Happiness

4182 Words
     Sa likod bahay nila Rein ay may nakatayong sementadong bahay na hindi naman kalakihan, dating bahay iyon ng nanay Amy niya, doon nakatira ang mag anak nito nung kasalukuyan pang nagsasama ang mga ito sa manila, ngayon ay ginawa na lang itong maids quarters, sa kasalukuyan ay wala naman sila kasambahay kaya naging abandonado ito, tanging ang dalaga lang ang naglilinis at nag aayos ng buong kabahayan, noon andito pa ang nanay amy nya ay sila ang mag katuwang sa mga gawain, ngunit ng kunin na ito ng kabiyak para mamalagi na sa ibang bansa ay siya na lang ang mag isang naglinis nito. Kumpleto ang naturang lugar, at may dalawang silid sa itaas, meron din itong mga sariling banyo, sa ibaba naman ay may isang banyo katabi ng kusina, maganda ang pagkaka yari nito, dahil pinasadya talaga ito ng mga magulang nya para sa nanay amy nya at sa pamilya nito, napapalibutan ito ng pader na sementado at may maliit na gate na bakal, at ito ang nagsisilbing konekyon papunta sa tinitirhan ng dalaga sa malaking bahay. " Uhhmm, maids quarter ito? Bakit parang bahay ng mag anak? Ma usisang anas ng binata. " ito kasi ang bahay nila nanay Amy, dito sila dati nakatira ng pamilya nya. Nanariwa naman sa alala ng dalaga yung mga panahon na masaya silang naglalaro ng kababatang si Azeleah, apat na taon lang sila ng mga panahong iyon, madalas silang mag laro ng bahay-bahay at lutu lutuan dito, mas madalas din siyang ma malagi sa lugar na ito, madalas kasing wala ang magulang nito sa bansa dahil abala ang mga ito sa pag pepetisyon sa mga kapatid ng daddy nya, citizen naman daw kasi ang mommy nya kaya hindi sila mahihirapan kung gusto na sya nitong kunin ay anytime naman daw dahil ayos na ang mga papeles niya, kaya  naman mas itinunon na lang ng mga ito ang atensyon sa pag tulong sa mga kapatid ng daddy nya, dalawa ang kapatid ng daddy nya, si tita Tamara ang sumunod sa daddy nya at ang bunso ay ang kanyang tita Lucresia, parang kahapon lang ang ala-alang iyon na kay sarap balikan, yung mga panahon na tanging pag lalaro ang iisipin. Natigil sya sa pagbalik tanaw ng mag salita ang binatang kaharap niya. " Are you ok?." At pinahid nito ang mukha niyang natuyuan na ng luha mula sa pag iyak. Ngumiti naman sya at tumango, bakas sa mukha ng binata ang pag aalala sa kanya, mas inilapit pa nito ang sarili upang magawaran ng halik ang kanyang ulo. " Bakit ka nga pala umiiyak kanina?" Usisa naman nito sa kanya. Wala ng nagawa ang dalaga kundi ang ilahad ang kwento ng nangyari sa pagitan nila ng mga tyahin nya, at isa- isang inilahad ang pag uusap nila kanina. " Gusto mo ialis na kita dito? Nag aalala ako para sayo at sa baby natin. Malambing na turan ng binata. " Kaya ko pa naman, ayoko din kasing iwan itong bahay ng mga magulang ko, ito na lang ang alaala ko sa kanila." Malungkot ang mga mata ng dalaga habang sinasabi ang bagay na iyon. " Andun na nga tayo Rein, pero kung ganyan naman ang trato nila sayo, kulang na lang gawin ka nilang alila sa sarili mong pamamahay, paano kung mapahamak kayo ng baby natin." Tiim bagang na tugon ng binata. Napangiti ang dalaga sa huling salitang namutawi sa bibig ng binata, masarap sa pakiramdam na may taong tanggap ka, sa kabila ng nangyari sa buhay nya, na animo'y ito ang ama ng dinadala nya, ang swerte nilang mag ina dahil may taong handang sumalo sa kahihiyang kinasadlakan nya. " Don't worry, mag iingat naman ako eh, hindi ko na lang papansinin yung mga sinasabi nila sakin, pag papalubag loob nito sa binata, Nag paalam naman itong lalabas muna at babalik din agad, pag balik nito ay may bitbit na itong dalawang plastic bag na galing sa sikat na parmasiya, at inilabas nito isa- isa ang laman nito at isa-isang inilagay sa lamesa sa sala's kung saan naka upo ang dalaga. Napangiti ang dalaga sa laman ng pinamili ng binata, inilabas nito mula sa plastic bag ang tianapay na sariroti bread, isang malaking lotion para daw tiyan ng dalaga, bukod pa dun may malaking, mosquito repelant lotion pa , dalawang malaking ceres fruit juice, peanut butter at malaking mayonaise sa garapon, meron ding hot and cold compress para sa pangangalay at isang maliit na electric maasage ang huli nitong inilabas ay ang malaking gatas na pambuntis, at mga prutas na sariwa. " Ang dami naman nyan, tanging nasambit ng dalaga. " Kailangan mo yang mga yan, sabihin mo pa kung may gusto kang kainin, or kung may gusto ka pang ipabili, just say it, ok!!." At kinuha nito ang kamay ng dalaga at mabining dinampian ng halik ang likod nito. " Uhmm, gusto ko sana munang mag pa schedule ng check up, para malaman ko kung ok lang ba ang baby ko at kung ilang buwan na ba sya ngayon. " Gusto mo samahan kita bukas?." At ngumiti ito sa dalaga. " Ok lang ba sayo? Hindi ba nakaka istorbo na ako, alam ko namang marami ka pang aasikasuhin bukas. Nahihiyang saad ng dalaga. " I told you, hindi ka istorbo sa akin, im willing to do everything for you, wag kanang tumanggi, may kukunin pa nga pala ako, just wait for me." At kumindat pa ito bago iwanan ang dalaga. Pag balik ni Brix ay may dala itong maliit na chocolate cake, at ice cream, at may dala din itong pagkain mula sa isang sikat na fastfood. Nasorpresa ang dalaga ng pumasok ang binata at may dalang maliit na cake, habang kumakanta ng birthday song, muli nanaman nagilid ang luha nito sa galak, at buong pusong nakangiti sinalubong ang binata, matapos nilang kumanta ng birthday song ay hinipan nilang dalawa ang dalawang kandilang nakalagay sa cake nila. " Happy birthday Mommy Rein." " Happy birthday Daddy Brix." At ginawaran naman ng binata ang dalaga ng matamis na halik sa labi, matamis at masuyo ang ginawad ng binata sa dalaga, agad din naman itong bumitaw mula sa pagkalapat ng mga labi nila at inilabas ang kahitang parihaba., at ini abot sa dalaga. " Ang daya wala pa akong regalo sa iyo, bibili pa lang ako bukas. Malambing na turan naman ng dalaga sa binata. " Its ok, open it." Utos ng binata sa dalaga. Bumungad sa harap ng dalaga ang white gold na necklace na kalahating puso at may initial na B sa ibabaw , agad naman itong kinuha ng binata upang ialagay sa leeg ng dalaga. " did you like it?." " Yes ang ganda, thank you." Nangingiyak na tugon ng dalaga sa binata. " My partner yan ito ohhh." Ipinakita naman nito ang suot na kwintas na kabiyak ng puso at may initial na R, meron pa yang nakalagay sa likod." Paglalahad pa ng bianta. " Anong naka lagay?." Usisa naman ng dalaga dito. " May naka engrave na infinity ." Pahayag naman ng binata. " Kainin na natin itong dala mo, tumutulo na laway ko dito." Nakangiting saad ng dalaga. " Ok nagutom ba ang baby ni daddy?." Himas naman nito sa tiyan ng dalaga. Hiniwa na ng binata ang dalang cake at inilabas nya na rin ang mga dalang fries at spaghetti at masayang pinagsaluhan ang mga dala nitong pagkain. Matapos kumain ay nag usap muna sila, nang makaramdam na ng antok ang dalaga ay bumalik na ito sa kwarto nito at iniwan sa lugar ang iba sa mga binigay ng binata, tanging juice, lotion at massager  lang ang binit-bit nito sa kwarto, nag desisyon silang sa lugar na ito na lang mag tatagpo upang walang maka alam sa lihim nilang pagkikita, hindi naman kasi nagagawi ang mga tyahin at pinsan nya sa lugar na ito, batid ng dalaga ang interes ng pinsan sa binata ayaw nyang pagmulaan nanaman ito ng gulo sa pagitan nya at ng mga tiyahin at pinsan nya. Kinabukasan ay alas otcho ymedia na, nagising ang dalaga nag madali itong mag tungo ng banyo ng makaramdam nanaman ng paghalukay ng sikmura, kaya agad nito ininom ang juice na ibinigay ng binata, Napangiti ito ng mawala nga ang pangangasim ng sikmura nya at hindi na sya naka ramdam ng pagka dual, tinungo nya ang banyo upang maligo, dahil ngayon umaga ang napag usapan nilang araw ng pag punta nya sa hospital, para maka pag pa check up, pag kalabas ng banyo ay sakto naman ang pag tunog ng telepono ng dalaga, kinuha nya ito at tinignan kung sino ang tumatawag., agad naman sumilay ang ngiti sa kanyang mukha ng mapagsino ang tumatawag, kaya agad nya naman itong sinagot. " Good morning love, kumusta tulog mo kagabi? Dumuwal ka nanaman ba? Alalang tanong nito sa dalaga mula sa kabilang linya. " Masarap naman ang naging tulog ko, hindi na din ako nag suka kasi ininom ko yung binigay mong juice, salamat nga pala." Nangingiting pasalamt nito sa binata. " Wala yun, sabi ko nga sayo anything for you, nakaligo kana ba? 9:30am yung nakuha kong schedule sa clinic." Tanong pa nito sa dalaga. " Yes naka bihis na nga ako eh, bababa na lang ako, kita na lang tayo sa labas,, bye." At bumaba na ang dalaga, mabuti na lang at maganda ang gising ng dalaga ngayong araw, sumalubong sa kanya ang mga tyahin ng may mapanuring tingin , at nag mamatyag, tinignan pa sya ng mga ito mula ulo hangang paa na animoy inuuri sya sa tingin pa lang, kahit ganun ang ibinatong tingin ng mga ito sa kanya ay nagawa parin nyang mag paalam sa mga ito. " Good morning po, aalis po muna ako may aasikasuhin lang po ako. At ngumiti sya ng tipid sa mga ito. " Oh saan ka nanaman pupunta? Gumagawa ka talaga ng paraan para makatakas sa gawaing bahay dito eh." Naka pameywang na anas ng tyahin nyang si Lucresia. " Hindi naman po sa ganun tita, birthday ko po kasi ngayon kaya mag sisimba po ako kasama ang mga kaibigan ko." Mahinahon nyang pangangatwiran sa tinuran nito. Nang marinig ito ng dalawang pinsang nyang nakababata ay lumapit ito sa kanya at bumati. " Haeppyborthday ate Rein." Ani lucio " Haeppyborthday ate Rein thanks for the pasalubong." Ani naman ni tammy at itinaas ang pasalubong na binigay nito sa mga bata kagabi. " Thanks." At bumitaw na ang mga ito sa pagkakayakap sa kanya. " Birthday mo pala ngayon, Happybirthday Rein." Naka ngiting bati naman ng tito bullet niya. Mabuti na lang at dito nag mana ang anak nitong si Tammy at hindi sa nanay nitong si Tamara, dahil mabait ang batang si Tamara, ganun din naman ang pinsan nyang si Lucio na anak ng tita Lucresia nya. " Birthday mo? Ito ba yung araw na napulot ka ni tito at tita? Nakisabay pa talaga sa birthday ni Brix huh!!." Taas kilay namang tudyo ni Tanya at sarkastiko itong ngumiti. " Eh anong oras kaba babalik para masamahan mo itong si tanya sa birthday party ni Brix mamaya, alam mo naman kailangan nito ng chaperone para may taga bitbit ng bag nito habang ine entertain ang mga bisita ni Brix. " mataray na asik ng tita tamara nito. " Baka po bago mag 5pm andito na ako or baka po ipasundo nalang ni Brix si tanya, mauuna na po ako inutusan pa po kasi ako ni Brix na bumili ng paboritong flavour ng cake ni tanya eh." Pag sisinungaling na lang ng dalaga para maka alis na sa harap ng mga ito. Narinig pa nya ang pagtili ng pinsan at ang pa papalaki ng ulo ng nanay nito at ng tita lucresia nya kay tanya, kaya nag madali na syang umalis upang kitain ang binata. Sa labas ng gate nila naka parada ang sasakyan nito at matyaga itong nag hihintay sa loob nun, akmang lalabas pa sana ito para pag buksan sya ng pintuan, ngunit maagap nyang sinenyasan ito na wag ng bumaba, ng maka pasok sya ay agad sya nitong ginawarang ng halik sa noo, napabaling naman ang tingin nya sa labas, dahil nag aalala syang makita ng mga tyahin at pinsan na si tanya, buong kumpyansa kasi ang mga ito na may pag tingin ang binata dito, sa katunayan nga, nag research pa ang mga ito ng ipormasyon tungkol sa binata, nalaman ng mga ito na si Brix ay solong anak at taga pagmana ng mga magulang nito, nalaman din nila na isa itong businessman sa edad na iyon, may pag aari pa itong hacienda sa probinsya, dumating pa ang mga ito sa puntong pati ang katiwala nito ay kinaibigan ng tyahin upang maraming makuhang detalye tungkol sa binata. Pumarada sila sa tapat ng isang private hospital, at maagap naman bumaba ang binata upang pag buksan siya ng pinto at inalalayan syang maka labas, magka aklay silang pumasok sa loob at iginaya sya ng binata sa upuan nag tanong muna ito sa information kung andyan na ba ang doctor na kausap nito, sumagot naman ang babaeng kausap nito at pina akyat na agad sila sa secondfloor ng building, hindi naman sila nahirapang hanapin ang clinic ng doctora, ng marating na nila ang pwesto nito ay na una na munang pumasok si Brix sa loob, hindi din nag tagal at tinawag na nito ang dalaga. Isang magandang babae ang sumalubong sa amin na naka suot ng labgown na puti at may stethoscope na naka sabit sa leeg nito, ngumiti ito ng makita ako at nag lahad ng kamay. " Hi Im doctora phoebe pinsan nitong makulit na binatang ito." Masayang tudyo naman nito kay Brix habang nag papakilala. " Ate pinapahiya mo naman ako nya'n kay Rein eh." Mapanuyang tudyo naman ng binata dito. " Ito ba yung tatay nyang babay mo? Nakangiting tanong pa nito kay Rein. Natahimik naman ang dalaga ngunit maagap naman ang binatang sumagot sa tanong nito. " Syempre naman ate, kaya nga ako ang nagdala sa kanya dito eh, may nakikita ka pa bang kasama namin, ayan kananaman tinatakot mo nanaman ako huh!!." Magiliw na sagot naman ng binata sa pinsan nito. " Naku kawawa naman ang baby mo , kasi ito yung tatay. Anang doctora at pasimpleng kumindat pa ito sa dalaga, na siyang ikina tuwa naman ng dalaga. " Biro lang Rein ahhh, masanay kana sakin ganyan lang talaga kami mag biruan nitong ungas na ito, at tumayo pa ito mula sa kinauupuan at ginulo ang buhok ng binata, na lalong ikinatuwa naman ng dalaga, dahilan upang mawala ang pangamba nito, alam naman nilang hindi si Brix ang ama ng dinadala nya, pero buong puso itong inako ng binata, nag simula na siyang tanungin ng doctora at iniksamin, nakaramdam ito ng kaba ng pahigain sya ng doctora at itinaas nito ang dress na suot ng dalaga dahilan ng pag kakalantad ng tiyan niyang maputi, nahiya naman ang dalaga ng makita ang reaksyon ng binata sa pag kakalantad ng tiyan nito sa harap ng binata, nakaramdam pa ito ng kiliti ng may pinahid itong likido sa ibabaw ng tiyan ng dalaga. Pakiramdam ni Brix ay biglang lumundag ang puso nya, ng masilayan ang munting angel na animo'y malaking tuldok na nakalagay sa monitor, na iiyak sya na natutuwa hindi ma ipaliwanag ang nadarama nya sa pagkakataong iyon, nasasabik na syang makita at makasama ang munting anghel sa loob ng tiyan ng dalaga. Matapos ang eksamin ay hawak na ngayon ng dalaga ang unang larawan ng munting anghel sa kanyang sinapupunan. Nangingiyak na pinag masdan ng dalaga ang monitor kung saan nakita ang mumunting anghel sa sinapupunan nya, masakit mang isiping nabuo ito sa pangwawalanghiya sa kanya ng kung sino man, pero ganun pa man ay nag papasalamat sya at meron na syang pag aari na masasabing kanya talaga, Matapos ang pakikipag usap, at kamustahan ni Brix at ng kanyang ate phoebe ay masaya silang nag paalam dito after 3weeks pa ulit bago bumalik ang dalaga sa clinic para maka pag pa check up, sa ngayon ay malusog naman ang baby nya at 13weeks na pala ito, pag kalabas nila sa hospital ay nag tungo muna sila sa restaurant para kumain, sakto pananghalian na ang kakainin nila. Panay na ang tunog ng telepono ng binata ngunit hindi nito sinasagot, nakaramdam tuloy ang dalaga ng hiya para dun, kaya hindi na nito napigilan mangusisa sa binata. " Kanina ko pa naririnig yung phone mo, bakit hindi mo sagutin?." Anang dalaga. " Quality time natin ito, kaya ayokong maistorbo, mamaya na lang sila, kayo muna ni baby ang priority ko." Malambing na tugon naman ng binata sa dalaga. " Ok sige kumain na muna tayo." Paanyaya naman ng dalaga. " Saan nga pala kayo magsisimba mamaya?." Biglang naalala ng binata na may lakad pa nga pala ang dalaga, kasama ang mga kaibigan nito. " Dun sa malapit sa village, naalala mo ba yun? Yung may kasama kang magandang babae, tita mo yata yun." " yes, i remember, mom ko yung kasama ko nun." Pagmamalaki pa ng binata. " She' beautiful, mom mo pala yun." Puri naman ng dalaga. Buong akala ni Rein pagkatapos nilang kumain ay ihahatid na sya ng binata sa lugar na pagkikitaan nilang mag kakaibigan ngunit tumigil muna ito at lumabas ng sasakyan, naiwang mag isa ang dalaga sa loob ng sasakyan nito, matagal din ang paghihintay nito bago bumalik ang binata, nagulat pa sya ng bumukas ang pinto ng sasakyan, naka idlip na pala ang dalaga, pag pasok nito ay agad naman inabot nito ang binili sa botika, nang tignan ng dalaga ang laman ay mga vitamins pala iyon, vitamins na nireseta sa kanyan kanina. " Oh!!, hindi kana dapat nag abala pa, andami ko ng utang sayo." Nag yuko lang ito ng ulo sa hiyang nadarama dahil sa ginagawang effort ng binata. " Sino bang daddy nyan?, diba ako, kaya ako dapat bumibili ng mga needs nyo, wag kana ma bothered, its my way of showing my love for you." Malabing na pahayag ng binata sa dalaga. " Nahihiya lang talaga ako, andami mo nang ginawa para sakin." Nangingilid ang luha sa mata nito ng tumingin sa binata. " I already told you that, kung iniisip mo nanaman yung bagay na yun, forget about it, ginagawa ko ito para sa inyo ng baby natin, diba baby ko, loves na loves kayo ni daddy." Himas pa nito sa sa tyan ng dalaga. Wala ng nagawa ang dalaga, kundi mag patianaod sa mga ginagawa ng binata, para sa kanya, atleast may karamay sya ngayon, kahit wala man ang magulang nya at ang pamilya ng nanay Amy nya sa kanyang tabi ay masaya na din sya, dahil may Brix naman sya. Hinatid na sya ng binata sa lugar kung saan sila, magkikita ng mga kaibigan nya sinadya nya talagang mapa aga para maka pag tirik muna ng kandila at makapag dasal ng taimtim sa adoration, buong akala nya ay aalis na ang binata pagkahatid sa kanya ngunit nagulat sya ng sumunod ito sa kanya papasok sa adoration at tumabi pa ito sa kanya, hindi sila nag usap dahil taimtim silang nanalangin, at kapawa sila nakapikit mata, makalipas ang ilang minuto ay natapos na silang manalangin kaya naman lumabas na sila pareho, akala nya ay aalis na ito ngunit umupo pa ito sa tabi nya. " Hindi ka ba hinahanap sa bar? Yung mga bisita mo? Baka may mga nagpunta na dun at hinahanap ka. Anang dalaga. " Wala pa naman daw tao dun sabi ng mga staff, wala naman ding nangungulit sakin, maliban sa pinsan mo, tawag ng tawag." Tinitigan lang ito ng dalaga, bakas sa mukha ng binata ang pagka yamot sa pinsan ng dalaga, marahil ito siguro yung tawag ng tawag kanina pa, kaya hindi na nakuha pang sagutin ng binata, dahil nakukulitan na ito. Ilang saglit pa ay nakatanggap naman ng tawag ang dalaga mula sa pinsan nitong ni Tanya. " Hello tanya? Ohh,, bakit?, oo busy pa sya madaming ginagawa eh, papapick up ka nalang siguro mamaya nun, madami pa kasing ginagawa eh, tawag na lang ako pag susunduin kana dyan." At agad na pinutol sa kabilang linya ni hindi man lang nag pasintabing ibababa na ang telepono ng pinsan nito, hindi na namalayan ng dalaga na nakalapit na pala ang binata sa kanya, nasa kabilang direksyon kasi ang tingin nito habang nakikipag usap sa pinsan nito. " I think mas excited pa sya kesa saating dalawa na may kaarawan ngayon." Natawa na lang ang binata sa kakulitan ng pinsan ng dalaga. " Ang dami nya na ngang message sa akin ohh, malakas kasi tama nun sa iyo eh." Natatawang tugon naman ng dalaga. " Sorry na lang sya, dahil mas malakas tama ko sa iyo." Malanding saad ng binata sa dalaga. Kinilig naman ang dalaga sa sinabi ng binata, kaya pilit nalang nitong tinago ang kilig na nararamdaman, ilang saglit pa ay si Lora naman ang tumawag sa dalaga at papunta na daw ito. Ilang saglit lang ay nakarinig na sila ng ingay ng sasakyan mula sa di kalayuan, ng tumigil ito ay si Zanthy ang unang lumabas sa sasakyan umikot ito sa kabila upang pag buksan si Lora, agad naman kinawayan ito ng dalaga, halos sabay lang ang mga ito at si Hummy na dumating, kasama naman nito si Winter, nag aasaran parin ang mga ito. " Bumaba ka rito wiwisikan kita ng holy water para bumait ka naman." Mataray pa nitong anas kay Winter. " Mabait kaya ako, diba dati pa nga akong sakristan." Tugon naman ng binata. Nagkagulatan pa ang tatlong mag kakaibigan ng magtama ang kanilang mga paningin sa isa't isa. " Dude happy birthday." Tuwang bati ni Zanthy kay Brix, ganun din ang sinabi ni winter. sumenyas lang ang binata at nag pasalamat, nasa ganun silang tagpo ng may dumating na sasakyan na tinted, napalingon silang lahat ng tumigil ito at mag bukas ang pintuan nito, at iniluwa noon ang kaibigang si Leilah. Nagtataka ang mga magkakaibigan dahil sa nag hatid sa dalaga, kilala nila ang sasakyan na iyon dahil sa kaibigan nilang si Zi ang may ari ng sasakyan na iyon. " Lei buti andito kana din, kaninong sasakyan yung naghatid sa iyo.? Mausisang tanong naman ni Hummy sa kaibigan. " Ah, sa amo ni nanay yun, sakto kasing malapit lang din yung pupuntaha nya dito, kaya isinabay na ako." Ani Leilah. " Mabait naman pala ang amo ng nanay mo eh." Ani Hummy sa kaibigan. " Oo mabait naman yung mag asawa kaso yung anak lang na lalaki may pagka suplado." Ani Leilah. Nag tirik muna sila ng kandila sa gilid ng simbahan, sumama naman sa kanila ang tatlong binata, hangang sa loob ng simbahan sinamahan sila nitong mag simba. " Peace be with you Hummy." Nagkagulatan silang dalawa ni Winter ng maglapat ang kanilang mga bibig hindi nila batid na pareho pala sila papalingon sa gawi ng isa't isa, nanlaki ang mga mata ng dalawa at pasimpleng tinulak ng dalaga ang binata para magkaroon ng distansya sa pagitan nilang dalawa. ******** Ang planong pag halik sa pisngi ni Hummy ay nauwi sa pagkalapat ng bibig nila, hindi naman intensyon ni Winter ang halikan ito sa labi, tanging sa pisngi lang sana ang nais nito paghalik, at dahil dun ay namula ng husto ang mukha ng binata na animo'y kamatis na hinog. ******** Nagyuko na lang ang dalaga, hindi pa sya makahuma sa pagkaka lapat ng kanilang mga bibig, sa pangalawang pag kakataon ang nag tama nanaman ang kanilang mga bibig. ******* Samantalang makahulugan naman para kay Lora ang katagang binitawan ng binata, batid ng dalaga ang sinserong pakikipag peace be with you ni Zanthy, at mabining pag halik nito sa pisngi niya at mga kamay, dahil dun gumaan ang bigat na nadarama ni Lora, mukhang napapatawad nya na ang binata mula sa nagawang pagsisinungaling nito sa kanya. ******** Masuyong kinintalan ni Zanthy ng halik sa pisngi si Lora, upang ipahatid sa dalaga ang sinserong paghingi niya ng tawad mula sa pagkakasala nya sa dalaga at ipinapangako nya sa sarili nya na hinding hindi nya na uulitin ang mag sinungaling dito, lalo pa ngayon na biniyayaan na siya ngbregalo ni Lora, ang tanging nais nya na lang ay maging maayos ang pagbubuntis ni Lora at ang kalagayan nito at ng magiging anak nila. ******** Mas lalong napalapit na ang loob ng dalaga kay Brix, ipinag papasalamat ni Rein na dumating sa buhay nya si Brix, dahil napunan nito ang pangungulila nya sa mga magulang nya, " mom, dad kung asan man po kayo ngayon sana maging maayos kayo, miss na miss ko na kayo ilove you very much, wag po kayong mag alala hahanapin ko kayo i promise." Bulong ng dalaga sa sarili nya. ********* Magaan ang pakiramdam ni Brix sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay nak pag bawas siya ng kasalanan, at naka pag pasalamat pa sya sa panibagong taon na nadagdag sa kanila ng dalaga, wala na syang hihilingin pa at ipinag papasalamat nya ang lahat ng nangyari sa buhay nya, bumuti na ang kalagayan ng kanyang abuelo, at kasama nya na ngayon ang pinaka mamahal nyang si Rein na dati ay sa malayo nya lang tinatanaw. Matapos makapag simba ay lumabas na sila upang magtungo sa lugar na pag dadausan ng kaarawan ng binata, kakain pa sana sila sa labas ngunit agad silang pinigilan sila ng mag kakaibigang Brix,zanthy at Winter, maari naman na daw silang magtungo sa bar at may mga pagkain na nakahanda dun, kaya nag paalam na sila sa bawat isa at nag kanya- kanya ng sakay sa mga sasakyan ng mga ito, pinauna na sila nila Brix sa naturang lugar na pagkikitaan nila dahil susunduin pa di umano ng mga ito ang pinsan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD