Kabanata - 34

1183 Words

Nasa harapan kami ngayon ng napakataas na kulay gintong gate. Hindi ko akalaing iyong kinatatayuan namin ngayon na napakagandang tila paraiso ay parang harapan lamang pala ng Wati. Mayroon pa itong gate na kailangan naming pasukan bago kami tuluyang makapasok sa Wati. Mayroong pinindot si Bogart na maliit na hugis bilog doon sa gilid ng gintong gate. Napagtanto kong parang sa doorbell din iyon. High tech din naman pala sila rito. Maya-maya ay bumukas na ang mataas na gate at bumulaga sa amin ang napakaraming nilalang na pawang may mga hawak na pana at nakatutok dito sa direksiyon namin. Kaagad ko ring hinugot ang aking espada ngunit biglang humarang si Bogart sa harapan ko. "Master Bobo, ibaba mo lang iyan. Baka isipin ay mayroon tayong masamang balak," wika niya sa akin. "H-ha? P-pero

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD