Tuluyan ng naglakad si Beta palapit sa akin suot pa rin ang ngisi niyang nakakakaba. "Bakit parang kinakabahan ka na yata?" pagtanong niya pa sa akin. Napatikhim ako sa sinabi niyang iyon. "Hindi, ah. Napakadali lang naman ng pagsubok na sinasabi mo, 'di ba? Kaya bakit naman ako kakabahan?" saad ko upang mapagtakpan na nakaramdam nga talaga ako ng kaba. "Oo naman. Madali lang ito kung iyon ang sinasabi mo," sagot niya sa akin at iniabot niya na ang kulay puting iyon. Ano nga ba ang sinabi niya kaninang tawag doon? "Hawakan mo na itong priso bago ko ipaliwanag sa iyo ang dapat mong gawin," aniya sa akin. Priso nga pala ang tawag. Inabot ko na ito at nang mahawakan ko ito ay hindi siya kasing lambot ng ubas na akala ko. Ang tigas nito ay mas matigas nang kaunti sa isang bagong pitas na

