Kabanata - 16

2012 Words

Tahimik ako habang pinagmamasdang mabuti ang paligid. Ayon kay halihayop, ito ang lugar na sadya namin. Nandito ang pangalawang nakatakdang mag-ensayo sa akin. Kung ilalarawan ko ang lugar na ito, masasabi kong isa itong garden sa aking mundo. Ang pinagkaiba lamang ay sobrang laki at sobrang tataas ng mga nakikita kong halaman sa gilid. Bukod doon ay nakakatakot ang itsura ng mga ito. Siyempre, magtataka pa ba naman ako, eh, ibang mundo nga ito. Kakatwang mundo kung ilalarawan ko. "Iba rin ba ang kaniyang hitsura?" untag ko kay halihayop habang patuloy lang kami sa paglalakad sa tila walang katapusang daanang ito na pawang mga nagtataasang halaman ang nasa kaliwa't kanan namin. "Anong ibig mong sabihing iba ang hitsura? Iba kesa sa iyo?" balik tanong niya sa akin. "Alam naman nating iba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD