Pangalan pa lang niya ay talagang tunog demonyo at nakakatakot na. Devillina pala ang kaniyang pangalan. Halata ko naman na kaya siya galit na galit sa akin ay dahil may gusto siya kay Brickell. Hindi na rin naman nakakapagtaka kung bakit siya may gusto kay Brickell. Sobrang gwapo ba naman niya at sobrang yaman pa. Malamang ay magugustuhan ng mga babae rito si Brickell dahil sa mga dahilan na ‘yon. Bulag na lang siguro ang hindi makakakita ng mga ‘yan. “You should be the one who have to know her place here. Whether you’re the class president and year level leader, you’re not allowed to hurt my girl. Do you understand?” sagot naman ni Brickell sa kaniya. Ngumisi si Devillina at saka dahan-dahan na lumapit sa amin. “Why would I touch your precious woman? She’s your future wife, so we mus

