CHAPTER TWENTY-THREE

1500 Words

Palacio de Vampira? Pati ba naman ang mga bampira ay may palasyo? Hindi ko ‘to inaasahan! Nilingon ko naman si Mr. Brickell. “Pagmamay-ari mo rin ba ‘to?” tanong ko pa sa kaniya. “What do you think?” walang gana lamang na tanong niya sa akin. Ang sungit na niya sa akin lalo ngayon! Hindi katulad noong inaakala ko pa na normal siyang tao, medyo maayos pa siyang makitungo sa akin. Ngayon naman ay hindi na siya halos maayos makausap. Nakakainis siya lalo. “Yes, Master Dmitri owns this palace. He is—” Sinenyasan bigla ni Mr. Brickell ang babae na nag-assist sa akin, kaya napatigil ito sa pagsasalita. “Don’t tell her. You can go now,” utos niya sa babae. Napakunot na naman ang noo ko at pinigilan ang babae. Ayoko siyang hawakan, kaya iniharang ko lang ng kaunti ang kamay ko sa harapan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD