bc

Stalked By The Billionaire

book_age16+
429
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
comedy
bxg
humorous
small town
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang taong niligtas mo ay isa palang bilyonaryo?

Samahan si Ryla na harapin ang consequence ng pagliligtas niya sa isang guwapo ng bilyonaryo na si Brandon. Tanggapin kaya ng dalaga ang ibibigay nito?

chap-preview
Free preview
THE ENCOUNTER
“Uy Ryla, nandito ka rin pala!” saad ng boses ng babae sa kabilang panig ng bangka. Nakangiting nilingon ni Ryla ang taong kumuha ng atensiyon niya. Nang makita niyang si Juliet ito na kaklase niya magmula noong elementary at high school, ay mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti. Dali-dali siyang nagbayad sa matandang lalaki na naniningil ng pamasahe sa bangkang sinasakyan nila at naglakad patungo sa kinaroroonan nito. “Ano, uuwi ka ba ng El Nido para magbakasyon lang o doon ka na ulit talaga titira?” tanong nito sa kaniya pagkaupo niya sa tabi nito. “Mags-stay nalang ako rito sa El Nido. Malas kasi, nagsara yung kumpanyang pinagtatrabahuhan ko sa Maynila. Gustuhin ko sanang manatili roon para maghanap ng ibang trabaho, kaso kulang naman ang ipon ko. Alam kong hindi ako magtatagal sa Maynila, eh alam mo naman doon, bawat galaw, pera ang kailangan.” Tumango ang kaibigan niya. “Kung sabagay. Mas mabuti ngang bumalik ka nalang ng El Nido. At least doon, matutulungan mo pa si Aling Myrna at ang kapatid mo sa puwesto niyo sa palengke. At saka malay mo, doon ka pa makakita ng magiging jowa mo. Sakto, summer season. Maraming naliligaw na turista na ubod ng pogi. Mayroon ding mga mayayaman,” sabi nito saka humagikgik pa na para bang kinikilig. “Ayoko. Alam mo namang wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon ngayon.” Nagsalubong ang kilay nito nang marinig ang sinabi niya. “Oh, bakit naman? Huwag mo sabihing hindi ka pa rin nakaka-move on sa ex mo noong high shool tayo?” Inirapan niya ang kaibigan. “Ano ka ba? Matagal ko nang nakalimutan si Anton, ano? Saka may anak na yung tao, tigilan mo nga ako, Juliet.” “Pero kahit na, eh ‘di ba, first love mo iyon. Saka, andami niyo pang binuong pangarap para sa isa’t isa. Tapos biglang ganoon ang nangyari. Ang sakit lang, dahil nakabuntis nga.” Inis na hinampas niya sa braso ang kaibigan at sinamaan ito nang tingin. “Ah, basta. Naniniwala ako na may darating sa buhay ko na mas magmamahal pa sa akin. Hindi ba nga, may kasabihan na kapag may isang bagay na nawala sa’yo, may papalit din doon na mas deserve mo. Ganoon din sa love. Kaya tigilan mo ako sa pang-aasar mo. ‘Di uubra iyan sa akin.” Ibinaling na lamang ni Ryla ang kaniyang atensiyon sa karagatan. Marami siyang bangka na nakikita sa paligid. Ganito kapag summer season. Marami talagang nagtutungo ng Palawan. Mapa-Coron, Puerto Princesa, at mas lalong maraming nagtutungo sa kanilang lugar dahil bukod sa mga magagandang tanawin doon, marami ring beach activities na talagang dinarayo ng mga turista at bakasyonista. Ngunit sa kaniyang pagmamasid sa paligid, sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang isang maliit na yate na nasusunog ang bandang likuran. Sakay nito ang ilang tao na nagpa-panic na dahil sa nangyayari. “Juliet, tingnan mo!” Nang makita ng kaniyang kaibigan ang kaniyang itinuturo ay nanlaki ang mata nito. “Oh my gosh. Yung yate, nasusunog! Ryla, may mga tao sa yate,” kabadong sambit ng kaibigan ko habang nakaturo roon. Maging ang mga sakay ng bangka na sinasakyan nila ay nagpa-panic na rin. “Naku po, ang mga taong naroon, kailangang mailigtas, kawawa naman kapag may namatay sa kanila,” saad ng isang Lola na napaka-antanda pa ng krus. Panay ang sigawan ng mga tao. Pinatatalon na nila ang mga taong sakay ng yate. Sinunod naman ito ng ilan. Pero mayroong nag-iisang tao na nag-aalangan kung tatalon ba siya o hindi. At kitang-kita ni Ryla ang pag-aalangan na iyon sa mukha nung lalaki kahit na malayo sila sa kinaroroonan nito. “Yung nag-iisang lalaki, hindi pa rin tumatalon sa tubig. Yung ibang kasama niya, nasagip na ng ibang bangka, pero siya hindi pa rin tumatalon,” reklamo ng ilang pasahero. Hindi lang ang mga ito ang nagtataka, pati na rin si Ryla. Naiinis siya rito dahil sa hindi nito pagtalon sa tubig. Gusto ba nitong mamatay? “Manong pakihinto ho ang bangka!” sigaw niya sa nagma-maniobra ng bangka. “Miss, baka sumabog iyong yate, kapag huminto tayo, baka madamay lang tayo. Hindi ko ho puwedeng gawin iyon.” “Manong, hindi ko naman puwedeng hayaan iyong taong naroon sa yate. Kung kayo ho walang pakialam, ako meron. Sayang ang buhay ng taong iyon kapag nagkataon.” “Miss hindi talaga puwede.” “Ganito nalang ho. Ihinto niyo lang ho sandali, bababa ako sa tubig. Pagkatapos, maaari niyo nang dalhin sa pinakamalayong parte nitong dagat ang bangka. Kailangan kong iligtas ang lalaking iyon.” Walang nagawa ang bangkero kundi gawin ang inutos niya. Iniwan niya ang kaniyang gamit sa kaibigan at mabilis na tumalon sa dagat. Mabuti nalang at manipis na jeans lang ang kaniyang suot. Madali niyang nilangoy ang pagitan ng bangka at ng yate. Nang sa wakas ay malapit na siya sa lalaki ay sinigawan niya ito. “Hoy, Mister. Tumalon ka na!” Kumunot ang noo ng lalaki nang makita siya roon. “Hindi ako marunong lumangoy,” sabi ng lalaki sa kaniya. “Tumalon ka na, ako ang bahala sa’yo. Lumalaki na iyong apoy, oh. Gusto mo ba talagang matusta riyan?” Nilingon muli ng lalaki ang dulo ng yate na nasusunog. “Dali na, tumalon ka na. Hindi kita hahayaang malunod. Kita mo, magaling akong lumangoy oh,” aniya sa lalaki at ipinakita niya ang pagkampay ng kaniyang kamay sa tubig. Labag man sa loob nito, walang nagawa ang guwapong binata kundi tumalon sa dagat. Kabado man siya sa posibleng mangyari, alam niya rin naman sa sarili niya na ayaw pa niyang mamatay kaya kahit na malaki ang trauma niya sa malalalim na tubig, tumalon pa rin siya at ibinigay sa magandang dalaga ang kaniyang tiwala. Pagbagsak niya ng tubig, agad siyang hinawakan ng dalaga sa braso para maalalayan siya. Ngunit dahil sa sobrang takot niya sa tubig ay napayakap siya rito. Nagulat ito sa ginawa niya. Nagkatitigan pa silang dalawa. “Salamat,” saad niya rito. Hindi rin niya maalis ang tingin sa dalaga dahil aminin man niya o hindi, talagang nagagandahan siya rito. “Walang anuman.” Kinuha ng babae ang kaniyang kamay. Dahan-dahan din itong umikot patalikod. “Humawak ka nang mabuti sa likuran ko, para hindi ka malunod. Dadalhin kita sa pinakamalapit na bangka.” Tumango siya bilang sagot sa dalaga. “Taga-rito ka ba?” tanong niya habang nasa tubig silang dalawa. Umiling ang babae. “Hindi. Parte ito ng Coron, medyo malayo pa yung amin dahil sa El Nido kami.” “Bakit mo ako niligtas?” Tumigil sa paglangoy ang babae at bumaling sa kaniya. “Bakit, ayaw mo bang iligtas kita?” Umiling naman siya. “Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ako niligtas. Baka kasi nagu-guwapuhan ka sa akin kaya ganoon?” Tumawa ang babae kapagkuwa’y pinaningkitan siya nito ng mata. “Huwag kang masyadong assuming. Oo, guwapo ka. Pero hindi sapat iyon para magustuhan kita.” “Bakit, ano bang gusto mo sa isang lalaki?” “Mabait, magalang, masipag, mapagmahal, at higit sa lahat, marunong rumespeto hindi lang sa akin at sa pamilya ko.” “Ako na iyon,” lakas-loob niyang sambit. Tumawa muli ang babae. “Kakakilala lang natin, kung anu-anong tinatanong mo. Isa pa sa mga katangian ng lalaking gusto ko, yung marunong lumangoy.” Ngumuso siya nang marinig ang sinabi ni Ryla. Ilang sandali pa ay nakita nila ang papalapit na speed boat . Lulan nito ang ilang mga sakay ng yate kanina. Bakas pa rin ang takot sa mukha ng mga ito habang nakatingin sa nasusunog na yate na kasalukuyang sinasabuyan ng tubig para hindi na ito mauwi sa pagsabog. Paghinto ng speedboat sa tapat nila ay bumaling ang atensiyon ng iba sa lalaking nakayakap sa kaniya. “Oh my god, Brandon. What happened to you? Thank God you’re safe,” saad ng isang magandang babae na sakay roon. Mabilis na inabot ng isang coast guard ang kamay ni Brandon at hinila siya pataas ng speed boat. Agad itong nilapitan ng babae at pinunasan ang katawan nito. “May girlfriend naman pala,” saad ni Ryla sa kaniyang sarili. Naglahad ng kamay sa kaniya ang isang coast guard pero umiling siya rito. “Hindi na po. Naroon ang bangkang sinasakyan ko.” Bumaling naman sa kaniya si Brandon. Yumuko ito sa tubig at inabot ang kamay niya. May sasabihin sana ito sa kaniya nang biglang humarurot ng takbo ang speedboat na sinasakyan nito. Tumilapon pa sa kaniyang mukha ang tubig-dagat at umalon ang tubig kaya bahagya siyang lumubog sa ilalim ng tubig. Naiwan siyang nakanganga habang nakamasid sa speed boat na nasa malayong bahagi na ng dagat. “Ang bastos! Grabe! Hindi pa nga nakakapagpasalamat yung tao, pinaandar na yung bangka.” Nagdadabog niyang saad nang makababa sila ni Juliet ng port. Ito na ang nagbitbit sa gamit niya dahil basa ang kaniyang katawan. Pakiramdam niya, nagsayang lang siya ng oras sa pagsagip sa lalaki. Sana hindi na siya nag-effort kung alam niyang ganoon din lang ang mangyayari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook