Parang ang tagal ko ng nakapikit pero wala pa rin akong nararamdamang tumatarak sa aking mga palaso. Hanggang sa marinig kong tila bumubukas muli ang gate ng Wati. Kaagad akong nagdilat ng mga mata sa isiping nagbago ang isip nila. Ngunit ang mukha ni Bogart ang bumungad sa aking mukha. Hindi ko alam kung anong mayroon pero para bang nakayuko siya sa akin... Nang madako ang paningin ko sa pagitan ng kaniyang mga paa ay may nakita akong mga palaso na nakabaon sa lupa o damuhan. Ibig sabihin ay natuloy ang pag-ulan ng mga palaso. Nakita ko nga pala kanina ang pagdating ng mga palaso mula sa ere kaya talagang natuloy nga iyon. Pero bakit walang nangyari sa akin o kay Bogart? "Uggh..." Napatingin ako kay Bogart nang marinig ko ang pag-ungol niyang iyon. Napanganga ako nang bigla na lamang

