Confusion

4918 Words
     Friday pa lang ay pinag gagayak na si Rein ng kanyang tita Tara upang samahan ang pinsan nyang si Tanya na bumili ng susuotin nitong dress para sa birthday party na dadaluhan sa lingo, ngunit tumanggi sya, tumawag kasi kanina ang manager nya na si tita Mariole dahil anniversary ng BAM modeling agency ang agency nila for modeling at iniimbitahan syang dumalo, kilala ng tyahin nya si tita Mariole dahila kababata ito ng mommy nya at matalik na kaibigan naman ng daddy nya, kaya wala na itong nagawa ng ipag paalam sya nito sa tita tara nya, isinama nya din ang dalawang kaibigan nya na si Leilah at hummy dahil mag momodel din ito sa nasabing agency at syempre ang kaibigan nyang si Lora, 3months na ang tiyan nito ngunit hindi pa iyon ganoon ka halata at dahil kasama nya ito sa agency kaya makakasama rin nila ito at sa sabado ng hapon din sila uuwi sa manila. Sa batangas gaganapin ang anniversary lahat halos ng models ay dadalo sa nasabing kaganapan, malamang ay andun din sila Brix at ang mga kaibigan nito kasalukuyan akong nag hahanda ng mga gamit ko ng maihanda ko na ang lahat ay ibinaba ko na ito sa hagdan, alas tres ng hapon ang usapan namin ng mga kaibigan ko, sa harap ng mall of asia  kami magkikita, pero kami ni Lora ay sa labas ng guard house ng village nila sa kabilang village lang naman namin sya nakatira kaya nag pasya na akong mag lakad papunta sa pagtatagpuan namin ni Lora, malapit na ako sa guard house ng village nila ngunit bigla akong nakaramdam ng pagka hilo kaya nakiupo muna ako sa tabi ng guard house ilang araw na akong nakakaramdam ng ganito mukhang anemic nanaman ako hindi ko na kasi iniinom yung vitamins ko sa dugo dahil lagi ko iyong nakakaligtaan, tumayo na ako sa aking kinauupuan ng matanaw ko ang kaibigan kong si Lora kaya naman nilapitan kona ito upang tulungan mag dala ng maleta nito. " Hi best," masayang bati ni Lora sa kaibigan. At humalik ito sa pisngi ni Rein. Nag lakad na kami papunta sa tabi ng kalsada upang pumara na ng taxi. " Bakit parang tahimik ka ata Rein? Nag aalalang tanong nito sa dalaga. " Uhm, wala ito medyo nahihilo lang ako." Pag papakalma naman dito ni Rein. " Alam mo napapansin kong lagi kang nahihilo nitong mga nakakaraang araw, nag aalala na ako sa iyo, wag naman sana pero iba ang kutob ko sayo." Malungkot na pahayag ni Lora. Nangingiyak ang mga mata nya ng tumingin sya sa kaibigang si Lora, at tulalang nag lipat ng tingin sa bintana. " Sa tingin mo ba?" Hindi nya natapos ang nais sabihin dahil sa pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Inalo na sya ng kaibigan at niyakap at isinandal ang ulo sa leeg nito. " Dont worry makakayanan natin ito Rein, at tuluyan na syang napa hagulgol ng iyak, hindi pa man nya kumpirmado ay pinanghihinaan na sya ng loob sa maaaring mangyari, nang marating na nila ang harapang bahagi ng mall of asia ay bumaba na sila ng taxi, tumawag si Lora kay Hummy upang malaman kung asan ang mga ito, na una na ang mga ito sa kanila dahil malapit lang ang mga ito sa lugar kung saan sila magkikita kita, agad naman nilang hinanap kung asan ang dalawang kaibigan nila. " Hello Hummy asan na kayo?" Tanong ni Lora sa kaibigan. " Where here at alpha mart, how about you two?." Balik na tanong nito kay Lora. " Andito na kami, pupuntahan na lang namin kayo dyan ok?" Putol nito sa usapan " Kaya mo ba mag lakad Rein?" Alalang tanong nito sa kaibigan. " Yes i can," at ngumiti naman ito sa kaibigan. Naka ilang tawid muna sila bago marating ang