Vanna's POV Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa oras na iyon. Nagising na lang ako sa malamig na hampas ng tubig. Nagising ako sa isang dalampasigan. Para akong itinapon sa kung saan at heto't hindi ko alam kung nasaan ako. I am shocked to my bare skin, puno iyon ng pasa, galos at sugat. Dumudugo rin ang gilid ng labi ko. Dahan-dahan kong nilinga ang paligid at nakitang nasa isang baybayin ko. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong nagpalutang-lutang sa dagat. Matapos ang nangyari sa akin ng mga walang hiyang lalaking 'yon ay naalala ko na ihinagis nila ako mula sa sinasakyang yate. "Magnus..." tawag ko sa kawalan. Walang katao-tao doon, kinabahan ako. "T-tulong..." usal ko pa habang pinag-iigihan na gumapang at umahon. Mayamaya pa ay nakita ko ang isang bata. May dala iton

