Kabanata - 33

1046 Words

Minsan ko pang nilingon ang Sora nang tuluyan na kaming makababa sa sasakyang pantubig. Sadyang may trust issues talaga ako kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumbinsido na nagsasabi ng totoo iyong tagapagbantay ng puting kristal sa Sora. "Naniniwala akong wala sa kanila ang asul na kristal, Master Bobo. Magandang balita pa rin ito kahit papano," untag ni Bogart. Pinaikot ko na lang ang aking mga mata. "Paanong naging magandang balita pa iyon, Bogart? Kung nasa kanila mas okay pa. Ibig sabihin ay nahanap na ang asul na kristal! Hindi na natin kailangang maglakbay na naman!" iritable kong sabi. "Magandang balita dahil ibig sabihin ay mananatiling dalisay ang puting kristal. Kung nagkataong natupok nga ang kristal kanina na mangangahulugang kinuha ng mga taga Sora ang asul na krista

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD