Nahihilo ako sa oras na iyon habang nakasandal sa pader ng gusaling pinaglabasan ko kanina, lasing na lasing ako sa oras na iyon. Nilunod ko ang sariling lumbay para makalimot, kahit sa sandaling ito lamang. I f**k up, I know alam ko ang kakulangan sa oras na iyon. Hindi ko alam ang gagawin. Sa totoo lang, gustong-gusto kong magwala. The ironic of it, heto ako at walang magawa. Hindi ko napansin ang mga grupo ng lalaking nandoon at hindi sinasadyang matabing ang kanilang lider. "¿Qué carajo, hombre?" (What the f**k, man?) "Lo siento," (Sorry) sabi ko saka tumagilid para bigyan sila ng daan. "¿Tu sabes quien soy? quieres pelear conmigo?!" (You know who I am? Do you want to fight with me?) Sabi pa nito saka kinuha ang kwelyo ng suot kong suit. I look like a beggar that time, clothe

