Amara’s POV
Sa isang iglap, nawala sa harap ko ang lalaking hindi ko pa rin mapagtanto kung anong klaseng nilalang siya. Malakas ang kutob kong hindi siya ordinaryong tao lamang. Bakas ang awtoridad sa kaniyang boses.
Iniwan niya ako na nakalutang ang mga katanungan sa aking isipan.
“Ano ba talagang nangyayari sa akin ngayon? Totoo ba talaga ang lahat ng ito?”
Hinawakan ko ang aking magkabilaang pisngi at marahang pinisil para malaman kung may sakit ba akong mararamdaman nang sa gayon, makumpirme kong hindi nga ito isang panaginip lamang, na wala ako sa sariling panaginip at ang lahat ng mga nangyayari ay pawang totoo.
Nakailang pisil naman ang ginawa ko sa aking sarili at lahat ng 'yun ay naramdaman ko. Hindi pa ako nakuntento, mas diniinan ko pa ang pagkurot sa aking pisngi. Nararamdaman ko talaga!
Nang mahimasmasan ako at unti-unting tinatanggap na wala na akong magagawa dahil totoo nga ang lahat. Mahirap mang paniwalaan na nasa kakaibang dimensyon ako ng mundo, wala namang akong ibang magawa kung ‘di tanggapin na lamang. Kaysa magmukmok at umiyak sa gilid, mas nanaisin ko na lang na maging matatag at mag-isip ng paraan kung paano makabalik sa mundo namin. Ang cringe lang isipin na may ibang mundo pa pala maliban sa mundong kinagisnan ko. Hindi ko ma-imagine na nandito ako ngayon at mismong ako ang nakaka-witness ng mga nangyayari.
Sa dinami-rami ng tao, bakit ako pa ang napili na makaranas ng ganito? Hindi ko naman ginusto na mag-travel sa ibang dimensyon. Hindi rin naman ako mahilig sa mga adventure or fantasy na panood o libro pero bakit ako pa? Oh edi parang tinapon ako sa mundong ito na walang kaalam-alam dahil wala naman akong ideya sa mga ganitong klaseng mundo.
“Okay, guys! Attention, please.” Narinig ko ang malakas na tawag ng emcee sa mga bisita. Pinatay nila ang malakas na musika upang malinaw at marinig ng lahat ang gusto niyang sabihin. Pumunta ako sa veranda at nilislis nang konti ang kurtina na nakatakip sa glass door. Natatakot akong buksan ito dahil hindi pa nasasagot ang tanong ko kung sino ba ang mga taong nakasalumuha ko kanina sa baba. Tama lang ang space na nilaan ko para matanaw ng dalawa kong mata ang nangyayari sa labas. Nagtiis lang ako sa maliit na awang para makasilip man lang.
“Ito na nga ang pinakahihintay nating part. We are given a chance to be wild for just an hour. So, enjoy!”
To be wild?
May ganoong part ba talaga ng event? Well, meron naman talaga, gaya ng mga na-wi-witness ko sa tuwing inaaya ako ni Chandria na um-attend ng mga parties ng mga mayayaman niyang kaklase. Dahil doon, nawala ang kainosentehan ng aking mga mata. Nakasaksi ako ng mga naghahalikan and worst, may ginagawa kababalaghan sa harap mismo ng maraming tao. I mean, 'di naman masyadong wild. Hanggang sa part lang na masyado na silang na-hype ng feelings nila kaya 'di na nila namamalayang malapit na nilang alisin ang suot ng isa't-isa. Kaya minsan, ayoko na lang din sumasama kay Chandria, eh. Kung anu-ano na lang nasasaksihan ko eh. Naku, mabuti na lang at hindi siya mismo ang main character sa mga nakikitang kong ganoong eksena. Kung 'di, kakaladkarin ko talaga siya pauwi.
Matapos banggitin iyon ng emcee, naghiyawan ang lahat. Animo’y binigyan ng pagkakataon para magawa ang lahat ng nais nilang gawin. Para silang nakawala sa kaniya-kaniya nilang mga hawla.
Wala palang sampung segundo ay nagsilaho ang ibang mga panauhin na naroon. Kumurap ako nang dalawang beses para makatiyak na hindi lang ako namamalik-mata. Tama ba ang nakita ko? Nawawala sila na parang bula? Sa isang iglap, wala na sila sa mga kinatatayuan nila? Ganoon din ba ang nangyari sa amin kanina? Kaya ba pagkadilat ko ng mga mata ko ay nandito na ako sa silid ng lalaking tumangay sa akin?
Paanong nangyari iyon?
Is it teleportation?
Unti-unting nagsilagasan ang mga nilalang na nasa venue. Hindi ko alam kung saan sila napunta.
May mga natira pa naman pero dadalawang grupo na lang ang naroon.
Ang isang grupo ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwang bahagi ng hardin.
Kahit nasa malayo ako, ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Anong gagawin nila?
May tig-isang lalaki ang nakatayo sa harap na tila sila ang leader ng bawat grupo.
Nag-uusap sila pero hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil malayo ako sa kanila. Tiningnan ko na lamang ang kanilang kilos at emosyon para kahit papaano ay malaman ko pa rin ang nangyayari sa pagitan nila. Grabe na itong pagkamarites ko!
Nag-bend ng katawan ang isa sa leader at nagbigay ng senyales sa mga miyembro niya na nasa kaniyang likuran.
Hindi ko akalain na ang senyales na iyon ay hudyat na kinakailangan na nilang sugurin ang kabilang grupo.
Naging mabilis ang pangyayari.
Ang kaninang nakasalamuha kong pumasok sa gate ay hindi pala mga ordinaryong tao.
Lahat sila ay hindi normal!
Mga sampu rin ang miyembro sa bawat grupo. Lahat sila ay hindi nag-alinlangan na sumugod at halos magpatayan na sila roon. Kitang-kita ko kung paano nanlisik ang kanilang mga mata at kung paanong umigting ang kanilang mga panga. Hindi pa rin naman malabo ang aking mga mata upang hindi makita ang kanilang mga pangil. Lahat sila ay may mga pangil! Ang pangil na iyon ang basehan para malaman kung gaano sila kagigil at kagustong patayin ang bawat isa.
Mainit ang naging tensyon sa pagitan ng dalawang grupo. Walang gusto magpatalo. Lahat sila ay may angking lakas para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Hindi nila hinahayaan na mapatumba sila ng kalaban.
Halos magpatayan na talaga silang lahat ngunit wala pa ring umaawat sa kanila.
Ang ibang mga bisita ay nanonood lamang, mukhang enjoy na enjoy pa sila sa kanilang nakikita. Wow, ha! Seriously? Ginawang live show ang mga ito?
Wala bang tatawag ng pulis?
Ay teka, may pulis ba rito? O kahit anong klaseng officers man ang mayroon sa kanilang lugar.
Kakaiba pala ang lugar na ito kaya hindi na ako magtataka kung walang mga pulis ang mag-reresponde sa ganitong klaseng gulo. Bakas naman kahit sa mga bisita na normal na lang sa kanila ang nangyayari.
“Huwag!” Malakas at mariing sambit nu’ng leader ng isang grupo.
Kasalukuyan siyang nakahandusay sa damuhan at ang kalaban niya naman ay nakatayo habang itinutok niya ang kaniyang mahabang espada sa leeg ng lalaki. Ang kalaban na iyon ay ang siya ring leader ng kabilang grupo.
Teka, familiar ang kaniyang mukha. Hindi ko lang makita nang buo ang kaniyang mukha.
Leader versus leader.
Ang tulis ng espada ay nakadiin na sa leeg ng lalaki at isang maling galaw niya lamang, babaon na ito roon. Sa nakikita ko ngayon, natatakot na ako sa posibleng susunod na mangyari. Hindi ko man marinig ang sinasabi ng lalaking nakahandusay at nasa bingit na ng kamatayan, alam kong nakikiusap ito sa kalaban na huwag nitong ituloy ang kaniyang binabalak. Umaasa pa itong madugtungan pa ang kaniyang buhay kahit napakaimposible nang mangyari.
Umiiyak na ang lalaki ngunit hinayaan lamang ng kalaban na nakadiin pa rin ang kaniyang espada sa leeg nito. Tila tuwang-tuwa pa siya habang nagsusumamo ang lalaki. Hindi nawala sa kaniyang labi ang nakakalokong ngiti.
Hindi ba siya nakakaramdam ng awa?
“Lysander, tuluyan mo na ‘yan!” sigaw ng isang miyembro.
Lysander?
Sinasabi ko na nga ba, eh! Kaya pala familiar ito.
Nakaramdam ako ng inis. At talaga namang ginatungan pa ng miyembro niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang leader!
“Huwag mo akong utusan!” galit na wika ni Lysander. “Nawiwili pa akong makita kung paano siya magmakaawa sa harap ko.” Nagtapon ito ng nakakademonyong halakhak.
Bakas sa kaniya na hindi na magbabago ang binabalak nitong gawin sa lalaking nakahandusay. Sama ng ugali!
Parang kanina lang ay ako ang halos patayin niya sa sobrang diin ng pagkakahawak niya. Mabuti na lamang at nakawala ako sa mga kamay nito.
Ilang minuto rin niyang hinayaan na umiyak at magmakaawa ang lalaki.
Ngunit nang ma-bored na ito, walang anu-ano ay agad niyang ibinaon ang tulis ng kaniyang espada sa leeg ng lalaki.
Bumulwak ang kulay pulang likido mula sa leeg ng lalaki.
Napasigaw ako sa gulat at agad tinakpan ang aking bibig.
Kinabahan ako dahil baka may nakarinig sa akin ngunit tila wala naman dahil walang nagtangkang lumingon sa kinaroroonan ko. Sound proof yata ang glasses ng kwarto na ito.
Sa sobrang gulat, parang na-estatwa ako sa kinaroroonan ko. Hindi ako makagalaw. Pinapanood ko pa rin kung paano humalakhak at magsaya ang grupo nila matapos siyang makapatay.
Ang lalaki namang nawalan na ng buhay ay unti-unting nawala sa damuhan. Hindi ko maipaliwanag kung paanong naging usok ang bangkay nito at kung paano inilipad ang usok na iyon ng hangin. Sa isang iglap, wala na ang bangkay nito roon.
Ang ibang miyembro naman ng grupo ay nagsilaho na matapos malaman na wala na ang kanilang leader. Out of 10 members, aapat na lang silang natira. Halos maubos ang kanilang grupo. Samantalang ang kabilang grupo ay buo pa rin. Nagalusan lamang ang iba ngunit hindi ganoon kalala. Sobrang lalakas ng mga ito! Lalo na ang pinaka-leader nila. Hindi na ako magtataka, unang kita ko palang sa kaniya kanina ay nakaramdam na ko ng takot sa presensya niya.
Walang kahirap-hirap niyang binawian ng buhay ang leader ng kalabang grupo.
Nagsilapitan ang mga bisitang nanood sa kanila kanina. Iniabot ng mga ito ang baso na may lamang red wine sa mga miyembrong nakipaglaban bilang pang-congratulate sa kanila.
Masaya nilang cinelebrate ang kanilang panalo.
Ngunit ang kanilang kasiyahan ay agad ding naputol nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang isang lalaki.
Hindi ko matanaw kung sino ang lalaking bagong dating dahil natatakpan siya ng babae. Kung bakit naman kasi doon pa siya pumewesto, hindi ko tuloy makita kung sino ito.
“Lysander!” sigaw ng lalaki. Bakas sa kaniyang tono ang awtoridad.
Ang lahat ay napatigil sa ginagawa. Ang kanilang atensiyon ay napunta sa lalaking nagsalita.
Dahil sa curiosity ko, tumingkayad ako para makita kung sino ang lalaking iyon dahil tila ang lahat ay takot sa kaniya. Hindi naman na ako nahirapang alamin kung sino siya dahil ang babaeng kaninang nakaharang at tumatakip sa lalaki ay naglakad papunta sa gilid kung kaya’t malaya ko na siyang makita.
Ang lalaking bagong dating ay ang lalaking nagdala sa akin dito sa kwarto.
Siya nga! Ang lalaking humablot sa akin palayo kay Lysander.
“K-Kyro.” Mahina lamang ang pagkakabanggit ko sa pangalan niya pero hindi mawari kung bakit tila nakipag-communicate ako sa pamamagitan ng hangin.
Pagkabanggit ko ng pangalan niya, agad itong tumingala sa kinaroroonan ko. Tila narinig niya ang kaniyang pangalan na ibinigkas ko. Or baka coincidence lang?
Nakasilip lamang ako pero agad niyang nahuli ang paningin ko. Nagtama ang aming mga mata. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman agad ko na lang nilislis ang kurtina.
Nahuli niya akong sumisilip!
Tumalikod ako mula sa veranda. Ipinikit ko ang aking mga mata. Nag-flashback sa akin ang mga pangyayaring nasaksihan ko kanina.
Iyong ba ang sinabi ng emcee na exciting part ng party?
They are given a chance to be wild, meaning ay pwede rin silang pumatay at the same time?
Wow!
Legal ba ang pagpatay rito sa lugar na ito?
Wala silang takot na pumatay dahil ba walang consequences na maaari nilang kaharapin, ganoon ba?
Kung gayon, mas determinado akong makaalis sa lugar na ito sa mas mabilis na panahon dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa akin sa pamamalagi ko rito kapag nagtagal pa ako.
Bumuntong hininga na muna ako bago iminulat ang aking mga mata.
Naupo muna ako sa sofa upang makapag-isip ng paraan kung paano makaalis dito. Papakalmahan ko na muna ang aking sarili.
Wala akong pwedeng pagkatiwalaan dito. Kahit pa prinotektahan ako ng lalaking iyon, hindi pa rin ito sapat na dahilan para pagkatiwalaan ko siya. Hindi ko pa siya ganoong lubusang kilala.
Hindi ako maaaring magpauto sa kaniya. Kahit pa pakitaan niya ako ng kabutihan, hinding-hindi pa rin ako maniniwala sa kaniya.
Hindi ko alam ang totoong pakay niya sa akin.
Hindi ko hahayaang mangyaring muli ang naranasan ko kay Eryx. Hindi ako papayag na magpautong muli sa isang lalaki. Dahil sa bilis kong magtiwala noon, napahamak ako.
Tumayo ako nang makakuha ako ng lakas ng loob.
Kailangan kong makaalis sa silid na ito. Ayokong makulong dito at mag-aaksaya ng oras. Kinakailangan ko nang gumalaw. Tutal ay sarili ko lang ang pwede kong asahan.
Inilibot ko na muna ang paningin ko sa buong kwarto. Inaalam ko kung saan ako maaring tumakas. Nasaan ba ang pinto nito?
Malawak ang kaniyang silid kaya nahirapan akong maghanap kung saan ako pwedeng pumuslit. Ang malaking kama ay nakapwesto sa gitna. May mini sala ito sa gilid ng veranda. Tanaw ko rin sa isang sulok ang mini kitchen nito at ang tapat na pintuan ay ang banyo. Kung tutuusin, para na rin itong isang bahay. Kompleto na ang gamit sa loob ng kaniyang silid. Sa buong buhay ko, never pa akong nakapasok sa ganitong karangyang kwarto. Sa mga movies ko lang ito napapanood. Hindi na ako magtataka, mayayaman ang mga nakatira sa lugar na ito. Hindi nga lamang sila normal ng tao?
Naglakad-lakad ako upang hanapin ang main door ng kwarto.
Nahirapan akong hanapin dahil halos same ng pintura ang buong dingding ng kwarto. Wala man lang akong makitang doorknob kaya hindi ko ma-determine kung may pinto ba talaga ito o pawang dingding lang talaga?
Sabagay, kailangan pa ba niya ng pinto?
Hindi ba’t nakakapag-teleport sila?
Kung ganoon, wala akong choice kung ‘di sa veranda pumuslit.
Bahala na! Ang importante, makaalis na ako rito agad.