Mix Emotion

2762 Words
    Umahon muli si Winter upang i ayos ang timer ng camera, hawak nito ang remote ng kanyang camera na naka lagay sa waterproof na transparent nitong celphone holder, naka set ito ng 5 seconds, dahil aliw na aliw sya sa pag kuha ng picture nilang lahat. " Ok guys 123 wacky." Sumunod naman ang lahat kay winter kaya naman nag kanya, kanya sila ng pag popost, hindi pa ito nakuntento sa buhangin naman sila kinuhanan, " Ohh jump shot naman, 123 natigil ito ng batukan ni Zanthy." " Ouch naman dude, kung ayaw mong mag jumpshot mag wakanda ka nalang hindi yung nambabatok ka dyan, meron kaba ngayon? Ang init kasi ng ulo mo eh." Himas pa nito sa ulo " dude wag na lang jump shot ibang post na lang." Suhestyon naman ni Brix sa kaibigan. " Dude ang ki kill joy nyo naman eh!," reklamo pa ni winter aa dalawa. "Maganda nga yun dude eh, habang umaalon astig kaya yun." Pag sang ayon naman ni Zi. " HINDI NGA PWEDE." pag didiin pa ni Zanthy. " Bakit nga ba hindi pwede?" Usisa naman ni Nic. Hindi na naka pag pigil pa si Zanthy kaya naman nagawa na nito sabihin sa mga kaibigan ang dahilan. " Because Lora is pregnant."Ani Zanthy. " And also Rein, they are both preggy." Si Brix naman. Natigilan naman ang tatlo sa narinig. PREGNANT LANG PALA EH." Ani winter " What." Ani Zi. " What." at ni Nic. Gulat na gulat ang tatlo sa nalaman, at tinitigan ng mabuti ang dalawang babae. Ng maka huma sa pagkagulat ay nag tata talon na ang mga ito na animo'y nanalo sa lotto. " Congrats mga dude, wooh..wooh.wooh." At pinag babatukan ng mga ito ang dalawa ni Brix at Zanthy. At masayang nag kulitan, Ngunit naka isip nanaman ito ng  gagawin nilang post. " Alam ko na guys ganito na lang na post ang gagawin natin." Suhestyon ni winter sa mga kaibigan Lumapit ito sa mga kaibigan na animo'y coach ng basketball na mina manduhan ang mga kaibigan, mahina lang ang pag uusap ng mga ito, kaya naman walang ideya ang mga babae sa pinag uusapan ng mga ito. " Ano kaya pina uusapan ng mga yan, basta ako wala akong tiwala dyan kay taglamig, puro kalokohan lang nasa utak nyan eh." Saad ni Hummy sa mga kaibigan. " Ok mga dude, lapitan nyo na mga girls, bil-bil ko halika dito sa tabi ko." Saad pa nito sa dalaga. Sya namang ikinakunot ng noo ng dalaga. " Ano nanaman ba naisipan mo, dinamay mo pa mga kaibigan mo." Mataray na turan nito sa binata. " Wag kana umangal sumunod ka nalang." Utos pa nito " Ok i seset kona itong timer ahh, 123." binuhat nila ang mga babae na animoy mga bagong kasal, si Nic at Zi buhat si Leilah, si Winter naman si Hummy, si Zanthy kay Lora, at si Brix ay si Rein naman. Dalawang beses nilang kinunan ang ganoong posisyon, matapos ay maingat na ibinaba ang mga babae nilang binuhat. " Ito talagang taglamig na ito andaming alam sa buhay." Hinanaing naman ni Hummy kay winter. " Pasalamat ka nga kinaya kitang buhatin eh." Reklamo naman nito sa dalaga. " Magaan na kaya ako ngayon." Pag yayabang pa ng dalaga sa binata. Matapos makadami ng kuha ay pag pasya na ang mga itong magbanlaw, kaya dali dali na silang nagtungo sa villa na tinuluyan nila, iilang tao na lang ang naabutan nila sa kabilang villa na tinuluyan nila, at nag paalam na rin sila tita mariole, na mauuna na sila, ganun din ang naka sakay sa panaglawang van na kasama nila. " Mga bagets, mag iingat kayo sa pag uwi, mag message kayo sakin kung nakauwi na kayo, mga boys ingatan ang mga girls ha!!." Isa isa kaming humalik kay tita mariole at tito benny bago sila umalis ng tuluyan, at masayang nag paalam. Inayos na namin ang aming mga gamit, at isa isang ibinaba, ang mga boys na ang nagbaba ng mga maleta ng mga girls. Bago lisanin ang villa ay kinausap muna ni Brix ang namamahala, sa nasabing lugar siniguro muna nila na walang naiwan na importanteng gamit, at nag paalam na ito sa binata. " Asan ba si Hummy? Kanina ko pa yun hinahanap." Hinanaing naman ni Winter sa mga kasama. " Dude wag mo ng hanapin malamang nag papa alam pa yung kay Enzo, buska naman ni Nic sa binata. " Malaman nag papalitan pa yun ng number at ng mga accounts sa social media, oh! Baka pati kiss, muahhh." Ani Zi at nag tawanan ang dalawa. At umaktong mag hahalikan pa. Pinag mamasdan lang ng dalawang binata ang pang aasar ni Zi.at Nic kay winter, na aaliw silang pag masdan ang itsura ng kaibigan, lalo kasing nanliliit ang mga mata nito at nanlalaki ang mga butas ng ilong habang iniimagine ang mga sinasabi ng dalawa. Nagbago lang ang itsura nito ng dumating ang lihim sa sini sintang si Hummy. " Lets go guys." Masayang yakag naman nito sa mga kaibigan. " Lets go guys ka dyan, doon ka nalang sumabay sa Enzo mo." Bakas sa tono ng pananalita ni winter ang pag seselos, kaya naman mas lalo lang itong inasar ng dalaga. " Sabi mo yan ahhh!! di dun na lang ako sasabay." Kinuha naman nito ang maleta na hawak ni winter at naglakad papalayo sa binata, ngunit maagap naman ang binata at binit-bit sa isang kamay ang dalaga, binitbit nito na animoy sako ng bigas, bahang hatak- hatak ang maleta ng dalaga. " Bitawan moko, isa bitawan mo sabi ako eh." Pag pupumiglas ng dalaga sa binata. Binitawan lang sya nito ng makarating sila sa van, at hinatak nito ang dalaga papasok sa dulo ng van, wala ng nagawa ang dalaga kaya inirapan lang nito ang binata. At sunod na sumakay si Leilah, Katabi si Hummy at winter, sunod na sumakay naman si Rein at Brix ang huli ay si Lora at Zanthy, si Nic at Zi naman ang incharge sa pag mamaneho. Dumaan muna sila sa bilihan ng pasalubong sa tagaytay, sunod naman nilang dinaanan ang restaurant kung saan tanaw ang taal volcano, at nag pasya muna silang kumain bago umuwi napagod kasi sila kakalaro sa tubig kaya naman nakakaramdam na sila ng gutom. Naging maingat na si Brix sa pag pili ng kakainin ng dalaga, baka maduwal nanaman kasi ito pag naka amoy ng hindi kaaya aya sa pang amoy nito, ganun din ang ginawa ni Zanthy para kay Lora. " Picture ulit guys, para maraming pang sss, tag ko nalang sa inyo huh!!." Ani Winter sa mga kasama. At panay na ang kuha nito ng litrato, pagkatapos ay isa isang, tinignan ang mga kuha. " Guys punta kayo bukas ahh!!." Paanyaya ni Brix sa mga kaibigan. " Saan? Anong oras?" Usisa ni Hummy ka Brix. " Sa bar na pinuntahan nyo dati, Birthday ko kasi bukas, wag kayo mawawala ahh!!, Hummy, Leilah, Lora ako na susundo kay Rein." Pahayag naman ng binata. " Anong oras ba yun? May lakad din kasi kaming apat bukas eh." Saad naman ni Leilah. " Why?? saan kayo pupunta?" Tanong naman ni Zanthy. " Magsisimba kasi kami bukas eh!!." Sagot naman ni Lora. " Ok sasamahan ko na kayo." Pahayag naman ni Zanthy. Napairap na lang sa kawalan si Lora sa sinabi ng binata. " Exclusive lang para sa mga girls yung lakad namin bukas bawal ang boys." Pag didiin pa ni Lora sa binata. " Then ihahatid na lang kita at susunduin after, since 5pm pa naman start ng party ni Brix eh." Mahinahong pahayag naman ni Zanthy. " Ok." Tugon ni Lora at muling umirap sa binata. " What time nga pala usapan nyong apat." Tanong muli ni Zanthy " 3pm pero mag gagala muna kami ." Sagot naman ni Lora. " Saan naman kayo gagala." Balik ni Zanthy dito. " Sa mall syempre, kakain kami dun simple celebration para kay Rein." Pahayag pa ni Lora. " Ahhmm ano kasi guys, birthday ko rin kasi bukas eh." Nakangiting pahayag naman dalaga. " Yun naman pala eh, ohh!! pano ba yan Dude yung regalo namin sayo kay Rein na lang namin ibibigay huh!!." Mapang asar na turan naman ni Winter. " Ano bang ireregalo mo?". tanong naman nito kay winter. " Edi baby dress na lang." Nakangiting turan naman ng binata. " Tama tama, ang galing mo talaga utak." Tudyo ni Zi kay winter, na ikinatayo naman nito at buong yabang na nag malaki, habang itinuturo ang sintido nito at naka pamewang pa. Natahimik lang si Winter ng makitang mag isang tumatawa si Hummy sa sulok, at halatang kinikilig pa, dahilan upang agawin nito ang telepono ng dalaga. Ma agap naman ang alaga at itinago agad ang hawak, wala ng nagawa pa ang binata kundi ang kumamot na lang sa ulo nito. Natigil ang pang gugulo ni Winter kay Hummy dahila sa pag dating ng mga pagkain at, Sinimulan na nila pagsaluhan ang pagkain sa kanilang harapan. Unang na ihatid sa bahay si Nic, si Zi at Leilah, sunod naman si Lora at Zanthy, huling na ihatid si Rein at Brix, dahil kay winter ang van na gamit kaya silang dalawa ni Hummy ang huling uuwi, sa byahe ay hindi na sya pinansin ng Hummy, nanatili na lang itong nakahiga sa likod ng van hangang sa makatulog na. " Hinatid ni Brix si Rein sa harap ng gate nito, " Ahm..salamat nga pala," ani Rein kay Brix. " Para saan naman." Takang tanong naman ng binata. " Sa madami, sa pag aasikaso sakin, sa pag iinvite sa anniversary ng BAMA." At masuyong ngumiti naman ito sa binata. " Wala yun, ahhmm ok ka lang ba talaga dito ngayon?." Sinserong tanong ng binata sa dalaga. Bumuntong hininga muna ang dalaga at pilit na tumango bilang sagot sa tanong ng binata. " Gusto mo dun ka muna sa bahay habang andito pa yung mga bisita nyo? Nag aalala kasi ako sayo dito, baka hindi ka nila trinatrato ng maayos." Nag aalalang turan nito sa dalaga. " Nakakatiis pa naman ako eh." Malungkot ang mga mata ng dalaga at mababakas ang pag aalinlangan sa mga mata nito. " Basta pag may ginawa silang hindi maganda sayo, tawagan mo lang ako naka alert ako 24hours, kung may gusto kang kainin sabihin mo lang sakin anytime." Paalala pa nito sa dalaga. " Ahmm Brix,, willing ka ba talagang gawin ito para sa akin? Nangungusap na mga mata nitong tinignan ang binata. " Oo naman, kung ano man yang agam-agam mo na nainiisip sakin, iwaksi mo yan, dahil malinis ang intensyon ko sayo, sa inyo ng magiging baby natin." Nangungusap na mga mata din itong tugon nito sa dalaga. "  But,,, im a ra*e victim Brix, ano nalang sasabihin sa iyo ng mga tao, pag nalaman nila yun, magiging kahihiyan lang ako sa iyo." Malungkot na turan ng dalaga, at agad naman itong sinagot ng bianata. " Wala akong pakialam sa iisipin ng iba Rein, ito ang tandaan mo mahal kita walang makakapag pabago nun, at ito ang tatandaan mo ako lang ang tatay ng baby mo, anak ko yan, Yun lang ang sasabihin ko sa lahat at proud ako dun." Matapang na pahayag nito. Na iiyak na ang dalaga sa mga naririnig mula sa binata, hindi nya mapigilan ang galak na nadaraman, at tuluyan ng kumawa ang mga luha na kanina pa nya piniligilan, agad naman pinunasan ng binata ang luha sa mata ng dalaga. " Sssshhh, tahan na makakasama yan sa baby natin." Bumaba ito sa tiyan ng dalaga at kinausap ang pipis na tiyan nito. " Hi baby ko, im your dady, my name is Brixzen Andrius, behave ka lang dyan sa tiyan ni mommy wag mo papahirapan si mommy huh!!." Hinalikan nito ang tiyan ng dalaga at tumayo din agad upang halikan ang ulo ng dalaga, at nag paalam na sila sa isat isa. " Pasok kana love, mahamog na dito sa labas, good night see you tomorrow." Ani Brix. Ng makapasok na ang dalaga sa loob ng bahay, saka lang umalis ang binata. Pag kapasok ng bahay ay ang tyahin nyang si Tamara at Lucresia agad ang bumungad sa kanya, naka simangot ang mga ito at taas ang isang kilay, binati nya muna ang mga ito, ngutin parang lalong sumama ang hilatya ng mga pagmumukha ng mga ito, " Good evening po mga tita." Magalang na bati ng dalaga sa mga ito. " Bakit ngayon ka lang umuwi? Tumatakas ka lang sa trabahong bahay dito kaya ka nag pa gabi no?, alam mo namang wala tayong kasama sa bahay mas inuuna mo pa yang kalandian mo." Taas kilay na sermon naman ni Lucresia. " Nag paalam naman po ako kay Tita Tamara, nakausap pa nga po nya si tita Mariole eh." Mahinahong tugon naman nito sa tyahin. " Kahit na nag paalam ka sakin, eh! Alam mo naman na kailangan ka dito dahil wala naman mag lilinis at mag aayos dito eh." Sarkastikong turan pa ng tyahin nyang si Tamara. " Sino nga po palang nag aayos ng paghahanap kila mommy at daddy sa london?" Mausisang tugon nya sa mga tyahin. Ngunit mas lalong sumama ang timpla ng mga mukha nito, dahil sa tanong nya." " Wala na ang mommy at daddy mo tanggapin mo na iyon, saka wag mo kami mamandohan kung anong dapat namin gawin, ikaw nga dapat ang gumagawa ng paraan para mahanap ang mommy at daddy mo eh, pero anong ginagawa mo? Nakikipag landian ka lang, saka wala na kaming pakialam sa pag hahanap sa kanila dahil ginawa na namin ang lahat, nag file na kami ng report sa police dun, ang concern na lang namin ngayon ay yung mga naiwan nilang properties na pag hahatian naming dalawa ni Lucresia." Anang pa ni Tamara. " Ganun na lang po ba yun kadali sa inyo? Nag file na kayo sa police hindi nyo na din in update kung may progress na ba, tapos pag uusapan nyo na yung mga naiwan ng mga magulang ko?". Naiiyak na turan naman ng dalaga. Na lalong nag palabas ng sungay ng tyahin nito. " sumasagot kana ngayon, bakit hindi na lang ikaw ang mag punta dun para mag follow up kung may balita naba?, hindi yung inuutusan mo kami." Anang tyahin nitong si Lucresia. " Sige po pagkatapos na pagkatapos po ng graduation ko pupunta ako dun, para hanapin sila mommy at daddy, para ma asikaso ko na din yung mga paupahan ni mommy dun." Bigla naman nag bago ang itsura ng mga ito, biglang namutla at nabubulol sa pag sasalita. " Hi hindi mo na da dapat pang himasukan yung mga paupahan dun ng mommy mo, ka kami ng bahala dun." Ani pa ni tita Tamara. " Ipapatransfer na po kasi yun ni mommy sa pangalan ko lasta na usap namin." Saad pa ng dalaga. " Hi-hindi pwede yun da dahil wala ka naman karapatan dun, kami ang mas may karapatan dun, dahil kami ang kapatid at, at hindi ka naman nila tunay na anak eh." biglang nagulantang naman ang dalaga sa tinuran ni Tamara, " A ANO PONG SINABI NYO,A AKO po, hindi tunay na anak? Hindi po yan totoo, may picture pa nga po si mommy habang nanganganak sakin." Kunot noong saad ng dalaga. " Isa pang sagot mo tatamaan kana talaga sakin." Pagbabanta naman ni Lucresia sa dalaga. Natigilan naman ang dalaga at nangingilid ang luha na tumalikod para umakyat sa kwarto nito, at doon umiyak ng husto, humihikbi pa ito ng biglang magring ang telepono nito, nag pahid muna ito ng luha upang mapagsino ang tumatawag, nag dadalawang isip pa sya kung sasagutin ba ang tawag, ngunit kailangan nya ng makakausap ngayon dahil sa mainit na usapan sa pagitan nya at ng mga tyahin nya. " He- hello, huh,huh,huh,huh." Tanging yun lang ang naisagot nito sa tumawag. " Why, what happen? Pupuntahan kita dyan, hintayin mo ko." Galit na saad ng binata sa dalaga. " Wa wag na,huh,huh, wa wala ito." Rinig sa kabilang linya ang pag buntong hininga ng kausap nito. " pls, tell what happened?, sinaktan ka ba nila? Sinigawan? Tell me, please.." pagmamakaawa pa nito sa dalaga. " Ssshhhh, pupuntahan na lang kita dyan, hintayin mo ako, tumahan kana, makakasama yan sa bata. Pag papalubag pa nito ng loob ng dalaga. " Sa-sa li-likod na lang ng bahay ta-tayo ma-magkita, bababa ako dun." Agad naman kumilos ang binata upang puntahan ang dalaga, ganun din ang ginawa ng dalaga, sa likod ng kwarto nya sya dumaan papunta sa veranda pababa sa fire exit, upang makarating sa maids quarter nila. Walang makaka pansin na umalis sya ng kwarto dahil nasa kabilang side sya ng bahay at sa kabila naman ang mga tyahin nya. Nang makababa ay sinilip nya muna kung andun na ang binata, nakita nya na itong nakatayo sa harap ng gate, kaya naman dali- dali nyang binuksan ang miit sa gate. Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay sumubong agad si Brix at niyakap ang dalaga, sumisigok parin ang dalaga bakasa ang lalim ng pag iyak nito. " What happen? Sinaktan ka ba nila? Umiigting ang panga nito habang nag sasalita. " Hi-hindi naman pasok ka muna, di-dito tayo sa maids quarters." At binuksan na ito ng dalaga para makapasok na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD