'mahati nang hindi ginagamit ang espada...' Mistulang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang sinabing iyon ni Beta. Alam ko namang maliit lang iyong priso, ang kaso ay matigas iyon. Kahit pa siguro mahaba ang kuko ko ay malabong mahati ang priso na iyon. Sinasabi niyang tiyaga ang ituturo niya sa akin. Aba'y sino ba namang makakapagtiyaga sa ipinagagawa niya? "Kailangan mo ng simulan. Nauubos ang oras mo sa pagtitig lang sa priso. Hindi iyan mahahati sa pamamagitan ng mga mata mo. Hindi sa isang nilalang na kagaya mo," untag niya sa akin. "Puwede bang iwan mo muna ako rito? Hindi ako makapag-concentrate dahil kanina ka pa sermon nang sermon," piksi ko naman sa kaniya. "Doon na muna tayo, Beta. Baka nga mas makapag-isip siya nang ayos kapag iiwanan natin siyang mag-isa rito," se

