Surprise

5213 Words
Matapos mag simba ay sabay- sabay na silang nag punta sa bar, ngunit pinilit nya muna na daanan ang pinsan nya'ng si Tanya, dahil malapit lang naman ang bahay nila mabilis silang nakarating doon, nakasimangot ang mukha ni Tanya ng dumating sila, at nang uuri syang tinignan nito, agad naman nitong naintindihan ang sinasabi ng mga mata nito, gusto ng pinsan nya na bumaba sa sya mula sa pagkakasakay nya sa harapan para lumipat sa likurang bahagi ng sasakyan, at ito ang sasakay sa sa kasalukuyang pwesto nya, bababa na sana sya sa pagkakupo ngunit agad syang, hinawakan ng binata sa kamay, binuksan nito sa salamin ng sasakyan nito at doon kinausap ang pinsan nya. " Hey tanya, come inside hurry up, madami na kasing tao sa bar." Nag pa cute pa ito sa binata bago sumakay sa likod ng sasakyan, at agad na pina andar naman ng binata upang makarating na sila sa pag dadausan ng kaarawan nito, pagdating sa nasabing lugar ay marami ng naka parada sa tapat ng bar, na una ng bumaba ang binata at umikot ito sa kabilang bahagi ng sasakyan upang pag buksan ang dalaga, sunod naman nitong pinag buksan si Tanya, matapos masigurong naka lock na ang sasakyan ay pumasok na ito sa loob ng bar, sumunod naman sila ng kanyang pinsan, kada taong masalubong ng binata ay binabati ito at masaya naman tumutugon ang binata sa mga ito. Panay lingon naman ang ginawa ni Brix sa likod, na una na kasi itong mag lakad at hinihintay ang dalaga, sinisiguro nya kung naka sunod ba ito sa kanya, nag mamadali na kasi ang binata upang ma icheck ang mga pagkain na ihahanda, sinisiguro muna kasi ng binata kung maayos ba ang mga pagkain na ilalagay sa buffet tinitikman muna nya isa- isa bago ilagay sa lagayan ng pagkain, mas naging maselan kasi sya ngayon sa pagkain dahil gusto nya maayos ang makakain ng dalaga at ng bata sa sinapupunan nito, ng makalapit sya sa lagayan ng pagkain ay isa- isa nya itong tinikman ng makasiguro na maayos naman ang mga ito ay pumasok muna sya sa office ng bar, chineck nya muna ang cake na nakalagay dun, ng makita nyang maayos naman ito ay nag pasya na syang lumabas upang salubungin ang mga bisita. Lumapit naman agad si Rein sa hanay ng mga kaibigan nito at malugod na ipinakilala ang pinsan nitong si tanya, malugod naman nakipagkilala ang mga kaibigan nya dito at umupo na sila sa tabi ng mga ito. Naghintay pa sila ng ilang saglit, para sa mga dumarating pang bisita. " Hi tanya, cousin mo pala itong si Rein." Naka ngiting tanong ni Leilah sa pinsan ng dalaga, halata na kasi sa mukha nito ang pagka inip. " No!!, were not blood related, adopted lang yan ng tito ko." At tinaasan nito ng kilay ang dalaga at inirapan. Hindi nagustahan ng mga kaibigan ni Rein ang ginawang pag irap at pag taas ng kilay ng pinsan nitong si tanya, palihim na nagmasid ang mga ito, masama ang tingin na ipinukol ni Lora dito, ganun din si Hummy, si Leilah naman ay nagtataka mabuti na lang at bahagyang madilim sa kinauupuan nila, bigla na lang kasing nagbawas ng ilaw sa loob ng bar na kinaroroonan nila, kasabay ng pag alis ng mga kaibigan ni Brix, isa-isa kasi itong umalis sa kina uupuan, hindi naman namalayan ng mag kakaibigan kung saan nag punta ang mga ito dahil natuon ang atensyon nila sa pag chi- chikahan nilang apat. Na agaw ang atensyon ng lahat ng may mag salita sa harap ng stage, at nakarinig sila ng tunog na nag mumula sa harap nila at biglang tumapat ang spot light sa mga taong nasa harap ng stage, hindi nila napansin na may tao pala sa ibabaw nito, dahil madilim sa bahaging iyon kanina,kaya hindi mo maaninag. Unang tinapatan ng spot light si Winter, tumutugtog naman ang mga kaibigan nito ng swimming beach by parokya ni edgar, sa likod naman ng mga ito ay may mga larawan na lumalabas, mga larawan na kuha nila sa batanggas, nung taping ng commercial at nung.anniversary, tahimik naman ang lahat sa pakikinig at sa panonood ng mga slide shows, habang kumakanta ito ay panay naman ang kindat nito sa kaibigan nilang ni Hummy, sinisingit pa nito sa pag kanta, katagang ilove you bil-bil ko, kaya panay naman ang amba ni Hummy ng kamao habang sumisigaw. " Humanda ka sakin pag baba mo dito." Hiyaw pa nito kay Winter. " Hummy makisama ka naman kahit ngayon lang." Pakiusap naman ni Leilah dito. " Oo nga naman Hummy, pawis na yung taglamig mo ohh, punasan mo naman ng pawis, hala sige akyatin mo na dun." Wala naman itong nagawa ng hatakin na ito ni Leilah para tumayo, nag patianod na ito papunta sa stage at pinunasan ang pawis na noo ng binata, dahilan upang mag sigawan ang mga tao sa paligid nila. " Thank you Hummy ko ang sweet mo talaga sakin." Saad pa ng binata sa dalaga habang nakatapat ang bibig sa micropono, kaya naman rinig na rinig ng lahat, at agad din naman bumaba ang dalaga para bumalik sa kina uupuan nito. Sunod naman na kinanta ng mga ito ay make it with you, ng bread, at si Zanthy naman ang kumanta second voice nito si Nic at Zi, at buong atensyon naman nito'y nakatuon kay Lora at kinikindatan pa ito, hindi pa nasiyahan at binigyan pa ng flying kiss ang dalaga. Panay irap naman ang iginawad ng dalaga kay Zanthy, inawat naman ito ni Hummy, kaya naman tumayo ito at sumigaw ng " I love you papa Zanthy." Sumenyas pa ng puso at itinapat sa dib-dib nito ang kamay na pinag hugis puso, tumugon naman din ito sa sinabi ng dalaga, " I love you more mama Lora and angel." At ginaya ang ginawa ng dalaga, ganun na lang din ang hiyawan ng mga tao loob ng bar, Matapos naman nito ay nag speech muna si Brix at pinasalamatan ang lahat ng dumalo at katuwang sa pag aayos mula sa pagkain, hangang sa mga waiter na nag seserve, na banggit din nito ang pinsan ng dalaga na si Tanya, sya naman ikinakilig nito, matapos mag pasalamat ay pina akyat nito sa stage si Rein upang samahan siyang kumanta, nahihiya man ang dalaga ngunit wala na itong nagawa at pinag bigyan na ang binata sa nais nitong makasama sya sa entablado, nagulat pa sya ng abutan din sya ng micropono at itinuro niti ang monitor na maliitbsa harap nila kung saan nakalagay ang lyrics ng kanta, at nag simula na silang umawit ng destiny, tahimik ang lahat sa pakikinig at dinama ang musika na silang dalawa ang may likha.  Rein: What if I never knew What if I never found you I'd never have this feeling in my heart Kinakabahan ang dalaga dahil hindi naman ito sanay na umawit sa harap ng maraming tao, mabuti na lang at kasama nito ang binata at mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga, magkahawak kamay ang mga ito at nakaharap sa isa't isa, habang umaawit pakiramdam nila ng mga sandaling iyon ay silang dalawa lang ang tanging naroroon sa lugar. Brix: How did this come to be I don't know how you found me But from the moment I saw you Deep inside my heart I knew Halos lumabas na ang puso ng binata sa sayang nararamdaman sa mga oras na iyon, wala na syang mahihiling pa sa buhay nya at may bonus pa, habang umaawit ay masaya niyang binabalikan ang araw na una nyang nasilayan ang dalaga, hangang sa pagtanaw niya mula sa bintana at ang unang beses na nakalapit sya sa dalaga, dahil sa pagkasubsob ng ulo nito sa katawan nya sa bus na nasakyan nilang pareho papuntang stilts, pati ang tagpong nagkatabi sila sa pag tulog, at pag papanggap bilang magulang ni sam. Duet: Baby your my destiny You and I were meant to be With all my heart and soul I give my love to have and hold And as far as I can see From now until eternity You were always meant to be My destiny Your my destiny Matapos nilang umawit ay bigla naman bumukas ang ilaw sa stage, at inilabas ng mga kaibigan ni Brix ang dalawang cake, kumanta muna ang lahat ng birthday song, pagkatapos ay sabay nilang hinipan ang mga kandila nila sa ibabaw ng cake. Buong akala ng dalaga ay birthday lang ni Brix ang i cecebrate nila ngayong gabi kung saan sya ay panauhin nito, kaya naman laking gulat nya ng makita ang dalawang cake na inilabas ng mga kaibigan ng binata, isa para kay brix at isa para sa kanya, at hindi lang pala doon nag tatapos ang sorpresa sa kanya. Hindi pala ordinaryong cake ang nasa harapan nila kundi, money cake inalalayan muna sya ni Brix kung saan bubunutin ang mga pera na nasa loob ng cake, bumilang muna ang lahat ng tatlo at sabay nilang hinatak ang mga ito, nalula sya sa perang mulamabas sa loob ng cake, unang hatak nya ay sampong tag lilimang daan ang lumabas, kasunod naman nun ay kinseng tag iisang libo, at ang pinaka huli ay dalawang tag one hundred dollar. Mas lumakas ang hiyawan sa loob ng bar ng mabilang ang nilalaman ng cake, sa tuwa nya ay napa akap na sya sa binata, at humalik naman ito sa ulo nya at hinapit sya nito sa bewang, dahilan upang mas lalo pang mapaglapit ang katawan nilang dalawa. Muling nag salita ang binata upang anyayahan ang mga panauhin na kumain at uminom hangang sa malasing, ngunit hindi pa dun natapos ang kasiyahan dahil nagkaroon pa ng 21 dance ang binata, at kada isasayaw nitong babae ay mag bibigay ng maliit na shotglass sa binata at sya namang iinumin ng binata, ang pinakahuling isinayaw nito ay ang dalaga, ng sila na ang sumayaw sa gitna ay muli nanamang namatay ang ilaw at tanging sa kanila lang nakatutok ang spotlight. Pakiramdam ni Rein sa mga sandaling yun ay isa siyang prinsesa at si Brix ang kanyang prinsipe, malungkot man syang nag daos ng kaarawan, dahil sa pagkakawala ng mga magulang nya, ay napunan naman ni Brix ang pangungulila nya sa mga ito, " Happy birthday Rein,...are you feeling happy?." Buong giliw naman ang pag tango ng dalaga sa tinuran ng binata, kasalukuyan sila sumasayaw sa gitna ng entablado, at muli nanamang may ibinulong ang binata sa dalaga. " Pwede na ba kitang ligawan? Malapit naman na yung graduation eh!!." Nagagalak na tanong pa ng binata sa dalaga. " Hindi ba dapat ang tanong mo eh!!, kung pwede mona ba akong maging girlfriend?." Nanlaki naman ang mata ng binata sa tinuran ng dalaga at tinignan nito ng maigi ang dalaga, nakangiti naman dito ang dalaga at nginitian nito ang binata ng buong giliw, at tumango bilang pag sang ayon sa binata bilang nobya nito. dahilan upang mas lalo pa syang hinapit ng binata at gunawaran sya ng masuyong halik sa noo. Umiiyak si Brix ng makuha ang matamis na oo ng dalaga, matagal nya itong inaasam hindi nya akalain na ngayon araw pa ng kaarawan nila ito mapapasagot, nag pahid na sya ng luha at humarap sa dalaga pinakatitigan pa nitong maigi ang mukha ng dalaga, at kinuha ang kamay nito at dinala sa dib-dib ngunit biglang nag iba ang mukha ng dalaga kaya sinundan nya ang tingin nito kung saang direksyon, nakatingin ito sa pinsan nitong si tanya na masama ang ibinabatong tingin sa kanila, Nakaramdam ng kaba ang dalaga dahil sa mga titig at irap nito, masyado syang nadala ng mga pangyayari nawala sa loob nya na kasama nya nga pala ito, at may espesyal itong pag tingin sa binata, dahilan upang mapabitaw sya sa hawak ng binata sa mga kamay nya, at nag pasya na syang bumaba ng stage at nag patuloy naman lahat sa pag inom at pagkain, ng tumabi sya sa pinsan ay masama ang ipinukol nitong tingin sa kanya, " Im sorry." Tanging nasambit nya. Tumawa lang ito ng sarkastiko pero masama parin ang tingin na ipinupukol sa kanya. " Akala ko ba ako ang special guest dito, bakit parang ikaw pa ang naging bida sa lahat, pinag mukha mo akong tanga dito, dont worry dahil makakarating ito kay mommy at tita lu, tignan nating kung maging masaya ka pa after nito." Tiim bagang na saad nito sa dalaga. " Im sorry, hindi ko naman alam na may ganun pa lang surprise si Brix sakin. Andito lang naman ako as a guest not as a celebrant, nakakahiya naman kung tatanggi ako baka mapahiya pa sya, i dont want to ruin his especial day." Paliwanag ng dalaga. " Hindi alam?? Nag perform ka pa nga eh, nakipag dance ka pa tapos may money cake pa, ano pinamumukha mo talaga sakin na ikaw ang gusto nya at hindi ako." Mataray pa nitong anas. " Nililigawan ka ba nya? Parang sa kinikilos mo kasi ay niligawan ka nya at pinaasa." Anang dalaga sa pinsan nitong si tanya. " Hindi nya ako niligawan, but i like him, mom said na mukhang may gusto din sakin si Brix." Natigilan naman ang dalaga sa tinuran ng pinsan nito. Ang tita tamara talaga nya ang gumagawa ng paraan para mapag lapit ito at ang binata, batid nya naman ang intensyon ng mga ita kay brix. " But i dont like you, ang mom mo lang ang nag pipilit sakin. Hindi nila namalayan na nakalapit na pala ang binata sa kanila at aksidenteng narinig ang pagtatalo nila. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ni Tanya ng mga oras na iyon. " I im sorry for my mom's wrong doings, wala naman sakin yun let's just enjoy the party na lang." At tumayo pa ito para makipag sayaw kay Brix, wala ng nagawa pa ang binata ng hinatak nito ang kamay nya at dalhin sya sa harap ng stage. " Gusto mo ba si Rein." Bulong ni tanya sa binata. " Yes matagal na, ngayon nga lang ako nakalapit sa kanya eh!! Dati tintanaw ko lang sya sa bintana." May tuwa sa mga nito habang sinasabi ang bagay na iyon. " Ano namang naguatuhan mo sa kanya?. Usisa pa nito sa binata. " Marami!! like her being simple, nice, humble,her being beautiful inside and out." Nangniningning ang mga mata nito habang sinasabi ang mga katangian ng dalagang napupusuan nito. Bakas naman sa mukha ni tanya ang pagka walang gana nito sa tinuran ng binata, matapos maki pag sayaw sa binata ay bumalik ito sa pwesto nila at nilango ang sarili sa alak, halatang malakas ang tolerance nito sa alak, dahil parang hindi ito nalalasing. " Rein ikaw na lang mag dala ng mga gamit ko huh!!." Ini abot nito ang sling bag na itim, at may dala din iton pamalit na damit at doll shoes, ant maliit na make up kit, lahat ng iyon ay pinabitbit nito sa dalaga, wala naman nagawa ang dalaga kaya sya na ang nag bitbit ng mga ito, ipinatong naman ito ng dalaga sa katabi nitong upuan at hindi na naka alis pa sa pwesto nito, patuloy lang ang pinsan nito sa pag inom at kung kani kanino nakikipag kilala. " Rein alam mo kanina ko pa napapansin yang pinsan mo na yan, pasalamat talaga yan at buntis ako kung hindi baka na jombag ko na yan, eh!! Kanina ka pa iniirapan nyan eh." Ani Lora. " Oo nga Rein nag pipigil lang ako kanina dyan eh!! Bakit mo ba kasi sinama yan dito." Ani pa ni Hummy. " Si brix nga walang nagawa ng sabihin ng tyahin kong isama ang anak nya sa birthday nito, eh!! Ako pa kaya." Tanging nasabi nito. " You mean kilala ni Brix ang Mother nyang pinsan mong dalahira?." Si Leilah. Bumuntong hining muna ang alaga bago nag isinalaysay kung pano nakilala ng binata ang mga ito. " Nag hatid kasi si Brix sa bahay namin para daw yun sakin, kaso tulog na ako, kaya si tita Tamara ang naka tanggap tapos pinakilala nya si Tanya kay brix, nabanggit din nya na ngayon nga gaganapin ang birthday nya, kaya yun pinilit naman nito na imbitahin ni Brix ang anak nya, kaya yan." Pag allahad ng dalaga. " O.M.G your monster aunt?." Ani pa ni Lora. " Yes!! Alam nyo ba iniimbistigahan na nga nila si Brix eh, alam na nila na unico ijo lang ito at young business man, kaya mas lalong nagka interes ang tyahin ko." Salaysay ng dalaga sa mga kaibigan. " You mean may balak pa silang agawin si Brix sa iyo." Gulat na turan ni Leilah. " Well!! All i can say is, goodluck na lang sa kanila." Natatawang tugon ni Lora. At nag tawanan na ang mga kaibigan ng dalaga, alas otso na ng gabi ngunit andun parin sila sa naturang lugar, nahagip naman ng tingin ng dalaga ang paparating sa babae, si vanessa kasama si Hailey, Dainah at dalawa pang babae na hindi niya kilala, humalik muna ang mga ito kay Brix at ganun din sa mga kaibigan nito bago pumunta sa kabilang lamesa nila, nang mapansin sya ni vanessa ay agad syang tinaasan nito ng kilay at inirapan alam ng mga kaibigan niya kung para saan ang pag irap nito sa kanya, kaya naman lumapit ang mga ito at pinag tabitabi ang kanilang mga upuan. " Bakit andito yang malanding yan." Anas ni Hummy na ang tinutukoy ay si vanessa. " Haist!!, wag na lang nating pansinin yan." Ani pa ng dalaga. Umalis muna ang tatlong kaibigan ni Rein upang mag banyo tanging sya lang ang naiwan sa pwesto nya dahil, hindi nya pwedeng iwanan ng gamit ng pinsang si Tanya, kaya naman madali syang nalapitan ng grupo ni Vanessa. " Why are you here, i thought hindi mo pinapansin si Brix, even his call and messages, see kinain mo din ang sinabi mo." Taas kilay nitong anas sa dalaga. " Ok na kami, nag paliwanag na sya at nag sorry, then i forgive him." Tuwid mukhang pag lalahad ng dalaga dito. " Why he said sorry? For what?, napaka assuming mo naman na yata ngayon." At humalakhak ito ng ubod ng lakas, ganun din ang ginawa ng mga kasama nito. " Well for your information, kami na." Taas noong saad pa ng dalaga dito. Natahimik naman ito sa tinuran ng dalaga. " Wa what?." Tanging nasambit ni vanessa. Nanahimik ito sandali ngunit hindi parin ito umaalis sa likod ng dalaga, " is that for real i dont believe you." Sarkastiko pa itong ngumit. " Hindi naman kita pinipilit na maniwala eh!!." " Well kung ganun eh!! Dapat pala uminom tayo, at tinawag pa nito ang waiter na may dalang alak, kumuha ito ng limang inumin at isa doon para kay vanessa at sa tatlo nyang kasamang babae at ang isa ay para sa kanya, cheers saby- sabay na sana silang iinom ng alak ngunit natigil ito ng mapansong hindi ininom ni Rein ang ibinigay nito, kaya naman pilit nitong inaabot ang alak sa dalaga para inumin, panay naman ang tanggi ng dalaga sa inaabot nito. " Edi nag sisinungaling ka lang pala eh, hi di pa talaga kayo no?" Pagalit pang turan ni vanessa sa dalaga. " Wala akong dahilan upang mag sinungaling sayo." Pangangatwiran pa ng dalaga. " Eh!! Bakit ayaw mong inumin ito, ikaw na nga binibigyan ikaw pa may ganang mag inarte." Pasigaw na pagkakasabi ni vanessa. " Im sorry pero hindi ako pwedeng uminom nyan." Saad ng dalaga. " Eh bakit nag punta ka pa dito sa bar, bar ito hindi simbahan, kaya inumin mo na yan." Asik pa nito Bumuntong hininga na muna ang dalaga at umiling. " pag ininom mo yan ibig sabihin nun ok na tayo, bayad kana sa kasalanan mo sakin." Anas pa nito. " What?? Wala naman akong kasalanan sayo ahhh.!! ." " Meron Rein!! Dahil inagaw mo saakin si Brix at mapapatawad lang kita kung iinumin mo ito." Nakulitan na ang dalaga sa pag aalok nito na uminom, kaya naman kinuha nya na ang basong may lamang alak, para inumin, ilalapat nya sana sa bibig nya ang baso ng biglang may humawak ng kamay nya at inagaw ang baso ng alak sa dalaga. Batid ang galit sa nagbabagang mga mata nito, animo'y isang mabangis ng hayop ang hitsura nito. " Who told you that you can drink alcohol?." Dagundong ng boses nito, at kinuha nito ang hawak nyang alak at ito ang lumagok nun, masama ang tingin na ipinupukol nito kay vanessa, " leave her alone." Utos pa nito sa babaeng kaharap niya, agad naman kumilos ang mga ito at umalis sa harapan nya. Tinitigan sya nito medyo humupa na ang galit sa mukha nito, kaya naman medyo naka hinga na sya ng malalim, " alam mong bawal sayo ang alak, bakit nag papadala ka sa kanila, ipapahamak mo ang sarili mo at ang buhay nyang nasa sinapupunan mo, dahil lang sa pinipilit ka nila? Kung hindi pa ako dumating baka napahamak na kayo, pwede ka naman tumanggi Rein dahil may sarili kang pag iisip at may buhay kang dapat na alagaan." Napayuko na lang sya sa sinabi nito sa kanya. " Masyado kang mabait lumaban ka naman, ipaglaban mo naman ang sarili mo." Sermon pa nito sa kanya. Napatulala lang ang dalaga sa sinabi ng binata, kung ito nga lumalaban para sa anak na hindi naman dito nag mula, samantalang sya hinahayaan nya lang na apihin sya ng mga taong mapag samantala. Nag angat na sya ng tingin at sinalubong ang tingin nito sa kanya. " Im sorry kung mahina ako, im sorry kung pabigat ako sayo, im sorry kung wala akong kwenta sa tingin nila." Bumuhos na ang inis na nararamdaman nya sa sarili nya. Na iinis sya sa sarili nya kung bakit pakiramdam nya ay mahina. sya, naiinis sya kung bakit hinahayaan lang nya na samantalahin ang kahinaan nya, na iinis sya sa sarili nya. " ssshhhhh, im sorry for what I've said before, nag alala lang ako paano kung mapahamak kayo, hush now." At niyakap sya nito at tinapik ng marahan sa likod, panay parin ang buhos ng luha sa mga mata nya, natigil lang ng maramdaman nya ang pag dating ng mga kaibigan nya. " Im sorry love, tahan kana please, makasama yan sayo." Pag papatahan naman ng binata sa dalaga. Tumigil na din sya sa pag iyak, hindi naman sya galit sa sinabi nito kundi sa sarili nya, pakiramdam nya ang hina- hina nyang tao. Tumigil na sya at tumingin na sa binata, habang nag papahid ng luha sa mukha. " Im sorry galit kaba sakin?." Tanong ng binata sa dalaga. " Hi -hindi na iinis lang ako sa sarili ko, kung bakit ang hina- hina kong tao, kaya ako napag sasamantalahan eh!!." Shhh, dont say that, mabuti ka kasing tao kaya kahit masama ang ginagawa ay hindi mo nakukuhang husgahan, but please bago ka mag desisyon isipin mo rin ang sarili mo, lalo na ngayon hindi lang ang sarili mo ang dapat mong isipin kundi ang baby natin, ayokong mapahamak kayo." Malambing na pagpapaliwanag nito sa kanya. Mula ngayon dapat maging matapang kana Rein lalo pa ngayon may kailangan ka ng protektahan, sorry baby muntik ka ng ipahamak ni mommy, kausap nito sa sarili. Hindi na nila sinabi pa sa kaibigan nya ang eksena bago ito dumating dahil siguradong magagalit ang mga ito at baka sugurin pa nito ang grupo ni vanessa. " Hindi pa ba tayo uuwi?." Ani Lora. " Gusto nyo na bang umuwi?." Tanong naman ni Hummy sa mga kaibigan. " Ako ok lang ako pero, iniisip ko kayo bawal kayo mapagod at mag puyat." Ani Leilah. " Gusto nyo ihatid ko na kayo hiramin nalang natin yung sasakyan ni Winter, para hindi yan makauwi dito na lang yan matulog, para walang mang iistorbo sakin mamaya." Ani pa ni Hummy. " You can drive?." Tanong ni Leilah sa kaibigan. " Yes i can, tinuruan ako ni taglamig, at isinabay nya rin ako kumuha ng liscence kaya complete vaccine ito." Natawa nalang sila sa tinuran ni Hummy. " Si tanya kasi, mukhang ayaw pang umuwi eh!!." Alalang saad ni Rein. " Aayain ko na guys, para makuha ko na din yung susi kay winter." Pag papaalam nito bago umalis. Agad naman lumapit si tanya sa pwesto nila, " mauna kana Rein sabihin mo na lang kay mommy sa boarding house ako uuwi mamaya i uwi mo na itong mga gamit ko." Maangas na pag kakasabi nito. Isa- isa ng lumapit ang mag kakaibigan sa kanila. " Uuwi na kayo? Ihahatid ko na kayo." Anang ni winter. "Wag na mahal pa namin mga buhay namin, uminom ka nalang diyan kasama yang ka flirt mo." Buska ni Hummy sa binata. " Nag seselos ang bil- bil ko ah!!!." Pang aasar naman nito sa dalaga. " Selos ur face, ako na mag uuwi ng sasakyan mo para dito kana matulog, baka istorbohin mo nanaman ako mamaya, kasarapan ng tulog eh!! Door bell ng door bell, may bahay naman sa bahay pa talaga natutulog." Ani Hummy. " Si Hummy na lang mag hahatid saamin, para maka pag enjoy pa kayo, sigurado yan mag eenjoy talaga kayo andmaning girls ohh!! Pahaging pa ni Lora na kay Zanthy naka tingin. " I think i have to go guys, mahirap na eh, baka outside the kulambo nanaman ako neto." Paalam ni Zanthy sa mga kaibigan. " Kaya mo pa bang mag drive?, baka makatulog ka pa habang nag mamaneho, mapahamak pa kami ni anak mo." Pambabara naman ni Lora dito. " Kaya ko dont worry babe, hindi naman ako lasing, hindi talaga ako nag pakalasing para maihatid kita." Paliwanag naman ng binata kay Lora. " Ako na din mag hahatid sa bil-bil ko, basta dun ako matutulog sa inyo ahh, para may kasama ka." Tinaasan lang ito ng kilay ni Hummy. " Edi sumabay kana pauwi ako na lang mag ddrive, isasabay ko na din si Leilah." Ani Hummy. " A ako na mag hahatid sa kanya Hummy, iisang bahay lang naman kami eh." Natigilan ang lahat sa sinabi ni Zi. " Oo sa likod bahay lang naman nila kami nakatira eh." Paliwanag ni Leilah. " Sya yung amo ng nanay mo na sinasabi mong nag hatid sayo kanina?." Usisa pa ni Hummy sa kaibigan. Tumango naman si Leilah bilang pag sang ayon sa tanong nito. " Paano ba yan bro may kanya kanya na pala kayong mga partner ako na lang pala ang wala, ikaw Brix ihahatid mo din ba si Rein? Eh!! Pano yung pinsan nya mukhang walang balak umuwi eh." Ani nic. " Kailangan ko na syang ihatid kasi late na, bawal syang mag puyat." Ani Brix. " Kaya mo pa ba mag drive? Paano yung mga bisita mo? Hindi mo naman pwedeng iwanan sila." Ani Rein. " I still can manage to drive, ako mag uuwi sayo, Nic pwede bang ikaw muna maiwan sa mga bisita, ihahatid ko lang si Rein." Ani Brix. " No problem dude, ako lang naman walang partner dito eh!! Dito na lang din ako matutulog mamaya."ani nic. At umalis na silang lahat para umuwi, naiwan naman sa bar ang iba pang mga bisita, ang pinsan nitong si tanya ay kasalukuyang nag eenjoy pa kasama ang grupo nila vanessa, dahil pareho sila ng sabaw kaya madaling nagka palagayan ng loob ang mga ito. Matapos maihatid ni Brix si Rein ay agad din naman bumalik ang binata sa bar, naabutan nya pa ang grupo nila vanessa na nag iinom, ang kaibigan naman nitong si nic ay nasa bar counter. " Dude buti naka balik kana." Ani Nic. " Yeah may dumating pa ba habang wala ako?." Ani Brix. " Wala na dude yan na lang yung last." At ngumuso ito sa direksyon ng grupo ni vanessa. Lumapit naman si vanessa sa pwesto nila at malanding yumakap sa binata. " happy birthday brix, wanna join us." Yakag pa nito sa binata. Agad naman inalis ng binata ang pagkaka yakap nito at sumenyas ito sa kaibigang si nic maagap naman ang kaibigan nito at inakbayan ang dalaga pabalik sa pwesto ng mga ito, at sumunod na din si Brix at naki upo malayo sa pwesto ni vanessa. " Happy birthday Brix, pwede mo ba akong ihatid sa condo ko mamaya?." Malanding saad nito. " Ipapa hatid na lang kita sa grab, dont worry ako na mag babayad." Tugon naman ng binata. " Bakit ba umiiwas kana sakin, sino bang pinag mamalaki mo?." Galit na turan ni vanessa. " Rein and i are officially now, kaya tigilan mo na sya." Pahayag ni Brix. " What yung babaeng yun? Ano bang nakita mo dun, bakit magaling ba yun sa kama? Kaya kabang paligayahin nun? Ako kaya ko at alam mo yun." Ani vanessa. " I love her, she's my fullfilment, she's my world and nothings can compare to her in my life." Anas naman ng binata dìto. " Uyy dude ang lalim nun ahhh!!!." Banat naman ni Nic. Wala ng nagawa pa si vanessa kundi ang uminom na lang hanggang malasing, si tanya naman ay naka masid lang sa kanila. Ng makaramdam na ng pagkahilo ay nag paalam na si tanya, kasabay pa ng ibang mga kasama ni vanessa, si vanessa naman ang lango na sa alak, kaya ipinara na ito ng grab ni Brix ganun din si tanya at ang iba pa, sila na lang kasi ang natira sa mga bisita ng binata. " Haist salamat at tapos na, Nic uuwi ako sa house namin dito ka lang ba?." May dalawang vip room ang bar na ito at dun sila natutulog pag hindi na nila kayang umuwi pinakakasya nila ang sarili sa malabang sofa na andun sa taas, " Dude ingat ka sa pag ddrive." Paalala ni nic sa kaibigan alas tres na ng madaling, tahimik na ang daan, ngunit pinilit parin ni Brix na makauwi para mas malapit lang sa minamahal nito. Nagtaka naman ito ng makita kung sino ang tumatawag, kaya agad naman nitong sinagot iyon. " Why are you still awake? Ani Brix. " Na gutom kasi ako, asan kna? Nakauwi kana ba?." Tugon naman ng dalaga. " Im on my way home, may gusto ka bang ipabili? Do you want fries.? Burger? Anything you want. " Ok i want burger and fries yung deluxe, pls.." malambing na saad ng dalaga. " Ok love, if thats what you want, saan ko dadalhin sa likod ba?." " Yes please." Ani Rein. Nang makarating ang binata sa likod bahay ng dalaga ay agad naman nitong tinawagan ang dalaga at dali-daling kinuha ang mga biniling pagkain. " Love, halika pasok ka." Yakag nito sa binata, laking ngiti pa ng dalaga ng makita ang mga falang pagkain nito, agad naman itong inabot ng binata sa dalaga at masaya nito nilantakan ang mga pagkain na dala nito. " Bakit ngayon ka pa lang nakauwi? Uminom ka ba ulit?." At inamoy pa ito ng dalaga. " Hindi na po love, hinintay ko lang umalis yung mga bisita bago ako umalis dun." Paliwanag naman nito. " Ok, salamat nga pala dito." Masayang pasasalamat nito sa binata. " Love pwede ba dito na lng ako makitulog?." Tumango naman ang dalaga bilang pag sang ayon dito. " Bakit may maleta dito?." Kuryosong tanong ng binata. " Dito na kasi ako natulog, ako nalang iiwas sa mga tyahin ko para wala ng gulo, kaya ito lipat bahay muna ako." Anang dalaga. " Mas maigi pa nga love kung dito kna muna mag stay, mas Safe kayo ni baby dito. Suhesyon ng binata. " Love wait lang kukunin ko lang yung backpack ko." Umakyat na ang dalaga sa itaas para i ayos ang hihigan nila ng binata. " Love kung san ka matutulog dun na lang din ako." Saad ng bianta. "Love ito pa lang ang available na higaan dito kaya dito talaga tayo matutulog, hindi ko pa kasi na aayos yung kabilang kwarto, naligo muna si Brix pag labas nito ay himbing na ang tulog ng dalaga, binuksan ng binata para malayang makapasok ang lamig ng hangin mula sa labas ng bahay, wala kasing aircon ang silid, pinatay nya na ang ilaw at humiga sa tabi ng dalaga at niyakap nya na ito at inayos ang kumot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD