Agad kong binitawan ang lalaki nang gawin ko ‘yon. Nanlalakj ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na makakaya ko siyang maiangat. Para bang kusang gumalaw ang katawan ko at awtomatikong dinakma ang leeg niya. Naitaas ko pa siya ng bahagya. Agad na humarang sa harapan ko si Jaira. Masama ang tingin sa akin ng lalaking bampira habang nakahawak sa kaniyang leeg. “How dare you touch me?!” galit na sigaw niya. Tila ba nag-aapoy ang kaniyang mga mata dahil sa galit para sa akin. Susugod na sana siya nang unahan na siya ni Jaira. “Do you want yourself to get killed? Hindi mo ba kilala kung sino siya?” seryoso lamang na tanong sa kaniya ni Jaira. “D-Dude… She’s Reign and she will be the wife of Master Dmitri!” sambit bigla ng isang lalaki na kasamahan niya. Ngayon lang siguro n