lugar kung asan ang dalawang kaibigan nila, nagulat sila ng madatnan na marami din palang naghihintay sa labas ng nasabing lugar, andun ang grupo nila Brix, at masayang nag uusap ang mga ito habang kumakain, kaya naman biglang naging awkward ang dating ng tagpo sa kanilang dalawang mag kaibigan, kaya hawak kamay silang nag desisyon na pumasok sa loob ng nasabing lugar upang hanapin ang dslawang kaibigan nila, sa loob nakita nilang nakapila ang dalawa, mahaba ang pila sa dami ng tao agad naman silang napansin ng mga kaibigan kaya kumaway ang mga ito sa kanila, agad naman silang lumapit dito, " Guys!! Anong flavor gusto nyo dito." Tanong ni Hummy sa mga kaibigan bumili kasi ito ng ice cream na coated ng toblerone,eminems at snickers Agad namang nag laway ang dalawa sa ice cream na dala ng kaibigan. " Hummy i want that all pls...pls..." pag lalambing ni Lora sa kaibigan. " Ok.. dahil preggy ka sayo na itong tatlo, how about you Rein?"  " Iwant the toblerone and sneakers flavor pls." Malambing na tugon ng dalaga. " Ok ipila nyo na muna ito dito ako na kukuha ng gusto nyo."  " Yehey... thank you Hummy." " Yehey... thank you Hummy."  Sabay na pasalamat ng dalawa at hinalikan ang magkabilang pisngi ng kaibigan.  " Ako din kiss nyo." Nakangusong pag papaawa naman ni Leilah. At ganun din ang ginawa nila sa kaibigan, " Sa labas nyo na kami hintayin mainit dito baka mahilo pa si Lo." Ani Leilah. Kaya naman lumabas na ang dalawa, dala ang mga maleta nito, pag labas ng store ay hindi malaman ng dalawa kung saan uupo dahil okupado na lahat ng upuan, batid nilang nakatingin sa kanila ang mag kakaibigan ngunit hindi nila ito tinapunan ng tingin nag papakiramdaman lang silang magkaibigan dahil parang umiksi ang hanging na nilalanghap nila dahil sa presensy ni Brix at Zanthy. Agad naman siniko ni Winter ang dalawang kaibigan para tumayo sa kinauupuan, upang anyayahan ang dalawang babae na nakatayo malapit sa pintuan ng naturang convinients store, agad naman tumayo ang dalawa at tumayo. " Lo, Rein dito na kayo maupo sigaw ni Nic sa dalawang dalaga, nag aalinlangan pa ang dalawa nung una ngunit napapayag narin ito dahil sa ngalay na nadarama sa binti ng mga dilag, magkatabi silang naupo sa upuan, ng nakarinig naman sila ng pag rereklamo sa dalawang babae na nakatayo di kalayuan sa pwesto nila. " That's unfair kanina pa kami naka tayo dito tapos hindi nyo man lang kami maalok ng upuan, tapos yang dalawang yan kararating lang binigyan nyo agad ng upuan, bakit mas maganda naman kami sa dalawang yan ahh, himutok ng dalawa. Hindi pa nakuntento at nag salita pa ulit ang isang babae na kasama nito. " Ano meron sa mga yan, eh ang papangit naman, itong isa naka jacket pa ang baduy ahhh, mainit na nga naka jacket pa? Manang bumalik ka nalang sa pinanggalingan mong bundok, hagalpak tawa ng dalawa. " Itong isa naman mukhang sinubsob sa harina yung mukha ang putla na, ang dry pa ng balat, hindi virg*n te!!." At humagalpak ulit ng tawa habang ng aapiran. Napayuko si Rein sa tinuran ng babae batid nyang marahil ay tama ito pero wala itong karapatan na bastusin sya kaya naman taas kilay nya lang itong nginitian. " Look who's talking? Are you refering to you self? b***h, w***e,hahahaha." Malditang tawa ang pinakawalan nya. " Well atleast hindi kami hipon." Mataray na anas naman ni Lora sa dalawa. At nag tawanan halos lahat ng mga taong naka paligid sa kanila dahilan upang mapahiya ang dalawa at mapikon, akmang lalapit ito sa amin ng harangin ni Zanthy at Brix ang dalawang babae. " Miss pwede ba wag kayong gumawa ng gulo dito nakakahiya dahil lang sa upuan nakikipag away kayo ng ganyan, na una sila sa inyo, pumasok lang sila sa loob para bumili ng pagkain nila. Pahayag ni Zanthy sa dalawang babae. " Ahh!! Ehh!! Kase kiuya gushto namin umupo sa tabi nyo shana kasho epal kashi yang dalawa na yan eh." Malanding saad ng ng babae sa kaliwa. Napikon ito ng makitang ginagaya ni Lora ang pag sasalita nito lalapit pa sana ito sa dalawa ngunit na harangan nanaman ng limang lalaki sa harap nila, tumayo narin kasi si Winter,Nic at Zi at pumagitan na ang lima upang umawat sa dalawang babae, mas lalong natuwa naman ang dalawang babae dahil sa mga gwapong nasa harap nito. Mas lalong nag pa cute ang mga babaeng hipon, sa inis ni Lora ay lumapit ito at hinatak si Zanthy sa at dinla sa likod nito at ito ang humarap sa dalawa. salubong ang kilay at naka pa meywang ang kanag kamay. " Hey you two!! shrimp lady kung gusto nyo ng upuan na inupuan namin isaksak nyo sa baga nyo, mga haliparot akala mo naman kung makapanglait eh, kapuri puri pwe!! hindi naman din." Tumayo na rin si Rein sa likuran ni Lora, masama para sa kaibigan ang makipag away lalo pa sa kalagayan nito ngayon, buong agapay nya namang inawat ito. " Tama na yan Best hayaan na natin ang mga hipon na yan. " Gusto nyo ng upuan ayan isak - sak nyo sa baga nyo!!, lats go guys gusto nila ng upuan ibigay na natin sa kanila. Nagsi tayuan naman lahat ng nakaupo sa upuan at iniwan ang dalawang babaeng hipon. Na ikinatulala naman ng dalawa. " What happen? Bakit umalis na kayo?" Humahangos na tanong naman ni Hummy nag mamadali itong humabol sa kanila ganun din si Leilah. " Did you see the two shimp lady?" Tanong ni Lora sa dalawang kaibigan. " Yes, parang nag aaway nga kayo kanina eh... why?" Maang na tanong ni Hummy sa dalawa. " Kung ano - ano kasing pinag sasabi gusto lang pala maki upo sa mga boys sinabihan pa akong mukhang manang at mukhang putla itong si Rein, mukhang hindi na daw, napatigil ito sa sasabihin at lumingon kay Rein. " Hindi na?" Tanong pa nito. " Alam mo na?" Tugon ni Lora. " Hahaha sa kanila pa nanggaling yun eh!! Sila nga itong mga mukhang laspag eh." Sarkastikong tumawa naman si Leilah. Lalong natulala si Rein sa usapan ng mga kaibigan, sumagi sa isip nya ang mga nararanasan nitong mga nakaraang araw, paano nga kaya kung totoo ang hinala nila ni Lora?.. dapat nya na din sigurong sabihin sa mga kaibigan para kung sakaling totoo ang hinala nila, alam naman ng dalaga na mauunawaan sya ng mga kaibigan kilala nya naman ang mga ito, dahil matagal nya ng kaibigan ang mga ito kaya tiwala syang maiintindihan sya nito. " Guys." Putol nya sa usapan ng mga ito at lumingon ang tatlo sa kanila. " Paano kung sabihin ko sainyong hindi na nga talaga." Na nanantyang tingin nito sa mga kaibigan. Nanlaki ang mata ng dalawa nyang kaibigam at halatang gulat sa sinabi nya. " But how??!!! Its impossible." Ani Hummy. Nakatingin lang si Leilah mukhang binabasa nito ang ekspresyon ng mukha nya kung nag sasabi ba sya ng totoo. " Tingin ko kailangn nyo ng malaman." At isa isa nyang isinalaysay ang pangyayari noong gabing iyon sa boracay hanggang sa pag gising nya, at ang mga nararamdaman nya ngayon, napahawak ang dalawa sa bibig at mangiyak - ngiyak na mga matang niyakap sya ng mahigpit. " Dont worry anu man mangyari dadamayan ka namin." Pag papalubag loob ni Hummy sa dalaga. " Pano ba yan dalawa pala itong dapat natin alagaan." Tugon naman ni Leilah kay Hummy. At tumawa silang apat na animoy walang mabigat na problemang kakaharapin, nag patuloy pa sila sa pag lalakad, na una na sakanila ang mga boys at kasalukuyan nila itong sinusundan papunta sa lugar kung saan naka parada ang van na sasakyan nila, tanging si Winter, Nic at Zi lang ang kinakausap ng dalawa babae si Hummy naman ay ginawang taga bit-bit ng maleta si Winter nakakatuwang pag masdan ang dalawa dahil animoy mga bata na laging nag aasaran. " Winter amina na nga muna ang maleta ko may ilalagay lang ako." tawag nito sa binata. Agad naman huminto ang binata at inabot ang maleta nito. " Rein&Lora amin na yang mga dala nyong maleta ipapadala ko yan kay Winter ." Kuha ni Hummy sa mga dala nilang maleta " Oh.. winter ikaw na lang magdala ng mga ito bilis ang bagal talaga eh." Naka ngusong paasik nito sa binata " ito na po boss bil-bil." Mapang asar na turan nito kay Hummy. " Boss bil-bil ka dyan, baka gusto mong makita hinahanp mo." At tinaasan ito ng kamao. Nangingiti at naiiling na lumapit si Winter kay Hummy upang kunin ang maleta ni Rein at ni Lora at kinuha naman nito ang sariling maleta kay Winter. " Gusto mo ba Winter i kwento ko sa kanila na mali it." Agad na mang tinakpan ni Winter ang bibig ni Hummy upang hindi maituloy ang nais nitong sabihin, ngunit sa pag pupumiglas nito ay nabitawan ng binata ang bibig nito kaya naman mabilis na kumilos ang binata at dinampian ito ng halik sa labi. Sya namang ikinatulala ng lahat, gulat ang lahat sa nasaksihan lalo na si Hummy na ngayon ay pulang pula ang buong pisngi. " Ohhh!!! EDI TUMIGIL KA DIN." Mgumisi pa ang binata ng nakakaloko. " Manyak ka!!! Panagutan mo ko kinuha mo yung first kiss ko." Nag wawalang saad ni Hummy. " Ano gusto mo pakasalan kita dahil nakuha ko yung first kiss mo?... HAHAHAHA." Pang aasar pa ng binata. " Isusumbong kita!!! Palibhasa maliit yang." Hindi nito maituloy ang sasabihin sa binata dahil agad nanaman itong sumenyas na animo mo hahalikan sya, kaya tumigil na si Hummy at tinakpan ang bibig at masamang tingin ang binabato kay sa binata. " Sabay na kayo samin mga girls." Masayang paanyaya ni Winter sa kanila. " Hindi na, mag b-bus nalang kami nakakahiya naman kung makikigulo pa kami sa inyo." Tutol naman ni Lora. " Naku baka sapakin ako ni tita Mariole nito, binilin nya pa naman kayo sakin. At napakamot na lang ito ng ulo. " Sige na Lo pumayag kana baka mahirapan tayo kung mag commute tayo, lalo pa ngayon friday, naku maraming mag uuwian nyan kasi long weekend." Napaisip si Lora sa sinabi ni Leilah iniisip nya din na baka mahirapan nga silang sumakay lalo pa punuan ngayon, nag aalala din sya kay Rein baka mahilo nanaman nga ito pag nag commute pa sila. " Ok payag na ako, but ayokong makatabi yang kaibigan mong manloloko, deal?." Saad ni Lora. " Ok deal, akong bahala." Pag sang ayon naman ni Winter. " Wala naba kayong bibilhin pa? Baka may nakalimutan pa kayo." Paalala pa ni Winter sa kanila. " Oo nga pala bibili pa ako ng bonamin sa mercury baka kasi masukahan ko yung sasakyan mo, or worse ikaw pa sukahan ko." Ani Hummy kay Winter. " Sukahin ka naman talaga eh, ang laki - laki na hindi parin sanay sa byahe." Pang aasar pa ng binata kay Hummy. Inirapan lang ito ng dalaga at nag makeface, hindi pa nakuntento dinilaan pa ang binata, natawa naman ang binata sa ginawa nito kaya lumapit ito sa dalaga at kinurot ang pisngi nito. " Sinong sasama sakin?." Tanong ni Hummy sa mga kaibigan. " Ako nalang wala kabang ipapabili Rein?." Tanong ni Lora sa kaibigan. " Bili ka nalang ng inhaler para hindi ako mahilo sa byahe." At umalis na ang dalawa naiwan si Leilah at Rein kasama si Winter. " Masama ba pakiramdam mo Rein? Alalang tanong ni Winter sa dalaga. " Huh? Ehh.. kasi medyo nahihilo kasi ako eh." Tugon naman nito. Tinignan lang sya ni Leilah at binigyan ng dala nitong mineral water, ilang saglit pa at dumating na din ang dalawang kaibigan nila. " Lets go sunod na lang kayo sakin ahhh." Pag papasunod ni Winter sakanila. Nang marating na nila ang sasakyan ay nakita nilang nakaupo na sa loob ang mga boys, nangingimi man silang makisabay sa mga ito ngunit wala na silang magawa dahil utos ng manager nilang si tita Mariole. " Zanthy dito kana sa tabi ko maupo para may spare driver ako hehehe... boys sa likod na kayo sumakay yung mga girls na dito sa likod ng drivers seat." At agad namang kumilos ang lahat ng maka pwesto na sila ay pinaandar na din ni Winter ang sasakyan. Sa byahe panay tulog lang ang ginawa ni Lora at Rein sa likod naman nila si Hummy at Leila na panay alok ng pagkain, pasimpleng tinatanaw naman ni Zanthy sa Lora mula sa salamin, parang bata itong himbing sa pagtulog, ganun din ang katabi nitong si rein, nang makaramdam ng gutom ay dumaan muna sila sa drive tru ng isa sa mga fastfood chain. " Guys anong gusto nyong orderin? Tanong naman ni Winter. At nag usap - usap muna sila ng mapag kasunduan na ang oorderin ay agad naman nitong sinabi sa ordertaker, matapos ay sa huling bahagi na upang kunin na ang mga pagkain, nalula ang nag abot sa dami ng order nila at hindi napigilan mag komento,  " Andami nito sir ahh... puna ng nag abot ng pagkain kay Winter. " Oo mga buntis kasi ang kakain nyan lalo na ung naka dilaw dito." At tumawa ng malakas, wala naman sa loob ng binata ang sinabi nito, gusto lang sana nitong inisin ang kababatang si Hummy, ngunit napatigil si Lora at Rein sa tinuran ni Winter at nagkatinginan ang dalawa, lumingon lang sila sa harap ng inaabot na nito isa - isa ang mga pagkain. " Girls kaya nyong ubusin yang dalawang bff bundles na fries? Takang tanong ni Zi sa mga babae. " OO kay Lora at Rein lang baka kulang pa yan eh." Pabirong tugon naman ni Hummy. " Dinadahilan mo pa yung dalawa baka ikaw lang maka ubos nyan eh, mamigay ka nga." Pang aasar pa ni Winter sa dalaga. At tahimik na silang kumain, panay sulyap parin ni Zanthy kay Lora, natutuwa itong panoorin ang dalaga habang kumakain, para kasi itong bata na isinasaw - saw pa ang fries sa float ganun din ang katabi nitong si Rein, masayang kumakain ang dalawa hindi pa nakuntento at inilabas nito ang ice cream na kanina pa nitong bit - bit at inilagay sa pinag lagyan ng coke float, pagkatapos ay kinuha naman ang cheeze burger deluxe na paborito nito, binuksan nito ang balot parang batang nag lalaway at ngumiti pa, ngunit ng maamoy nito ang keso ay biglang sumama ang mukha nito animoy naka amoy ng mabaho at nag takip ng ilong, at tinago na ang pagkain. Nagtatakang sumulyap naman si Zanthy sa dalaga nag tama naman ang mga mata nila, wala sa loob na tinanong nya ito. " Diba favorite mo yang deluxe cheeze burger? Bakit hindi mo kainin?" Kuryosong tanong nito kay Lora. Tarantang nag isip naman ang dalaga sa idadahila sa binata. " A ano kasi mabaho yung keso nya sa loob eh." Wala sa loob na tugon naman nito. " Mabaho yung cheeeze paamoy nga." At agad nitong kinuha sa dalaga at inamoy. " Hindi naman mabaho ahhh." Nagtatakang sagot pa nito. Sumenyas naman si Hummy kay Lora para kunin ang pagkain, at agad naman kinuha iyon ng dalaga. " Paamoy nga ." Untag naman ni Hummy. At inabot ni Lora ang pagkain sa dalaga. " Ay oo mabaho nga yung cheeze." At pasimpleng kinalabit si rein. " Amuyin mo nga Rein mabaho diba." Kinuha naman ito ng dalaga at inamoy. Pag ka amoy ng dalaga sa pag kain ay napatakip ito ng bibig animo anumang oras ay masusuka. " Ilayo mo nga yan sakin ang baho naman niyan, amoy bulok." Naka kunot noo habang hinihingal na untag ng dalaga. Nagtataka ang mga kasama nila sa kinikilos ng dalawang dalaga, kaya hiningi na lang ni Brix ang pagkain upang hindi masayang. " akin na lang yan kung ayaw nyo yan, sayang naman eh." At kinain nito ang pagkain ni Lora. Nagtataka man si Zanthy sa nangyayari sa dalaga hindi nya naman ito makuhang makausap dahil alam nyang galit pa ito sa kanya at panay ang iwas nito sa kanya. Nasa parteng tagaytay pa lang sila ng kalabitin ni Rein si Winter, nakiusap sya sa binata na kung pwede ba muna sila dumaan sa gasoline station para makapag bawas kanina pa kasi ito nakakaramdam ng bigat sa pantog, agad namang nag hanap ang binata ng pwede ihian ng dalaga, dito Rein malinis lagi cr nila dito mag bigay ka nalang ng coins pang maintenance sa cr. " Thank you Win." Malambing na sambit nito at nag madali ng bumaba Matapos nilang mag stop over, si Lora naman ang nakiusap na mag babanyo kaya agad naman nag hanap si Winter ng restaurant, malayo pa kasi ang gasoline station sa nasabing lugar, agad naman bumaba si Lora paghinto ng sasakyan at nagmamadaling tumungo sa cr, sumunod din sa kanya ang tatlong babaeng kaibigan nya. " Brad parang may kasama tayong mga granny ahhh." Natatawang turan ni Zi. " Grabe ka naman bakit mo naman nasabi yan?" Tanong naman ni Brix sa kaibigan. " Maya - maya sila nag hahanap ng cr." Natatawang saad naman ni Zi. " Ganyang yung mga pinsan kong babae, panay hanap ng cr lalo na si ate Luay, nako nung buntis yun kay stephan kada madaanan namin cr lagi ang hinahanap." Natatawang pag lalahad naman ni Nic. Natigil lang ang pag uusap nila ng isa - isa ng nag si datingan ang mga kasama nilang babae, at ang huling pumasok sa van ay si Rein, pinaandar na ni Winter ang sasakyan at tahimik na silang umalis, sa byahe tulog na tulog na parang bata ang dalwang dalaga nagising lang ang mga ito ng tapikin ni Hummy, nag pasya muna silang kumain ng hapunan, kaya tumigil muna sila sa restaurant kung saan tanaw ang taal volcano, maagap na binuksan ni Zanthy ang pinto ng sasakyan para maka baba na ang mga nasa loob, at isa isang nag si babaan ang mga sakay sa loob. Pagkaspasok sa loob ng restaurant ay nag usap - usap muna sila kung anong kakainin ng maka pag desisyon na ay tinawag na nila ang waiter upang kunin ang kanilang order, bente minutos mahigit ang hinintay nila bago lumabas ang mga inorder na pagkain, dalawang family size na pizza 1 platter ng carbonara at 1platter ng sphagetti at 1 platter ng chicken 1 platter din ng spamfries with bottomless ice tea, sa dami ng pagkaing inorder nila tanging spam friem at chicken lang ang kinain ni Lora at Rein naninimbang kasi sila kung magugustuhan ba ng panlasa nila ang may cheeze na pagkain, hindi naman na din napansin ng iba kung anong kinain nila tahimik ang lahat sa pagkain, nabulabog lang ang katahimikan nila ng mag asaran nanaman si Hummy at Winter. " ummy diba favorite mo lahat ito? Eh bakit ang konti mo kumain?." Pang bubuska ni Winter sa dalaga. " Wag ka mag alalang taglamig ka, bumebwelo lang ako." Gigil na tugon ng dalaga habang anniningkit ang mga mata sa