Chapter 14

2469 Words
Kyro’s POV “Kailangan ko ba talagang isuot ito?” Hanggang ngayon, hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa suot nitong kwintas. Kanina pa niya pinagmamasdan ito habang nakayuko at hawak-hawak ang pendant nito. Babasagin ang pendant nito. Bilog ang hugis, kulay pula at ang may isang petal ng bulaklak ang nakalagay sa gitna nito. Sunflower ang sinabi ko kay Manong Danilo na ilagay niya rito upang magbukod-tangi ang kulay dilaw ng petal ng bulaklak. “Nasa iyo ‘yan kung susundin mo ba ako. Kung gusto mong hindi malaman ng iba ang tunay mong pagkatao, wala kang ibang gagawin kung ‘di isuot iyan pero kung sa tingin mo ay kaya mo namang ipagtanggol ang iyong sarili, ilapag mo riyan sa lamesa at hayaan mong ilapit ang iyong sarili sa kapahamahakan.” Ilang ulit ko ba sasabihin sa kaniya kung gaano kaimportante ang kwintas na ‘yon? “I mean bakit ko pa isusuot ito kung dito lang naman ako sa mansyon niyo?” Lumingon ako sa kaniya. Nakaupo pa rin siya sa paanan ng kama habang ako naman ay nakasandal sa sliding door ng veranda. “Kahit na narito ka lang sa mansyon, kinakailangan mo pa ring mag-ingat. Hindi lahat ng nandito ay mapagkakatiwalaan. Huwang kang basta-basta maniniwala sa kanila.” Gusto kong ibilin sa kaniya na wala siyang pwedeng pagkatiwalaan kahit pa nasa puder namin sila at naninilbihan sa amin. Hindi pa rin namin alam kung ano ang totoong intensyon nila. Hindi pa rin namin kontrolado ang mga pag-iisip nila. Isa pa, ang loyalty nila ay wala sa aming mga Anak lang. Mas loyal sila sa aking Ama at lalo na sa Hari. Kaya hindi imposibleng hindi sila magsumbong kapag nagkataong malaman nila kung sino ba talaga si Amara. Kung ano ang totoong pagkakakilanlan niya. Na may isang tao ang nakapasok sa palasyo. “Huwag kang mag-alala. Hindi ganoon kadali para sa akin na ibigay ang tiwala ko sa kahit sino. Kita mo nga, pati ikaw ay pinagdudahan ko.” Nakuha pa niyang magyabang. “Sinasabi mo ba na ngayon, pinagkakatiwalaan mo na ako?” Tiningnan niya ako na tila inaalala niya kung may nabanggit ba siya eksakto sa sinabi ko. “Oo.” Napangiti naman ako. Pero wala pang isang minuto ay binawi niya rin ito. “Mga limang porsyento nga lang ang binigay kong tiwala sayo. May siyamnapu’t-limang porsyento pang pagdududa,” nakangisi nitong saad. Hindi ko na lamang siya pinansin. Mag-iisang araw palang siya pero nababasa ko na ang personalidad nito. Pakitaan man ako nito ng pagsusungit at pagtataray, hindi niya pa rin maitatago ang kakulitan at kapilosopohan niya. When it comes to her physical appearance, I didn’t see any flaws. She’s almost perfect. Tama lang ang katawan nito, hindi chubby at hindi rin ganoon kapayat. Gaya rin sa amin, mala-singkamas din ang balat nito at sobrang kinis. Hindi ba siya lumalabas sa kanila kaya ganito na lamang siya kaputi o sadyang natural na talaga sa kaniya ang pagkaputi? Mas lalong nakaka-attract sa kaniya ay ang chinita nitong mga mata. Nasilayan ko na siyang ngumiti at halos hindi na makita ang kaniyang mga mata sa sobrang singkit. Bagay rin sa kaniya ang may bangs at hanggang beywang na buhok. When it comes to girls, may prefer ko ang short hair pero bakit noong nakita ko siya, parang umiba na ang preferences ko? She’s beautiful, indeed. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko rito sa amin, mas nangingibabaw ang ganda ni Amara. I think what makes her beautiful is her simplicity. She’s very simple, yet still pretty at the same time. “Huy!” Bumalik ako sa ulirat nang kawayan ako nito. Hindi ko napansin na nakatitig pala ako sa kaniya. Gaano na ba ako katagal na nakatingin sa kaniya? Tumikhim ako. “A-Ano?” “Hindi mo ba pagbubuksan?” Kumunot ang noo ko. Tsaka ko lang napagtanto ang sinasabi niya nang marinig ang ilang katok na nagmumula sa pinto. Dahil sa pagkawala ko sa pokus, hindi ko na rin naririnig ang ingay sa paligid. Agad akong nagtungo sa pinto upang pagbuksan kung sino man ang naroon. Ang madalas lang naman na kumakatok sa aking silid ay sila Eikko at Kaneisha, ngunit imposible namang sila iyon dahil halos kakaalis lang nila. Maliban sa kanila, mga taga-silbi ang maaaring kumatok sa aking silid upang ayain ako na kumain na. Tiningnan ko naman agad ang wall clock na nakasabit malapit sa dingding. Masyado pang maaga para sa pananghalian. Nagtataka na ako kaya agad kong binuksan ang pinto. “Prinsipe Kyro!” Hingal na hingal ang gwardya nang pagbuksan ko ito. Tumutulo na ang pawis nito sa kaniyang noo. Halos habulin na rin nito ang hininga niya. Mukhang nanggaling pa ito sa labas ng palasyo at tinakbo niya papunta rito. Ganoon na lamang ang pagod niya. “Bakit? Ano ang iyong sadya? May nangyari ba?” Sunod-sunod kong tanong. Kapag gwardya na ang may sadya sa akin, iisa lang ang rason nito. Kaguluhan. Sa ganitong bagay lang nila ako malalapitan. Alam nilang ako lang ang may kakayahang magpatigil sa mga gulong nangyayari rito sa Kaharian. Ako ang nilalapitan nila sa tuwing hindi na nila kayang awatin. Hindi lang dahil Anak ako ng Heneral kaya ako ang nilalapitan nila sa tuwing wala ang aking Ama, kung ‘di dahil alam nila kung gaano ko kagusto na isulong ang kapayapaan sa aming palasyo. Kaya ginagawa ko rin ang lahat para maiwasan na ang gulo, ngunit may mga matitigas pa rin ang ulo na hindi maiwasan ang pakikipag-basagulero. Isa rin kasi sa dahilan kung bakit may mga kaguluhang nangyayari ay dahil sa iba’t-ibang grupo na nabuo. Hindi maiiwasan ang tensyon na namamayani sa pagitan nila. Gustuhin ko mang buwagin ang bawat grupo na nabuo, hindi ko magawa dahil kay Lysander. May kasunduan kaming dalawa na walang pakialamanan sa kaniya-kaniya naming buhay. Hindi niya ako papakialaman sa gusto kong gawin as long as wala rin akong pakialam sa mga ginagawa niya. Ganoon katindi ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi naman kami ganito noon. Ngunit dahil sa isang pangyayari, nagbago ang lahat. Ang dating pagkakaibigan namin na sobra kong pinapahalagahan ay nawala nang ganoon kadali lamang. “Prinsipe Kyro, may kaguluhang nangyayari ngayon sa bayan. Marami nang mga paninda ang naperwisyo. May mga sibilyan ding hindi sinasadyang madamay sa gulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil. Nababahala kami na baka mas marami ang madamay na mga inosente,” pagbabalita ng gwardya. Nagulat ako nang may humawak sa aking balikat. Pagkalingon ko, nakita ko si Amara sa gilid ko. Hinawakan pa talaga niya ang braso ko para mabigyan siya ng space para tingnan ang gwardya na kausap ko. “Eh, anong ginagawa niyo? May mga gwardya pala rito, eh. Bakit hindi niyo hulihin kung sino man ang mga kupal na nagsimula ng gulo?” Nakisabat na siya sa usapan. Minsan ay hindi niya rin matimpi ang kaniyang bunganga. Pwede niya itong ikapahamak. Tumingin ang gwardya sa katabi ko. Nagtataka ito. Siguro ay dahil ito ang unang beses niyang makita si Amara. Ngunit tila iba ang naiisip nito nang matapos niyang tingnan ang katabi ko ay tsaka naman siya tumingin sa akin. May malisya ang tingin na tinapon niya sa aming dalawa. Napalunok ako. Nakalimutan kong nasa aking silid pala kami. Nadatnan niya akong nasa aking silid na may kasamang babae. Hindi naman talaga ito normal dahil mahigpit na pinagbabawal na walang sino man ang pwedeng pumasok sa silid ng isang Prinsipe na walang pahintulot nito. Kaya ganoon na lamang ang pagtataka ng gwardya. Pero agad ding inalis ng gwardya ang paningin niya kay Amara. Alam niyang wala siyang karapatan upang kwestyunin kung ano man ang kaniyang iniisip. “Hindi ganoon kadali ang iyong minungkahi, binibini.” Para kay Amara ang sagot niya ngunit sa akin siya nakatingin nang seryoso. Tila alam ko na ang kaniyang nais iparating. “Hindi namin maaaring dakpin ang grupo na nagsimula ng kaguluhan.” “Bakit naman po?” Inosenteng tanong niya. Hindi niya talaga maiitindihan dahil wala siyang kaalam-alam sa pamamalakad sa kahariang ito. Hindi gaya sa kanilang mundo na may batas na angkop sa lahat ng mamamayan. Madali para sa kanila na suwayin ang kaguluhan dahil sa mga batas na inilunsad nila. Sa mundong ito, wala batas na nagsasabing bawal kang magsimula ng kaguluhan lalo pa’t ikaw ay may mataas na posisyon. Walang sino man ang maaaring pumigil sayo. “Dahil si Prinsipe Lysander ang nagsimula na ang kaguluhan sa bayan. Ang grupo niya ang hindi namin maaaring pakialaman. Walang gwardya ang magtatangkang dakpin ang mga miyembro nito dahil ang Prinsipe ang aming makakalaban kapag nagkataon.” Sinasabi ko na nga ba! Siya na naman ang nagsimula ng kaguluhan. Malakas ang loob niyang magsimula ng away dahil alam niyang walang sino man ang pwedeng pumigil sa kaniya, maging ako. Ngunit kahit alam kong wala naman akong magagawa sa kaguluhang nangyayari ngayon, obligasyon ko pa rin magpunta sa bayan upang protektahan ang mga inosenteng mamamayan. “Sandali, may kukunin lamang ako. Hintayin mo na ako riyan sa labas upang sumabay ka na sa akin.” Ilang minuto pa siya makakarating sa bayan kapag lalakarin niya pa ito. Kaya balak kong isabay na siya sa aking paglaho. Iisa lang naman ang aming pupuntahan. Tumabi naman agad si Amara. Pumasok ako sa loob at dumiretso sa aparador. Kinuha ko roon ang leather jacket ko at agad sinuot ito. Nagtaka ako dahil nakasunod pala siya sa akin. Tila may gusto siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya alam kung itutuloy ba niyang sasabihin. “Hmm, pupunta ka sa bayan?” tanong nito. Tumango ako. “Pwedeng sumama?” Alanganin nitong tanong. “Delikado,” matipid kong sagot. Hindi niya alam kung gaano kadelikado ang sumuong sa ganoong klaseng gulo. Walang sinasanto ang grupo ni Lysander, kahit mga inosente ay kaya nilang idamay. Baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya kung isama ko siya. Mas mabuti nang dito na lamang siya. “Amara, bibilinan na naman kita. Sana naman ay makinig ka na sa akin ngayon. Iniisip ko lang ang kaligtasan mo. Huwag na huwag kang aalis sa aking silid. Huwag mong bubuksan ang pinto kahit sino pa ang kumatok dito. Naiintindihan mo?” She nodded. Mukhang tatalima naman siya sa ipinag-uutos ko. Nadala na rin siguro siya sa nangyari kahapon. Napagtanto niya na rin sigurong kailangan niyang sumunod sa mga ibinibilin ko kung gusto niyang makaabot pa sa kabilugan ng buwan nang makauwi siya sa mundo nila. Nang masiguro kong dala ko ang dalawang balisong na pinamana pa sa akin ni Ama, agad na rin akong lumabas. Nadatnan ko sa pinto ang gwardya. Hindi ko na kailangan pang sabihan siya na hawakan ako dahil siya na mismo ang kumusa. Kinakailangan na naming magmadali dahil habang tumatagal, posibleng may mga inosente pang maaaring madamay. Bago kami maglaho, siniguro ko rin munang nakasarado ang pinto ng aking silid. Wala pang isang minuto matapos kaming maglaho sa mansyon ay nakarating na kami sa bayan. “Kyro!” Sigaw ni Kaneisha ang agad na sumalubong sa akin. Nakita ko naman si Eikko sa gilid na inaalalayan ang isang matandang babae sa paglalakad palayo sa gulo. “Nasaan si Lysander?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ito sa akin. Itinuro niya ang direksyon ng mga kalalakihang nagpapalitan ngayon ng suntok at sapak. Idinaan na naman nila sa lakas. Walang ano mang balisong silang ginamit. Sariling lakas nila ang kanilang puhunan. Malakas ang grupo ni Lysander dahil bago ka maging miyembro ng kaniyang grupo, kinakailangan mong sumabak muna sa pag-e-ensayo upang patunayan na ikaw ay karapat-dapat na tanggapin sa kaniyang grupo. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras. Wala na akong ibang pwedeng gawin kung ‘di tumulong na lamang sa mga nadamay. Gaya ni Eikko, tumulong na lang din ako sa mga inosenteng nakapagtamo ng gasgas at sugat dahil sa kaguluhan. Samantalang si Kaneisha, wala pa rin siyang tigil na isigaw ang pangalan ni Lysander. Nagbabakasakaling makuha niya ang atensyon ng lalaki, nang sa gayon ay masabihan niya ito na tumigil na. “Kane, huwag ka nang magsayang ng oras diyan. Wala iyang papakinggan sa atin.” Sa aming tatlo, si Kaneisha ang may mahabang pasensya. Hindi niya talaga sinusukuan si Lysander hanggang ngayon kahit pa malabo na itong makinig sa kaniya. Halos lahat ng hanap-buhay ng mga nagtitinda rito ay nawala. Maraming mga stall ang natumba at nasira. Nagkalat sa lupa ang lahat ng kanilang mga paninda. Paano ba naman, nagliliparan ang bawat miyembro ng dalawang grupo sa mga panindang naroon. Hindi ba nila naisip na may masisira silang hanap-buhay? Sarili na lamang nila lagi ang kanilang iniisip. Ilang minuto rin ang lumipas bago humupa ang gulo. Wala nang inosente ang natira sa bayan. Inutusan namin ang mga gwardya na ilayo sila rito. Bukod sa dalawang grupo na halos magpatayan, kami na lang nila Eikko at Kaneisha ang naiwan. Parehas kaming nakatayo sa isang stall habang hinihintay na matapos ang away sa pagitan ng dalawang grupo. Ito na lang ang magagawa namin dahil ayaw naman nilang paawat. As expected, ang grupo ni Lysander ang naiwang matatag. Halos walang nasugatan sa kaniyang mga miyembro. Kompleto pa rin silang lahat. Samantalang ang miyembro ng kabilang grupo ay nalagas na. Anim sa kanila ang nasawi. Ang ibang natira ay halos kumaripas na sa takbo habang iniinda ang mga sugat na natamo nila. Nagkaniya-kaniya na rin ang ibang miyembro ni Lysander. Parang walang nangyari. Parang walang mga inosente ang nadamay sa kagagawan nila. Hindi makatingin sa amin ang mga miyembro niya. Nilagpasan lang nila kami. “Palibhasa malalakas ang loob,” pasaring ni Kaneisha. Nakaalis na ang lahat ng miyembro, si Lysander na lamang ang naiwan. Alam kong aware siya na kanina pa namin siya hinihintay kaya huminto ito sa harap namin. “Anong ginagawa niyo rito?” walang emosyon niyang tanong. Sa tingin niya, anong gagawin namin dito? Supotahan siya sa pakikipaglaban? “Marami na namang mga inosente ang nadamay. Masaya ka ba?” Nagbitaw lamang siya ng nakakaasar na ngisi. “Kasalanan ko bang hindi sila agad lumayo?” baluktod niyang rason. “Hindi ka talaga karapat-dapat na sumunod sa yapak ng iyong Ama! Iyan ba ang pag-uugali na tataglayin ng mamumuno sa Kaharian?” Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Umigting ang panga nito. Sinamaan niya ako ng tingin. “Wala kang karapatan para kwestyunin ang kakayahan ko bilang mamumuno sa palasyo.” Ginantihan ko naman ito ng mapang-asar ng ngiti. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kong ikaw ang mamuno?” Ramdam na rin nila Kaneisha at Eikko ang tensyon ngunit nanatili lamang silang tahimik. “Sa tingin mo, mas karapat-dapat kang mamuno, Kyro? Talaga ba? Bakit kaya mo bang protektahan ang lahat ng nasasakupan mo?” Namayani sa paligid ang nakakaloko nitong halakhak. “Kaibigan nga natin ay hindi mo nagawang protektahan, hindi ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD