Un expected visitors

3087 Words
Lumapit naman si Brix sa pwesto ng dalaga at inakbayan ito, tinapik nito ang balikat ng dalaga at humalik sa ulo ng dalaga, nasa ganun silang tagpo ng may biglang kumatok sa may pintuan, agad naman itong sinilip ng binata mula sa bintana, nakita nya ang isang ale na may kasamang batang babae at may dala itong panindang isda at pusit, kaya naman dali- dali nya itong pinag buksan. " Andyan po ba si aling Mary?" Tanong ng may edad na babae kay Brix. Lumapit naman ang dalaga upang kilalanin kung sino ang kausap ng binata. " Nay imelda kayo po pala, wala po kasi si Lola Mary dito nasa maynila." " Oh Rein andito ka pala, buti napadalaw ka dito." Ganting turan naman ng ginang. " Opo kamusta na po ba kayo? Sino po itong batang kasama nyo?." " Ito nga pala ang apo kong si Sam, anak ni Ga! yung kababata mo." Pag papakilala ng ginang sa apo nito. " Talaga po ba, ito na yung batang, ipinagbubuntis ni Ga bago ako umalis dito? Ang laki na pala, Hello Sam ako nga pala si tita Rein mo matalik kong kaibigan ang mama mo." Ngiting pag papakikilala naman ng dalaga sa bata. Kinuha naman ng bata ang kamay ni Rein at nag mano dito, ganun din naman ang ginawa nito sa binata. " Nakakatuwa naman itong baby na ito lika pasok ka dito." Paanyaya naman ng Binata sa paslit. " Sya!! nga pala Rein maari ko bang iiwanan itong si Sam bukas kona ng hapon ito susunduin, para makapag tinda ako ng maayos sa kabilang isla, baka kasi ma abala ako sa pag titinda, wala kasi si Ga may inasikasong papeles sa bayan sa makalawa pa ang balik kaya naiwan sakin itong batang ito." Pakisuyo naman ng ginang sa dalaga. " pwedeng pwede po nay Imelda." Pag papaunlak naman ng dalaga. " Ito nga pala yung mga gamit ni Sam pamalit mabait naman itong batang ito hindi ka makukunsumi dyan, sya nga pala kunin mo na itong mga ito." Ngiting tugon naman ng ginang " Andami naman po nito Nay imelda, babayaran ko po ito sa inyo." Turan ng alaga sa ginang. " Naku hindi na anak, maliit na bagay lang ito, kumpara sa naitulong ng mga magulang mo sa amin." Ngiting tugon ng ginang. " Naku wala po iyon Nay Melda, wag nyo pong alalahanin iyon." At ngumiti ito ng ubod ng tamis sa ginang. " Oh sya!! Ma iwan kona muna kayo, Sam behave ka lang kay tita Rein mo, pag inaantok ka sabihin mo kay tita, andyan na nga pala yung gatas nya at botilya sa bag nya, oh sya!! Aalis na ako." At nag papalam na ito. " Sige po salamat po Nay Melda, ako na po munang bahala kay Sam, mag iingat po kayo." Pahabol pa ng dalaga. Aliw na aliw naman ang binata sa pakikipag laro sa bata, at tahimik silang nanunuod ng pambatang palabas sa television. Nilinisan na ng dalaga ang mga pusit at tambakol na ibinigay ng ginang, na tigilan lang sya ng mapansin na may taong nakamasid mula sa likuran nya. " Marunong ka mag linis nyan?" Kuryoso tanong ng binata sa dalaga. " Oo naman no!! Tinuruan kasi ako ni nanay Amy at lola Mary, marunong din ako sa gawaing bahay. Natutuwang saad nito. " Ano na palang luto ang gusto mo dito sa pusit?." Tanong nito sa binata. " Adobong pusit!!,  " Adobong pusit!!,  sabay na suhestyon ng dalawa, kaya naman natawa sila sa pag kakasabay ng pag sambit. " Itong isda sasabawan ko nalang ito para maraming makain si Sam." Ngiting saad naman ng dalaga. Napalingon naman ang dalawa sa batang si Sam, ng lumapit ito sa kanila. "Tita Rein uu po ako." Malambing na saad naman ng paslit sa dalaga. " Naku wait lang po baby!! , tanggal mo na yang short mo huhugas lang si Tita ng kamay."at nag madali na itong mag hugas ng mabuti sa  kamay. " Ako na Rein." Prisinta naman ng binata sa dalaga. " are you sure?." Tanong nito sa binata. " Yes dont worry marunong akong mag alaga ng bata." Nangingiti naman ito bago dinala ang bata sa cr. Natatawa naman ang dalaga sa naririnig na pag papaalis ng bata kay Brix. " Tito alis ka po dito, mabaho dito." Pag tataboy naman ng bata sa binata. Na ngingiting lumapit naman si Rein sa dalawa, nakita nya parehong naka takip ng ilong ang dalawa. " Ako na dyan Brix paki tignan na lang yung niluluto ko." Naka ngiting turan ni Rein sa binata. " tapos kana ba sam?." Tanong naman ng dalaga sa bata. " Opo." Nahihiyang tugon ni Sam sa dalaga. Matapos linisan ang bata ay binihisan nya na ito. " Baby Sam gutom kana ba?." Pag lalambing ni Brix kay Sam. " Opo, ano po luto mo? Uhm amoy sarap yan, sarap ba yan?" Balik na tanong naman nito sa binata. " Opo syempre masarap ito, sinarapan ko talaga ito para marami kayong kainin ni tita Rein." Pag lalambing naman nito sa bata. Ng maluto na ang mga pagkain ay nag hain na ang dalaga at pina upo na nito si Sam sa upuan, sa kabilang silya naman nakaupo ang binata. " Ok lets eat na." Masayang paanyaya naman ng binata, akmang kukuha na ito ng kanin ngunit nagulat ito ng paluin naman ng bata ang kamay nito, dahilan upang pangunutan ito ng noo. " Pray po muna bago mag eat." Parang matandang naka pamewang pa ito. Nagka tinginan naman sila ni Rein at tumawa ng malakas. " Sabi ko nga po baby, pray muna."  Matapos maka pag pasalamat ay, masaya na silang kumain. " Busog na ba ang baby ni tito Brix?." lambing na tanong naman  nito sa paslit. "Opo sarap kain ni Sam, dami ko po kain oh, bbbbrrrrpppp." At pinakita naman nito ay tiyan na halatang busog na busog. " Malakas ka pala kumain ng sinabawang isda no?" Ngiting turan naman ng dalaga. " kaya ang taba taba mo eh." Si Brix Habang kinukurot ng marahan pisngi ng bata. Ngumiti naman ito ng pagka tamis tamis. " Drink kana ng water Sam, tpos dun na muna kayo ni tito Brix manuod na muna kayo ng tv, mag liligpit lang ako dito." Pag papa alam naman ng dalaga sa paslit. Binuhat na ito ng binata at dinala samay sala, at binuksan na ang tv. Si Rein naman ay mabilis na nag ligpit ng mga pinag kainan at nag linis ng pinag lutuan, ng matapos na ito ay sumunod na din ito sa dalawa.  " Haist salamat at tumila na ang ulan, parang nag dahilan lang, Kita mo Brix maaraw na sa labas." Masayan saad naman ng dalaga. " Oo nga no!!? So it means pwede pa tayo mag ikot-ikot?" Ngiting tanong naman nito sa dalaga. " Gusto mo ba sumama sa bayan? Mamimili din kasi ako ng uulamin natin para mamayang gabi." Tanong ng dalaga sa binata. " Yes ill go with you." Masayang tugon naman ng binata. "Maliligo lang ako." Pag papa alam naman ng dalaga. " Ok next ako, isabay mo na din kaya si Sam." Suhestyon naman ng binata. " Ok!!  Sam ligo tayo halika dito." Masayang pang iing ganyo naman ng dalaga sa bata. Tumayo naman ang bata at binuksan ang bag na dala nito. " Anong ginagawa mo Sam?" Tanong naman ng dalaga sa bata. " Kuha ko po si peppa pig, sabi lola ako daw to eh." Pag mamalaki naman ng bata. Biglang natahimik naman ang dalawang at pasimpleng humagalpak ng tawa, nag tataka naman ang paslit sa reaksyon nila at tinitigan sila. " Si lola mo talaga niloloko ka, taba ching-ching ka lang pero hindi mo kamukha si peppa pig.  "Kenkoy din pala si nanay Melda." Natatawang banggit naman ni Brix. " alam mo ba nung sa amin pa sya nag ta trabaho wala kaming ginawa nila mommy at daddy kundi tumawa ng tumawa, kaso pina tigil na sya ng asawa nya, kasi wala daw mag aalaga sa mga anak nila, nag abroad kasi ang asawa ni nanay Melda kaya sya na lang ang nag alaga sa mga anak nila." Pag lalahad naman ni Rein kay Brix. Kinuha na ni Rein ang sando na ini abot ni Sam, kumuha din sya ng pamalit na shorts at panloob nito sa bag, at nag tungo na sila sa banyo upang maligo. Matapos maligo ay dali- daling binihisan ng dalaga ang bata, at si Brix naman ang sumunod na naligo, natapos na lahat sa paliligo ang binata ngunit hindi parin nakaka pag suklay at nakaka pag ayos ang dalaga, at kasalukuyan nitong hina handa ang gatas at tubig na babaunin ng paslit. Nag tatakang tinignan naman ito ng binata, sa isip-isip nya ay ganun yata talaga pag may alagang baby ang mga nanay, nahuhuli silang mag gayak, kaya naman sya na ang umagaw sa gagawin ng dalaga upang maka pag ayos na ito ng sarili. " Ako na dyan Rein, ituro mo lang kung saan  ko ilalagay ang mga ito, itong botilya nya saan kona ito ilalagay?" Maang na tanong ng binata sa dalaga. " Sa bag nya na lang, yang bag nya na peppa pig, pati yung gatas nya, dyan na lang din. Mag dadala na lang din ako ng diaper at pamalit nya na damit, mataba kasi itong bulinggit na ito eh, kaya mabilis pag pawisan." At isa- isa naman nilagay ng binata ang gamit ng paslit sa bag nito. " Ako na mag dadala nito Rein, mag ayos kana, baby Sam come to tito Brix si tito na mag bubuhat sayo." At agad naman lumapit ang paslit sa binata. " Mag susuklay na lang naman ako eh." Baby Sam wag ka bibitaw kay tita Rein at tito Brix ahh." Paalala naman ng dalaga sa paslit. " Opo." At tumango naman ang paslit. Bawat taong nadadaanan ni Brix ay sinusundan sya ng tingin lalo na ang mga kababaihan at ka baklaan sa lugar, hindi kasi ma ipag kakaila ang lakas ng dating ng binata, matangkad at gwapo pa, huminto kami sa babaeng nag titinda ng prutas. Panay ang pa cute ng babae sa binata at hindi nito alintana ang presensya ng kasama ng binata. "Hi dong ano jud ang bibilhin mo." Malanding turan ng tindera, hindi pa ito na kuntento at lumingkis pa sa braso ng binata. " Miss bigyan mo ako nitong 1kilo ng ubas, 1kilo saging 1kilo din dito sa mangang hilaw, malutong ba ito???  Nag lilihi kasi itong asawa ko eh. Sabay kindat naman nito sa kay Rein. Agad naman nakuha ng dalaga ang ibig sabihin ng binata. " Oo nga love kanina pa ako nag hahanap ng mangang hilaw eh." Naka ngiting tugon naman ng dalaga at inalis ang pag kaka lingkis ng tindera sa braso ni Brix. " Ikaw anak may gusto ka ba na fruits, gusto mo ba itong apple." Masayang tanong pa nito sa paslit, mabuti na lamang at hindi ito nag salita kaya si Rein na ang sumagot. "Yes daw po daddy!! Gusto yan ng anak natin, dai paki dagdag na itong limang apple at  limang orange." Laking ngiting sagot naman ng dalaga. At kinuha na ng binata ang wallet sa bulsa upang bayaran ang mga pinamili nito. "LOVE dyan mo na nga ilagay sa sling bag itong wallet ko at ako na mag kakarga sa anak natin." Ani Brix. Nang makalayo sa bilihan ng prutas ay nag ngitian na ang dalawa. "Grabe maka lingkis si ate no?" Turan naman ng dalaga. " Sanay na ako sa mga ganyan, minsan nga matanda pa eh, buti nga dito medyo bata, minsan naman bakla, pag lalahad ng binata. " Ang gwapo mo kasi eh." Sagot naman ng dalaga. " Hindi naman ako gwapo ma appeal lang." Mapag pakumbabang pahayag naman ng binata. " Ang humble mo naman Love." Pang aasar naman ng dalaga dito. "HAHAHAHA." Tanging tugon ng binata. Nag tungo naman kami sa bilihan ng karne,  " Ayyy ang pugi man ni koya." Puna naman ng bakla kay Brix Habang nag pa papungay naman ng mata. " Love anong gusto mong ulam natin mamaya." Tanong naman nito sa dalaga. " Uhm Love, mag sigang naman tayo mamaya, bumili kana din ng pang tinola para sa anak natin, alam mo naman ito mahilig sa may sabaw." Turan ng dalaga ng may ngiti. " Ay Bana mo koya? Ka gwapa din uy, nakaka tumboy man." " Oo day, ka gwapo man jud ng asawa ko no?" Si Rein na ang sumagot sa tanong ng bakla kay Brix. " Gwapa no? Kaya nga mahal na mahal ko ito eh." Buong pag mamalaking turan nang binata sa bakla, at marahang hinalikan naman sa ulo ang dalaga. "Bigyan mo daw ako day ng 1kilong baboy, 1kilong manok, wala bang tawad ito day, ka gwapa mo man, bigyan mo daw bhe ako ng discount. Pambobola naman ng dalaga sa bakla. " Sige na nga day, dahil gwapa at gwapo man kayo, 320 na lang lahat. Hatol naman ng bakla sa tawad ni Rein. " Salamat day." Ngiting pasasalamat ng dalaga sa bakla. Na una ng nag lakad si Rein habang karga si Sam, si Brix naman ang may bit-bit ng mga pinamili nila, dumaan din sila sa grocery store para mamili ng mga kut-kutin. "BABY!! Gusto mo ba ng ice cream? Pag lalambing na turan ni Brix sa paslit. " Yehey!!! ice cream at chaka cake po pls.. " Tuwang tuwa namang pinag masdan ng binata ang paslit. " Ok ice cream and cake." Tuwang tuwang tugon naman ng binata. Matapos namin bilhin ang mga kailangan at mga pagkain nag tungo na kami sa cashier para mag bayad, ini labas na ng dalaga ang pitaka nito, ngunit pinigilan nanaman ito ng binata. " LOVE!! Ako na mag babayad." Pigili nito sa dalaga. " Love, eh este, Brix kanina kapa gumagastos hayaan mo na na ako naman mag bayad nito." Bulong ng dalaga sa binata. " No i wont allow you to pay, pls wag na nating pag talunan pa ito." Pag mamakaawa naman ng binata sa dalaga. " Aaway po kayo?" Bad yun." Pangaral naman ng paslit sa dalawa. " No baby ndi po kami nag aaway." At kinurot naman nito ang pisngi ng paslit. " Pls love wag na natin pag talunan pa ito, baka matakot lang satin yung bata." Pag mamakaawa ni Brix kay Rein. " Ok titigil na ako." Malumanay na pag suko naman ng dalaga. " Wala na ba tayong nakalimutan?" Anang binata. " I think wala na." Tugon ng dalaga. " Andami pala nitong pinamili natin." Puna ng dalaga. "Ok lang yan Love pag hindi naubos iiwan naman natin kay Bella lahat ng ito para may stock sya sa bahay." Pag papalubag loob ni Brix sa dalaga. " Ok then lets go home." Yakag naman ng dalaga. Pumara na sila ng Tricycle, sa loob ang dalawang babae sa likod naman ng driver si Brix. Nang marating nila ang bahay, ay agad namang kinuha ng binata ang mga pinamili nila, tinulungan din naman ito ng driver ng tric na sinakyan nila, kaya naman binigyan nya ito ng tip, na siyang ikinatuwa naman ng driver. " Tita dede po ako." Lambing naman ng paslit. Nang marinig naman ito ng binata ay ito na ang nag presintang mag timpla, nag tata-talon naman ang paslit ng i abot nito ang botilyang may lamang gatas. Masayang- masaya si Brix sa bago nyang karanasan ngayong araw, malaya nyang tawaging love ang dalaga, may bonus pang paslit na animoy anak nila ng dalaga kilig na kilig sya sa isiping, ganito pala pakiramdam ng magkaroon ng sariling pamilya, bigla tuloy pumasok sa isip nya ang usapan nila ng kanyang grandpa, pinipilit