binata. " Hahaha.. oh ito oh, tikman mo masarap diba?." Subo ni Hummy kay Winter, at biglang nag iba ang timpla ng binata at namula ang buong mukha at nanlalaki ang mga matang tumingin kay Hummy. " Sh*t ang anghang, huhuhuhu." Paypay pa nito sa bibig at nilagok ang icetea sa tapat nito. " Ang sweet nyo talagang dalawa." Pang aasar pa ni Leilah " Oo nga." Ani Zi. "Oo nga bagay na bagay kaya kayo." Ani naman Nic. " Yuck never." Si Hummy at tinignan ng nakakadiring tingin ang binata. " Maka yuck ka sakin akala mo kagandahan ka huh?, swerte mo nga dahil nakakalapit ka sakin eh tapos, choosy ka pa, itong gwapo kong ito madaming nag hahabol dito no." Pag yayabang pa ni Winter. " Guys na cu- curious lang ako paano kayo nagkakilala?." Turan naman ni Brix. "Sad to say, Were Neighbor." Dismayadong sagot ni Hummy. " Sad to say talaga yan yung neighbor ko na bigla nalang pumapasok sa kwarto ko, may pagnanasa talaga yan sakin eh." Pang asar na saad ni Winter. " Ako pa huh!! Ikaw nga dyan pag nakakalimutan mo yung susi ng gate sa bahay nyo!!  sa kwarto ko nakikitulog eh, feel at home ka pa dahil malambot yung higaan ko, tatakas takas para maki pag inuman wala naman palang dalang susi ng gate." Tugon na asar naman ni Hummy sa binata. " Why dude wala bang doorbell yung labas nyo? " mausisang tanong naman ni Nic sa binata. " Sinisira nya talaga yun para doon sya matulog sa kwarto ko, sakop nga nya yung higaan ko pag nakikitulog sya eh." Pahayag pa ng dalaga kay Nic. Dahil magkatabi ang dalawa sa upuan ay panay lang ang asaran ng mga ito, hindi na nila namalayan na silang dalawa na lang pala ang natira sa lamesa. " Asan na sila?" Tanong ni Hummy. " Malamang umalis na, ang daldal mo kasi eh." Tudyo naman ng binata dito. "Guys picture tayo dito ang ganda ng view ohhh." Paanyaya naman ni Winter sa mga kaibigan. Sumunod naman ang mga ito at pumusisyon marami silang nakuhang mga larawan sa nasabing lugar, matapos maka pag pa picture ay bumalik na sila sa sasakyan. At pinaandar na ito ni Zanthy, alas nuebe na sila nakarating sa playa laiya sa batangas, agad naman silang sinalubong ni tita Mariole. " Oh mga bagets ang tagal nyo yata traffic ba?" Tanong ni tita Mariole. " Hindi naman po tita mas lamang lang yung stop over namin hehehe." Tugon ni Lora dito. " Oh.. sumunod na muna kayo  saakin ituturo ko yung tutulugan nyo para mailapag nyo na yang mga gamit nyo." Ng madaanan nila ang hapag na puno ng pag kain at mga inumin ay agad itong  tinuro ni tita mariole. " Oh!! Kumuha lang kayo ng pagkain pag nagutom kayo mamaya, and mga boys andun yung mga beer kung gusto nyo uminom, ganun din kayo mga girls, self service na lang mga bagets ahhh." Paalala pa nito. " YES PO." sabay sabay naman nilang tugon. " Oo nga pala guys,  ito yung magiging room nyo, ito yung villa2 medyo maliit lang kesa dito sa tutulugan namin andito na din ibang mga models, yung sa inyo solo nyo dun 2 rooms lang meron dun, mag tabi tabi nalang yung mga boys  kung hindi kasya ok?." At bumalik na ito sa pwesto. " Thank you tita Mariole." Pasasalamat nila sa ginang. Nag tungo muna sila sa villa na tutuluyan nila upang mailagay ang mga gamit bago mag tungo sa hapag para kumain, samu't sari ang pagkain na nakalatag sa isang mahabang lamesa, umaapaw din ang lagayan ng beer at iba't ibang alak ang naka hilera sa lamesa. Matapos mailagay ang mga gamit ay lumabas na din sila para kumain at maki halubilo sa mga kasama, kasalukuyan magkakatabing umupo ang mag kakaibigan sa isang mahabang lamesa, at masayang nagkakainan at nag bibiruan, ngunit si Rein at Lora ay nanatiling tahimik lang ngunit nakikinig sa mga palitan ng at asaran ng mga kasama. "Mabuti na lang at tinawagan ako ni tita Mariole nag papasama kasi si tita Tamara para bumili ng susuotin ni Tanyang dress para sa birthday ni Brix." Malungkot ang mukha ng dalaga habang nakikipag usap sa mga kaibigan mahina lang ang usapan nilang apat. " Hangang kailan ba yang mga tyahin mo mag sstay sa bahay nyo?." mausisang tanong ni Lora. " Hindi ko nga alam eh, parang wala nga lang sa kanila yung pagkawala ni Mommy at Daddy eh, nag kakantahan pa sila at nag sasayawan tapos panay utos nila ultimo pinag kainan ni Tanya saakin pa pinahuhugasan." Pagsusumbong nito sa mga kaibigan. " Kung gusto mo doon ka nalang muna sa bahay namin, wala naman kaong aksama dun eh, si granny andun kila uncle, si Winter lang madalas kasama ko dun nag sasawa na nga kao sa mukha nyan eh!!." Mungkahi ni Hummy sa dalaga. " Salamat Hummy!! Ok lang naman, ayoko naman iwanan yung bahay namin sa ngayon yun na lang kasi ang alaala nila mommy at daddy sakin,  siguro mag hihintay na lang ako hangang makaalis na yung mga kapatid ni daddy." At humugot ng malalim na pag hinga ang dalaga. " Ikaw Lora saan ka nga pala nag stay ngayon?" kuryosong tanong naman ni Leilah sa kaibigan. " Bumalik ako sa bahay namin, kawawa naman kasi yung bahay namin, iniwan na nga ni mommy at ni daddy pati ba naman ako iiwan ko pa, tanggap ko naman na hiwalay na sila at pasalamat pa nga ako dahil meron na pala akong makakasama doon." At minuwestra nito ang tyan na pipis pa, at ngumiti ng ubod ng tamis. " Basta Rein pag may ginawa silang hindi maganda saiyo andito lang kami huh!!." Ani Lora. At masayang nag yakapan ang apat, hindi nila alintana ang mga taong nakatingin sa kanila, basta masaya islang apat at handang damayan ang isa't isa, matapos nilang kumain ay pumunta muna sila sa tabing dagat upang mag pahangin, taimtim nilang dinama ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanilang kaibuturan, at payapang tumingin sa mga bituin sa langit. " Rein ano na nga palang plano mo ngayon, maliban sa ayaw mong iwan ang bahay nyo, paano ang sitwasyon mo." Tanong ni Hummy sa kaibigan. " You mean kung tama ba ang hinala natin? Kung buntis din ba ako?" Balik na tanong naman nya sa kaibigan, at tumango lang ito bilang pag sang ayon sa sinabi nya. " Ang totoo nyan hindi ko talaga tanggap, ayokong isipin ang possibleng sanhi ng mga nararamdaman ko, pero wala naman na akong magagawa sa bagay na yun diba?." Naiiyak na turan naman ng dalaga. " Oo nga pala Rein gusto mo mag try mag p.t? Bumili kasi ako kanina, maigi ng malaman natin ng maaga para maka pag isip tayo ng pwede nating gawin at maka pag ingat din para sa ating mga sarili at sa mga blessing na ibinigay sa atin." Ani naman ni Lora. " Natatakot ako Lora, paano nga kung positive anong gagawin ko?" Alalang tanong naman ng dalaga. " Huwag kang mag alala Rein andito lang kami para saiyo." Pag aalo ni Hummy sa kaibigan. " Oo nga naman, ayaw nyo ba yung madadagdagan na ang pamilya nating apat." Pag papalubag loob naman ni Leilah. " Ano Rein payag kana mag p.t?" Tanong ni Lora sa kaibigan. Tumango naman ang dalaga bilang pag sang ayon sa nais ng kaibigan. " Lets go, andun sa bag ko yung p.t samahan nyo ko para malaman na natin, relax lang Rein pinag daanan ko din yan kaya na iintindihan kita." At nag lakad na silang apat papunta sa villa na tutuluyan nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD