Nag lakad na silang apat papunta sa villa na tutuluyan nila.
Sa harap ng villa nakalatag ang isang mahabang lamesa at lahat ng mga imbitado ay nakaupo dun at masayang nakikipag inuman at nakikipag kwentuhan, agad naman kinuha ni tita Mariole ang atensyon ng lahat, upang mag bigay ng ng maikling speech at pasasalamat sa mga dumating na bisita, ganun din ang ginawa ni brix, dahil magulang nya ang may ari at dahilan ng pag cecelebrate nila ngayon, itinatag ang Bright Archeus Modeling Agency dalawang araw bago isilang si Brix, matapos ng speech ay bumalik ulit sila sa kanya-kanya nilang agenda, ngunit silang apat ay pumasok muna sa silid na tutuluyan nila.
Pagpasok na pagpasok palang ay kinuha na ni Lora sa bag ang pregnancy test kit na binili nya kanina at inilapag sa harap ng dalaga, excited pa silang tatlo na malaman kung anong magiging resulta nito, ngunit si Rein ay kinakabahan sa maaring maging resulta, ngunit andun din ang kagustuhan na malaman ang resulta, agad nya itong kinuha at pumasok sa cr, sa loob ng cr ay taimtim muna syang pumikit at nanalangin.
LORD ikaw na po ang bahala sana po negative, pero kung possitive po gabayan mo na lang ako,
At pinatakan na ng likido na nag mula sa kanya, matapos mapatakan ng likido, ay agad na din syang lumabas at ibinigay sa mga kaibigan ang naturang pregnancy test.
" Ok lets wait for a while." Masayang sambit ni Lora sa mga kaibigan.
Tinakpan muna nito ng kamay at dahan - dahan inaalis ang daliri sa naturang bagay, ng maitaas na ang dalawang daliri ay medyo may naka silip na isang malabong guhit, huminga muna sila ng malalim at nag bilang hangang sampo.
" 4, 3 ,2 1." Bilang pa ni Lora.
Bago tuluyang binuksan at doon tumambad sa kanila dalawang pulang guhit, nagtata talon ang dalawa ngunit si Rein ay halos panawan ng ulirat, biglang nanghina ang mga tuhod nya sa nakita, at nag unahang lumabas ang mga luha sa magkabila nya'ng mata. Hangang sa ang tahimik na iyak ay nauwi sa hagugol, kaya niyakap nilang tatlo ang kaibigan upang pakalmahin.
" Rein tama na yan baka makasama yan sa bata." Pagpapatahan ni Hummy sa dalaga.
" Oo nga Rein tahan kana pls." Malambing na tugon naman ni Leilah.
" Naiintindihan kita sa nararamdaman mo Rein, ako man ito ganyan din ang reaksyon ko nung una, pasasaan pa at matatanggap mo din."
" Pa-paano? Ni hindi ko nga kilala ang ha-hay*p na ama nito, kung sino ba syang ga-gag* sya, kung masamang tao ba sya, gu-gusto kong saktan ang sarili ko, da-dahil alam kong may kasalanan din ako ku-kung bakit nangyari sakin ito, kung hindi ako u-uminom nung gabing yun, hi-hindi siguro mangyayari ito sa-saakin ito, may promlema pa ko eh!! uhm uhm, ta-tapos ito nanaman problema ulit." Naghalo na ang hikbi at hagulgol sa pag iyak ng dalaga.
" Don't say that Rein, walang kinalaman ang batang yan sa ginawa sayo ng hay*p na tatay nyan." Na iiyak na saad ni Lora sa kaibigan.
" Blessing yan Rein hindi problema, kaya pls.. wag mong sisihin yan wala din yang kinalaman sa nangyari sayo, pasalamat ka dahil sa iyo sya binigay, yung iba dyan gusto magka baby pero hindi nabibiyayaan, pero ikaw kahit hindi mo hiningi ibinigay sayo." Pang aalo naman ni Hummy sa kaibigan.
" Ayaw mo ba yun Rein solo mo lang yung magiging baby mo, wala kang kahati." Ngiting pag papalubag loob ni Leilah.
" Oo nga naman Rein, kita mo ako kilala ko nga yung tatay nito, pero ano niloko naman ako nagsinungaling sakin." Naiiyak na turan naman ni Lora.
" Wag kayong mag alala andito lang kami ni Leilah para sa inyo, at nag yakapan silang apat.
" Ano ba yan ang drama na natin, dapat andito tayo para maka pag relax." Ani pa ni Lora.
" So-sorry guys, nabigla lang kasi ako, hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon." Hinging paumanhin naman ni Rein sa mga kaibigan.
" Ok lang yun Rein basta kahit anong mangyari andito lang kami para sa inyong dalawa, diba Hummy?." Ngiting turan naman ni Leilah.
" gusto nyo pa bang bumaba para maki join sa mga tao dun?" Tanong ni Hummy sa mga kaibigan.
Tumango naman ang mga ito, nag hilamos muna sila ng mga mata para hindi mahalata na galing sila sa pag iyak, at bumaba na silang apat.
Pagkababa ay sumalubong sa kanila ang amoy ng pinag halong alak at pagkain, halata na ang dami ng na inom na alak ng mga taon sa baba, dahil mapungay na ang mata at maingay na ang mga ito, napukaw ang atensyon nila sa pag tawag ni Winter kay Hummy.
" Hummy dito na kayo maupo at turo nito ang apat na silyang nasa tabi nito, ini laan talaga ng binata ang mga upuan para sa kanilang apat, mababakas na din ang tama ng alak sa mga mata nito, na una ng umupo si Hummy sa tabi nito at sinundan naman ni Leilah at Lora ang pinaka huli ay si Rein, habang masayang nag uusap ang mga nasa paligid ay hindi naman maipinta ang lungkot sa mukha ni Rein, marahil iniisip parin nito ang sitwasyong kinalalagyan nya at ng batang nasa sinapupunan nya na ngayon, natigalan sya sa malalim na pag iisip ng mapadako ang mata nya kay Brix, nakatingin ito sa kanya, ngunit malungkot ang mga mata nitong nakatitig sakanya, sandali silang nagka titigan ngunit sya na din ang unang nag bawi ng tingin sa binata, bakas sa mga mata nito ang lungkot at mga katanungang hindi nya mawari, mabuti na lang at biglang nag salita si Winter dahilan upang mabaling dito ang atensyon ng lahat.
" Bil-bil ko gutom kananaman?." Pang aasar nito sa katabing si Hummy na kumakain ng cake.
" Isa!! tigilan mo na nga ang kaka tawag ng ganyan, payat na ako ngayon oh!! ohhh." Tugon naman ng dalaga at tumayo pa para ipakita ang naturang katawan na hindi naman katabaan.
Bigla naman nakaramdam ng pagka ihi si Rein kaya naman nag paalam muna ito sa mga kaibigan upang mag banyo agad naman nitong hinanap ang banyo sa loob ng villa, nagulat ito ng pag bukas ng pinto ay nabungaran nito si Brix at seryoso itong naka tingin sa mukha nya, ngunit binalewala nya lang ang presensya nito, akmang hahakbang na sya patalikod ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay nya, napapitlag sya sa gulat, ngunit wala na syang nagawa ng hilahin sya nito paakyat sa hagdan, at ipinasok sya nito sa kwartong tinutuluyan ng mga ito at nilock ang pinto ng kwarto.
" Anong bang ginagawa mo? Pwede ba babalik na ako sa baba kaya bitiwan mona ako." Pag tataray naman ng dalaga sa binata.
" No!!! i wont... hangang hindi mo sinasabi kung bakit hindi ka nag reresponse sa mga tawag at messages ko, ok naman tayo nung umalis ako sa bora, why Rein??ano bang nagawa ko para balewalain mo ako? TELL ME.." pag mamakaawa nito sa dalaga
Humugot muna ng malalim na buntong hininga ang dalaga bago tumugon sa tanong ng binata.
" Gusto mong malaman??, i saw you and vanessa kissing while at the bar, and she told me that you and her, are officially in a relationship, thats why i decided to avoid you. Dahil alam kong wala akong karapatan masaktan." Madiin na tugon ng dalaga.
" Vanessa again??, will you please ask me first before you listen to her lies??, and yes i admit we kiss before i left, dahil nangako sya na titigilan nya na ako at yun na ang huling pakiusap nya sakin, yun lang yun Rein sa maniwala ka o hindi ikaw lang ang gusto ko please, kung nasaktan man kita sa bagay na yun, im begging you, please forgive me." At lumuhod pa ito sa harap ng dalaga.
Humugot muna ng malalim na hininga ang dalaga, napag isip-isip din nya na hindi dapat nya dibdibin ang nasaksihan sa pagitan ng dalawa, oo nasaktan sya sa bagay na yun, ngunit hindi sya dapat mag pa daig sa galit na nararamdaman, lalo na ngayon sa kalagayan nya, hindi lang siya ang mahihirapan pati na rin ang batang nasa sinapupunan nya kaya nag desisyon na syang patawarin na ang binata sa nagawa.
" Ok na sakin yun, nasaktan lang siguro ako that time , after that wala naman akong karapatan para masaktan, all i want now is peacefull life." Kalmadong saad ng dalaga.
" Yes you have!! You have the right to feel anger after you so that, and i understand you for that, thats why i felt sorry for what i've done, please tell me pinapatawad mo na ako, pls Rein, pls." Pagmamakaawa pa ng binata dito.
" you're forgiven Brix, but please!!
I want you to out of my life and forget about me, im really sure marami ka pang makikitang ibang babae na mas higit pa sa akin." At ngumiti ito ng mapait.
" NO!! I WONT AND I CAN'T DO THAT... ikaw lang ang gusto ko Rein, please wag mong gawin sakin ito, im begging you please, lahat ng gusto mo gagawin ko sabihin mo lang please Rein, please." Pagmamakaawa ng binata.
" Hindi mo ako na iintindihan Brix, hindi na ako malinis, hindi na ako ang babaeng nararapat sa iyo." Paliwanag pa ng dalaga.
" Why did you say that? Kahit sino at ano ka pa tanggap kita Rein, hinihintay ko lang maka graduate tayo, para maligawan na kita ng pormal, dahil yun ang gusto mo ang maka pag tapos na muna ng pag aaral and i admire you for that." Malambing na tugon naman ng binata.
" Hindi mo ako na iintindihan Brix, gusto ko yung babae malinis ang mamahalin mo, hindi yung katulad ko."
Nag tatakang tumingin naman ang binata sa dalaga,
" I dont understand you?, all i know is ikaw yun Rein, ikaw lang ang nararapat para sa akin wala ng iba." Tugon pa ng binata sa dalaga.
Doon na tuluyang bumuhos ng husto ang mga luha sa mata ng dalaga, naghahati ang kalooban nya, kalahati ng isip nya ang nag sasabing layuan na ang binata, ang kalahati nama'y nag sasabi na hayaan nya na lang ang nararamdaman para sa binata, ngunit mas nararapat para sa binata ang malinis at marangal na babae, masakit man sa kalooban ng dalaga ngunit hindi na sya iyon, dahil wala na syang dangal na maipag mamalaki dahil nawala na ng hindi nya namamalayan, buo na ang desisyon nya na i let go na ang nararamaman nya para sa binata at pagtuunan nalang ng pansin ang batang nasa sinapupunan nya, na ipinag kaloob sakanya ng rap*st na ama nito, tinuyo nya muna ang kanyang mga mata gamit ang mga palad at muling nag salita.
" Im sorry Brix pero you deserves someone better than me, yung hindi r*pe victim katulad ko." Wala ng tigil ang mga luha na dumadaloy sa mga mata ng dalaga, nanariwa nanaman sa alala nya na gumising siya isang araw na walang maalala, at ang masakit pa nun ay nag bunga ang kahayupang ginawa sa kanya.
Gulat naman ang namutawi sa mga maukha ng binata sa narinig sa dalaga, mukha itong pinanawan ng kulay sa nalaman na kina hinatnan ng dalaga, at hindi na nya naiwasang mag tanong sa dalaga.
" What!!!?? Sinong gumawa nun sayo? Nakilala mo ba? Kailan nangyari yun?." Sunod sunod na tanong naman ng binata sa dalaga.
Tanging iling lang ang sagot ng dalaga sa tanong ni Brix, at pinakalma muna nito ang sarili upang makapag salitang muli.
" after kong makita yung nangyari sa inyo ni vanessa, nag decide akong lunurin yung sarili ko sa alak dahil nasaktan ako, pero nakaka dalawang baso pa lang ako nakaramdam na ako ng hilo, kaya nag decide na akong pumunta sa cottage na pina book mo, but i was felt so drunk kaya ng makita ako ng waiter sa bar nyo, nag pahatid ako sa cottages, and the next day i woke up in pain down there, and i don't remember anything, yung mga ginawa nya sakin kung sino sya or ano sya, hindi ko yun nakita but the blood stain proves na may nangyaring hindi maganda sakin, so i ask the waiter kung may nakita ba siyang ibang taong kasama ko sa kwarto that time sabi nya wala naman daw, pinatotohanan yun ng babaeng maintenance ng cottages na tinuluyan ko, nakita ko din sa cctv ng bar nyo na bumalik agad yung waiter matapos akong maihatid,kaya alam kong hindi sya ang gumawa nun sakin, i don't know who's to blame but, nangingibabaw parin na sinisisi ko yung sarili ko, kung hindi siguro ako nag padala sa nararamdaman kong galit at sakit that time, maybe i wont end up like this. At muli nanamang bumuhos ang mga luha sa magkabilang mata ng dalaga.
Hindi na nakapag salita pa ang binata at naiwang nakatulala, napilitan na din lumabas si Rein sa kwarto ng mga ito dahil sa mga narinig na tawanan mula sa hagdanan marahil tapos ng mag inuman ang mga kasama nila at ano mang oras ay aakyat na ito para matulog na, kaya naman dali - dali nya ng tinungo ang silid nila at humiga na.
Nag panggap na lang syang mahimbing na sa pag tulog upang itago ang mga matang namamaga dahil sa pag iyak.
Kinabukasan ay tanghali na silang bumangon sa higaan, mas masarap ang naging tulog nila bukod sa malamig ang buga ng aircon at malambot na higaan ay napagod din sila sa byahe at pakikipag kulitan sa mga kasama, idagdag pa ang kondisyon nila ng kaibigang si Lora.
" Good morning every one." Naka ngiting bungad ni Hummy sa mga kaibigan, ganun din ang iginanting bati ng mga kaibigan sa dalaga at isa - isa na silang nag ayos at naligo bago bumaba para kumain ng almusal, pag bukas nila ng pinto ay saktong papalabas na din ng kwarto ang mga kasama nilang mga boys, at hindi nanaman napigilan ni Winter ang pang aasar nito sa kaibigan nilang si Hummy.
" Good morning girls, bil-bil ko na miss mo ba akong makatabi ma tulog?. Bati nito sa dalaga.
" No way!!, ang sarap kaya ng tulog ko dahil hindi kita katabi walang nang agaw ng unan at kumot ko, at wala ring malakas humilik, haisstt!! sana laging ganun yung tulog ko, kaya wag kana pupunta sa bahay ko pag wala kang susi ng bahay nyo, dun ka nalang sa bar nyo, para wala kang naiistorbo."hinaing na tugon naman ng dalaga.
" Tama na yan kayong dalawa, halika kana at ng makapag almusal na gutom na ako bilis." Awat naman ni Lora sa kanila.
Kasalukuyang na ngangasim ang sikmura ni Rein kaya pina una nya na muna ang mga kaibigan nya para bumaba, humahangos pa ang dalaga ng lumabas ng pinto, pag bukas nya ng pinto si Brix agad ang nabungaran nya sa labas, bakas sa mukha ng binata ang pag aalala para sa dalaga, at hindi na nito naiwasan mang usisa.
" Are you ok?"
" Yes im ok now." Tugon ng dalaga sa binata at ngumiti lang ito.
" You look pale, nahihilo ka nanaman ba?"
Tumango lang ang dalaga bilang pag sang ayon sa turan ng binata.
" Gusto mo dalhan nalang kita ng breakfast sa room mo?
" Im ok dont worry, gusto ko ring bumaba para maka langhap ng sariwang hangin." Ngunit ng ihahakbang nya ang mga paa muli nanamang umikot ang paningin nya, mabuti nalang at maagap ang binata at naalalayan sya nito bago pa man bumagsak.
" See!! i told you, much better if you take a rest for now, ill bring you the food." Hinatid muna sya nito sa kanilang silid bago bumaba para kumuha ng pagkain.
Mabilis ding naka balik ang binata, at dala na nito ang mga pagkain para sa dalaga, kumatok muna ito sa pinto at pinihit ang seradura upang mabuksan ang pinto, nadatnan nitong naka higa ang dalaga kaya tinapik nya itong marahan at agad naman nag dilat ng mata ang dalaga.
" Love!!, kain kana muna." Malambing na turan nito sa dalaga.
Inalalayan muna nito ang dalaga upang maka upo ng maayos, ngumiti lang ang dalaga.
" Salamat." Tipid na turan nito sa binata.
" Here i brought you cup noodles, sinangag, hotdogs and eggsandwich."
Nang maamoy ng dalaga ang bawang ng sinangag ay agad itong nakaramdam ng pag baliktad ng sikmura kaya naman dali dali itong tumakbo sa banyo, sinundan naman ito ng binata, naabutan nya'ng panay ang suka ng dalaga, kaya naman marahan nyang hinagod ang likod nito, at hinawakan ang nilikom na mahabang buhok upang iiwas.
Matapos makaramdam ng kaginhawaan ang dalaga ay tumayo na ito at nag hilamos, maagap naman itong inalalayan ng binata upang makabalik sa higaan.
" Nilalagnat kaba Rein? Wait kukuha lang ako ng gamot sa bag ko, just wait for me, i'll be right back."
" NO NEED." malakas na turan ng dalaga sa binata dahilan upang mapahinto ito sa pag labas ng silid at muling humarap sa dalaga.
" Hindi ako pwedeng uminom ng gamot."
" Huh!!! Why??." Usisa pa ng binata sa dalaga.
" BECAUSE IM PREGNANT."madiin na pagkakasabi ng dalaga
Nabigla ang binata sa pahayag ng dalaga, bakas sa mukha nito ang pagkabigla, natulos ito sa kinatatayuan, halata ang lalim sa paghinga ng binata ng makahuma ito mula sa pagkakabigla ay lumapit agad ito sa dalaga, bakas ang awa at at katanungan sa mga mata nito wala na itong nasabi kundi.
" Im sorry Rein." At humagulgol ang binata, napaluhod na din ito sa harap ng dalag
" Wala kang kasalanan Brix, may dahilan kung bakit nangyari ito, walang may gusto sa nangyari, kaya wag ka ng umiyak." Pag papalubag nito sa loob ng binata.
Habang naka luhod ang binata sa gilid ng dalaga, nag angat ito ng mukha at buong pag iingat na hinawakan ang mukha ng dalaga gamit ang dalawang kamay, at ngumiti habang tumatango.
" Im sorry, kung ganito ang reaksyon ko." Umupo na ito at mabilis na pinunasan ang mga mata at buong giliw na nginitian ang dalaga.
" kumusta na pakiramdam mo, gusto mo ba ng sandwich? Mag bread ka na lang muna, sabihin mo lang sakin kung anong gusto mong kainin." Masaya na ang mukha ng binata sa puntong yun.
" How about fruits? May mangga sa baba, apple? Wait kukuha lang ako, sasabayan na kitang mag breakfast, i'll be quick." At mabilis na umalis ang binata.
Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing dinala ng binata, matapos kumain ay pinag pahinag na ng binata si Rein at agad na ito umalis dala ang mga pinagkainan nila.
*******
Masayang nag uusap ang magkakaibigan habang nakaupo sa buhanginan, hinayaan na muna nilang mag pahinga ang kaibigang nilang si Rein na nasa itaas ng villa, panay parin ang asaran ni Hummy at Winter, na syang dahilan ng halakhakan ng mga kasama nila.
" Wait lang guys na iihi na ako kakatawa sa dalawang yan." Tumayo na ito at nagtungo sa banyo.
Paglabas sa banyo ay nagitla ito ng may tumakip sa bibig nito, nag pupumiglas naman ang dalaga upang makawala sa pag kakahawak dito, sa amoy palang ay kiaala na ng dalaga kung sino ang may kagagawan nito, alam na nito kung sino ang humawak sa kanya, pinilit parin nitong mag pumiglas ngunit malakas ang pwersa ng lalaking may hawak sa kanya, hindi na natiis ng dalaga ang sang- sang ng amoy ng lalaking nasa likuran nya kaya agad itong pinanawan ng ulirat.
Nagising ang dalaga sa di pamilyar na lugar, agad naman itong bumangon ng maamoy ang masang- sang na amoy na nag mumula sa binata, nangunot ang noo nito at hinarap ang binata.
" Anong ginawa mo sakin, bakit ako nandito, walang hiya ka talaga." Lumapit naman ang binata upang pa kalmahin ang dalaga.
" Lumayo ka nga sakin, ang baho mo, mahihilo ako sa amoy mo." Pagtataboy pa ng dalaga sa binata.
" Anong mabaho kaliligo ko nga lang eh."
" Masang-sang yang amoy mo, nakakahilo, kaya pwede ba wag kang lalapit sakin, ma mamatay ako sa amoy mo eh." Patuloy na pagtataboy nito sa binata.
" Babe ikaw ang nag bigay sakin nitong pabango ko, ikaw pa nga namili nito diba?."
" pwes ayoko ng maamoy yan ma mamatay ako sa amoy na yan." Nag tatakang tumingin naman ito sa dalaga.
" Youre so weird." Kunot noong turan pa nito.
" Oh!! Bakit naghuhubad ka sa harap ko?." Nanlalaking matang turan naman nito sa binata.
" Babe maliligo ako, diba sabi mabaho ako?." Taas ang isang sulok ng labi nitong habang nangangatwiran sa dalaga.
" Wag mo nga ako ma babe-babe dyan, remember tapos na tayo, dont call babe me." Mataray naman nito asik sa binata.
" Para sayo tapos na pero para saakin never." At umalis na ito upang mag tungo sa banyo, naiwang naka tulala ang dalaga sa tinuran nito.
Muli pang bumukas ang pintuan ng banyo at dumungaw ang ulo ng binata.
" Wag kang aalis dyan, hintayin mo ko don't you dare." Banta pa nito sa dalaga.
Wala naman nagawa ang dalaga kundi ang humiga muli, pina pakalma muna nito ang sarili dahil hindi pa ito maka huma sa pagkahilong nararamdaman.
Agad din naman natapos sa paliligo ang binata, lumabas ito na tanging tapis ng tuwalya lang ang suot, ng maamoy ng dalaga ang amoy nito agad namang napamulat ang dalaga.
" Anong gagawin mo sakin, bakit ka naka hubad." Agad itong bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang kumot upang itakip sa katawa nito.
" Easy babe wala akong gagawin sayo, katatapos ko lang maligo, that's why im naked." Mapang asar na tinapunan ng tingin ang dalaga.
" Magbihis kana, bilis!!!." Akmang tatayo na ito upang lumabas ng silid ng mahablot ito ng binata.
" Ooops, were do you think youre going?." Agap naman ng binata sa dalaga.
" Lalabas na ako, hindi naman dito ang room namin eh!!." Mataray na balik naman ng dalaga.
" Oopsss, hindi pwede, we need to talk first." Mapangasar na turan pa ng binata sa dalaga.
" Wala na tayong dapat pang pag usapan, were done, hindi pa ba maliwanag sayo yun?".
" Hindi!!! Dahil hindi ako papayag." Ma autoridad na pagkaka banggit ng binata.
" Wala akong paki alam kung hindi ka pumayag, but for me were done,...understood?." Humalakhak lang ang binata sa tinuran ng dalaga.
" Ok then ipaliwanag mo sa sakin bakit meron ka nito?." Nanlaki ang mata ng dalaga sa ini abot ng binata, naalala nyang inilagay nya nga pala iyon sa bulsa nya kanina, marahil nalaglag ito ng buhatin sya ng binata paakyat sa silid ng mga ito, hindi agad naka huma ang dalaga ayaw nyang malaman nito na sa kaibigan nya ang bagay na iyon, dahil siguradong ka aawaan lang din nito ang kaibigan nya, pag nalaman nito ang sinapit ng kaibigan at dahil nangako sya sa kaibigan nya na silang apat lang ang makakaalam sa kalagayan nito, kaya naman aamini nya na sa dating kasintahan ang kasalukuyan nyang sitwasyon.
" Sinong ama nyan?." Nanunuring tinignan ng binata ang dalaga.
Alam ni Zanthy sa sarili nya na tanging sya lang ang lalaki sa buhay nito, dahil matapos itong makipag hiwalay sa kanya ay walang mintis nya itong sinusundan kahit saan ito mag punta, isa pa ang isiping may namagitan sa kanila bago pa sila mag hiwalay.
Nangunot ang noo ng dalaga sa tinuran ng binata sa kanya, palihim nitong ikinuyom ang palad nito, at marahas na bumuntong hininga, buong tapang na hinarap ang binata.
" Gusto mong malaman kung sino?" Agad itong lumapit sa binata at buong lakas na sinampal ang kaliwang mukha nito, dahilan upang marahas na halikan ng binata ang dalaga.
Walang tigil naman sa pag iwas ang dalaga at sapag pupumiglas nito, natigil lang ang binata sa ginagawa ng biglang sumigaw ang dalaga.
" Ahhhh, ang tiyan ko,,,." Hindi maipinta ang mukha ng dalaga sa pamimilipit nito sa sakit.
Agad naman itong binitawan ng binata, at pinahiga sa higaan, hindi ni alam ni Zanthy ang gagawin dahil sa pagkakataranta.
" I im sorry, masakit pa ba? Dadalhin na kita sa hospital." Alalang alala ang hitsura nito at hindi malaman ang gagawin, kaya naman hinimas na muna nito ang tiyan ng dalaga.
Nakaramdam naman ng kaginhawaan ang dalaga sa ginawa ni Zanthy, hinimas nito ang tiyan nyang maliit pa, marahil nadarama ng bata sa loob nito ang presensya ng ama nito, kaya tuluyan ng tumugil ang pag kirot, hangang sa makatulog na ang dalaga, ngunit patuloy parin ang paghimas ng binata sa tiyan nito.
" Im sorry baby, hindi sinasadya ni daddy." Bulong nito sa pipis na tiyan at humalik ito sa tiyan ng dalaga.
Hinayaan nya lang matulog ang dalaga, hindi nya akalain na ang isang beses na namagitan sa kanila ng dalaga ay agad na mag bubunga, masaya sya sa isiping iyon, at nasasabik na masilayan ang naging bunga ng kanilang pag-mamahalan.
" Dont worry baby aalagaan ko kayo ni mommy, mahal na mahal kayo ni daddy." Kausap pa nito sa pipis na tiyan ng dalaga.
******
" Asan ba si Brix at Zanthy? Kanina pa wala ang mga iyon ahhh." Kamot ulong saad ni Winter.
" Baka may importanteng inaasikaso, we all know naman na si Brix ang incharge sa event na ito baka tinulungan lang ni Zanthy, alam mo naman ang dalawang yun." Ani Zi.
" Mabuti na lang andito ang bil-bil ko." Sabay akbay naman nito sa dalaga.
" Magtigil ka na nga kakatawag sakin ng bil-bil payat na ako ngayon, may crush na nga ako eh." Angil naman nito sa binata.
" Crush?? Diba ako lang crush mo? Pinagseselos mo nanaman ako ahhh, hindi yan uubra sakin." At ngumiti pa ito ng malapad.
" Hindi ka naniniwala?." Kaya naman agad itong lumapit sa lalaking naka sandong puti at lightblue na beachshort, at kinausap naman ito ng lalaki, nanlalaki ang butas ng ilong ni winter sa nasaksihan na pakikipag usap ng dalaga sa sinasabi nitong crush, kaya agad naman itong tumayo at nag lakad papalapit sa mga ito, ngunit maagap naman itong napigilan ng dalawang kaibigan nito, at inakbayan ang binata, hinatak na nila ito palayo sa dalaga at nagtungo sila sa may tabing dagat upang sumakay sa banana boat, hindi naman maialis ni winter ang tingin sa dalaga at sa kausap nitong lalaki.
" Ikaw kasi dude, hindi mo agad niligawan eh!! Puro pang aasar lang ginagawa mo yan tuloy, mukhang mauunahan ka pa ng iba." Angil ni Zi sa binata.
" Ang hina mo kasi dude, dapat ginapang muna agad eh, katabi mo naman pala matulog,, take note ahhh!! lasing ka pa nun ahh." Ani naman i Nic.
" Mga dude nangako kasi ako kay granny na patatapusin ko muna mag aral si Hummy bago ko tuluyang ligawan." Paliwanag naman nito sa mga kaibigan.
" Eh, dapat dude binakuran mo na, hindi yung dinadaan mo lagi sa pang aasar, kita mo tulo laway ka tuloy, nanlalaki pa yang butas ng ilong mo." Natatawang saad ni Zi.
" Dont worry mga dude, may naisip na akong paraan, hindi naman ako papayag na basta lang maagaw sakin ang bil-bil ko no, ang tagal ko kaya yang hinintay, ngayon pa ba ako susuko?." Mayabang na pahayag naman ni Winter sa maga kaibigan nito.
" Alright dude basta hindi kami kasali dyan sa plano mo na yan ahhh!!." Ani naman ni Nic.
" Basta suportahan nyo na lang ako sa gagawin ko." Nakangiti pa ito habang hinihimas ng dalawang daliri ang panga nito.
" Basta sa maayos na paraan dude, go kami dyan." At nag apiran ang mga ito.
*******
Malapit ng mag tanghalian ng magising si Rein, sa tabi nya ay payapang natutulog si Brix, gumalaw lang ito ng maramdaman ang pag unat niya ng mga kamay.
" Gising kana, kumusta na pakiramdam mo?" Alalang tanong naman nito sa dalaga.
" Maayos na, salamat nga pala." At nginitian nito ang binata.
" Kaya mo na bang bumaba?." Nag aalalang tanong pa nito sa dalaga, at tumango naman ang dalaga ng buong giliw.
Inalalayan sya ng binata papalabas ng silid, natulos sila sa kinatatayuan ng mapagsino ang lumabas sa kabilang silid.
Nagkagulatan pa ang mga ito ngunit agad naman nakahuma .
" Lets go kain na na tayo sa baba." Paanyaya ni Brix sa kaibigan at sa kasama nitong si Lora.
At agad na lumapit si rein sa kaibigang si Lora.
" Ok na kayo?." Kuryosong bulong ni Rein sa kaibigan.
" Alam nya na." Malungkot na pagkakasabi naman ni Lora sa kaibigan.
" Ohh, edi maganda atleast mapapanagutan kana nya at magkakaroon na ng daddy yang baby mo." Masayang tugon naman ng dalaga.
Tanging buntong hininga lang ang tugon ni Lora.
" Bakit parang hindi ka masaya? Bulong pa nito.
" Hindi naman sa ganun Rein masaya naman akong malaman ng ama nitong pinagbubuntis ko ang tungkol sa anak nya, pero hindi ko pa alam kung anong gagawin ko ngayong alam nya na, sigurado akong lagi nanaman yang nakadikit sakin para nanaman akong preso nito." Tumawa lang ang kaibigan sa turan ng dalaga.
" Ganun yata talaga yun, gusto ka lang nyang protektahan pati ang magiging baby nyo." Pagpapalubag loob naman ni Rein sa kaibigan.
" Lets go kailangan mo ng kumain." Maingat na paanyaya naman ni Zanthy kay Lora.
" See i told you." magkaakbay naman na bumaba ang mag kaibigan rein at lora.
" Dahan dahan kayo sa pag baba." Parang tatay na paalala naman ni Zanthy sa magkaibigan.
Nauna na si Brix sa pag baba ngunit halatang naka agapay ito sa dalawang buntis dahil sa marahan na pag baba nito,
" Ikaw Rein, ok na ba kayo ni Brix, sinabi mo rin ba sakanya yung tungkol dyan ." Nguso pa nito sa tiyan ng kaibigan.
" Ok na kami, nakita nya kasi akong dumuduwal sa cr kaya no choice na ako kundi ang sabihin ang kundisyon ko." Yun lang ang naibahagi ng dalaga sa kaibigan upang hindi na humaba pa ang usapan.
" Oh!! What is the meaning of this?." Mausisang tanong naman ni Hummy.
" Ok naba kayo ni Zanthy? Eh!! kayo ni Brix." Dugtong pa ni Leilah, bigla tuloy nahiya ang apat na.
" Lika na nga mamaya na yan mga lovers, kumain na lang tayo nagugutom na ako." Putol ni Winter sa usapan ng magkakaibigan.
Na upo na sila sa hapag at masayang kumain, bigla namang nag paalam si Hummy sa grupo at nag sabing babalik din daw ito agad at may gustong ipakilala.
Agad naman nga itong bumalik at may kasama itong lalaki na maputi at chinito katamtaman ang laki nito.
" Hi guys, let me introduce you the love of my life, Lorenzo Enzo Geronimo III." Masayang pag papakilala nito sa mga kaibigan.
At isa isa nitong kinamayan ang mga kasama, sarkastikong nginitian lang ito ni Winter at buong galak ding nagpakilala sa kasama ni Hummy.
" Ako nga pala brad si Winter, sleeping buddy ni Hummy, nice to meet you by the way." Maangas pang turan nito.
" Yes, na kwento ka nga nya sa akin, tama nga sya gwapo ka nga sa personal, pasimple pa itong kumagat sa ibaba ng labi.
i i mean kayong mag kakaibigan, mga gwapo kayo, napanuod ko kasi yung commercial nyo ng co ng beer, nice to meet din brad." At tinapik pa nito ang balikat ni winter dahilan upang mapalapit ang katawan nito sa binata.
" Ta tama na yan, ahmm, enzo would you mind if you join us?." Paanyaya ni Hummy sa dalaga, agad naman tinanggap ng binata ang paanyaya ng dalaga na sumabay sa pagkain, kasalukuyan silang mag katabi sa upuan, sa kabilang bahagi naman ng dalaga si Winter at panay ang lagay ng pagkain sa plato ng dalaga.
" Bil-bil ko ito oh!! Kainin mo ito favorite mo ito diba." Tugon nito habang ang mata ay naka tingin kay enzo.
Hindi naman ito pinapansin ng dalaga dahil naka harap ito sa katabing si Enzo, at hindi alintana ang presensya ni winter, tahimik lang na nag mamasid ang mga kasama nila na ang atensyon ay sa kanilang tatlo lang nakatuon.
Tanging iling na lang ang nagawa ng mga kaibigan ni winter dahil sa ginagawa nitong pag papa pansin sa dalaga.
" You should try this, healthy ito para sa inyo ni baby." Alok ni Zanthy kay Lora At pinag balatan pa ito ng hipon at talaba.
" Thanks." tanging na isagot ng dalaga.
" tapos kana Rein? Ito oh!! Pinagbalat kita ng mangga." Malambing na turan naman ni brix sa dalaga.
" Uyy penge ako nyan Brix, malambing na turan naman ni Lora.
" Here, gusto nyo pa ba marami pang ganyan sa loob."
Tumango ang mga ito ng buong lubos, at ngumiti ng ubod ng tamis. Parang mga bata itong inabutan ng candy.
Kaya naman tinungo ni Brix ang kusina ng villa upang kunin ang mga prutas na ipinabili.
Tuwang tuwa ang dalawang magkaibigan at masayang pinag saluhan ang mga prutas na nakahain sa harap ng mga ito.
" Anong oras nga pala tayo uuwi? Diba may lakad pa tayo bukas? Ani Leilah sa mga kaibigan.
" Mga 3pm na lang." Sagot ni Hummy.
" Ok sige 3pm, i enjoy na muna natin tutal may tatlong oras pa tayo bago umalis." Suhestyon naman ni Lora.
Matapos kumain ay nag lakad-lakad muna sila patungo sa tabing dagat, nakaramdam sila ng ingit sa mga nagtatampisaw kaya naman lumusong na din sila at masayang
Naligo, tuwang tuwa pa sila sa hampas ng alon sa katawan at parang mga batang nag babasaan.
Nag aalalang nakatanaw naman ang dalawang binata sa magkakaibigan na animoy parang mga batang nag lalaro sa tubig, habang si Winter ay panay ang kuha ng video at picture gamit ang mga camera nito, si Enzo naman ay bumalik na sa mga kasama nito.
" Dude anong iniisip mo?." Ani Brix kay Zanthy.
" Nag aalala kasi ako kay Lora, baka makasama sa kanya ang sobrang pag galaw nya." Nagtatakang tumingin naman ito sa kaibigan.
" Bakit naman? Mukhang ok naman sya ah." Kunot noo pa nito habang naka tingin sa kaibigan.
" She's pregnant." Pahayag nito sa binata.
" What? Pareho sila ni Rein?." Na syang ikinagulat naman ni Zanthy.
" Buntis din si Rein? Dont tell yun yung time na nag punta kayo sa bahay ni Lola Mary? Dun ba nabuo?." Ngiting tanong ni Zanthy.
" Nope, she told me she was a ra*pe victim, and i felt guilt for that, then last night lang nya na confirm she's pregnant." malungkot na pahayag naman ni Brix sa kaibigan.
" Dont tell me it happens nung nasa bora tayo? After you left, kinabukasan kasi nun balisa sya parang anytime iiyak na sya eh." Tugon naman ni zanthy.
Nag pakawala muna ng malalim na buntong hining si Brix, bago magsalitang muli.
" All i can say for now, im willing to take the responsibility for what happened to her, aalagaan ko sila ng magiging baby nya, nasaktan ko na sya bago ako pumuntang u.s, nakita nya kami ni vanessa, Naguiguilty ako dun dude, dapat pala hindi ko pinagbigyan ang request ni vanessa na halikan ko sya for the last time, ginawa ko lang naman yun para tigilan nya na si Rein, ayokong nasasaktan si Rein beacause of me, ayokong dumating nanaman kami sa point na hindi nya nanaman ako pansinin hindi ko kaya yun dude." Lathala pa ni Brix sa kaibigan.
" Good decision Brix, at tinapik nito ang braso ng kaibigan.
" Oo naman dude, ako naman may kasalanan nun eh, im the one who's responsible for what happened to her." At nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang binata.
Hindi na muli pang nag tanong si Zanthy kay Brix, buong atensyon na lang nilang pinanood ang mag kakaibigan na parang mga batang nag lalaro, at nag paunahan nilang tinungo ang kinalalagyan ng mga ito upang makisali.
" Uyyy sali din kami." Tumatakbong saad ni Winter papunta sa mga kaibigan na nag kakasiyahan, na animoy mga batang nakawala sa loob ng bahay.