nito na bigyan nya na ito ng apo, sa isip nya kung mag kakaroon sya ng anak, gusto nya na si Rein ang maging ina ng mga ito, dahil nasisigurado nyang magiging mabuting may bahay ito. Isa- isang nilabas ni Rein ang mga pinamili at hinugasan ang mga prutas at karne bago ilagay sa ref, tinulungan naman sya ng binata sa mga gawain, bigla nyang na alala ang mga kaganapan sa palengke kanina, napangiti na lang sya ng maalala ang tawagan nila, ganun din kaya sya pag nag karoon ng pamilya, pina nalangin nya na sana, kung mag kakaroon man sya ng sariling pamilya sana kay Brix nalang dahil maayos maayos ito pag nagkaroon ng sariling pamilya, nasa ganoon sya isipin ng biglang sumulpot ang binata sa tabi nya. " Anong iniisip mo love?" Tanong nito sa kanya na ikina pula naman ng dalawa nyang mukha. " hahaha nakak dami kana ng love ahhh.." pang asar nyang tugon sa binata. " Ayaw mo ba? Ah basta!! From now on, LOVE na ang tawag ko sayo." Masayang turan ng binata. " Kung yan ang gusto mo itawag ok lang sakin, LOVE?" Balik nito sa binata. At nag tawanan na silang dalawa, sinimulan na ni Rein mag prepara ng mga lulutuing ulam at nag saing na sya, para sa hapunan nila, maaga na siyang mag luluto upang maaga silang maka pag pahinga, mukhang maaga din kasing matutulog si Sam, dahil hindi ito natulog ng tanghali. Alas sais pa lang ng gabi ay nag hain na sya ng hapunan mabuti na lang ay nalinisan na ng binata ang paslit, mukha kasing inaantok na ang paslit. "Inaantok na ba ang baby? Tanong naman ng binata sa paslit. At tumango lang ito sa binata. " Karga tito, meme na Sam." Pag lalambing naman nito sa binata. Binuhat na nito ang bata at ginaya ang ginawa ng dalaga sa bata, tinapik tapik ito sa likod at marahang hinele, ng makatulog na ito ay dahan- dahang inilapag ito ng binata sa higaan. "Mahirap din palang mag alaga ng bata no?" Saad nito sa dalaga. " Oo lalo na kung bagong panganak pa lang, mayat- maya kang puyat, tapos kasarapan ng tulog mo sya naman pag iyak nila,tapos pag nagka kasakit sila hindi ka nila patutulugin gusto laging karga." Paliwanag nito sa binata. Kuryosong tumingin naman ang binata kay Rein. " Paano ka nga pala natutong mag alaga ng bata?" Tanong naman nito. " Sa pamangkin ni nanay Amy, nag karoon kasi iyon ng post partum, ayaw noon makarinig ng iyak ng sanggol kaya wala kaming nagawa, kaya kinuha namin yung baby, kasalukuyan nasa hospital si nanay Amy nung panahon na iyon, natanggalan kasi sya ng matres ilang buwan din sya sa hospital, si Azhelea at lola Mary ang salitan sa pag babantay kay nanay, at ako naman ang naiwan para mag alaga sa baby.  " Eh asan yung father nung baby?" Kuryosong tanong ng binata. " Hindi namin alam, dumating na lang si ella sa bahay nung malapit na itong manganak, hanggang sa nanganak na nga ito. Dalawang taon naming inalagaan yung bata, akala nga namin hindi na gagaling yung nanay eh awa naman ng diyos gumaling si Ella at pinanagutan din nung naka buntis." Mahabang litanya ng dalaga. " Tulog kana love, gusto mo kantahan kita? At nag sinimulan ng umawit ni Brix, habang  Marahang minasahe ang ulo ng dalaga, at tuluyan ng dinalaw ng antok ang dalaga. Masayang pinag masdan ni Brix ang dalawang babaeng kaharap. Kaya naman na alala nanaman nya ang hiling ng kanyang granda, ngunit hindi nya pa pwede ibigay ang nais nito. Tangin kay Rein nya lang gustong bumuo ng pamliya. Hangang sa nakatulugan nya na ang ganoong pag iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD