay dahil sa alak. Ngunit nang mapunta ako sa mundo ng mga

