Para akong umiikot. Para rin akong nakalutang. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata at malabo ang sumalubong sa akin. Parang may mga taong nagkalat pero hindi malinaw. Ipinikit kong muli ang aking mga mata upang umayos lang ang paningin ko. At sa muli kong pagdilat ay malinaw na nga. Nakikita ko ngayon nang malinaw ang mga nilalang na nagpahirap sa amin ni Bogart sa labas ng Wati. Ibig sabihin ay buhay pa ako. Natatandaan kong parang hinampas nila ang ulo ko kanina at may dugo pa ngang tumulo. Nakaligtas pa naman pala ako... Pero nasaan si Bogart? "Ugh..." pinilit kong bumangon sa kabila ng p*******t ng aking ulo. Inilibot ko ang aking paningin at panay ang pagparoo't parito ng mga taga Wati. Napansin ko ring maayos ang kamang kinahihigaan ko at iba na rin ang aking kasuotan. Nasa loob
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


