Mutual Understanding

1045 Words
    Pupungas pungas pa ako ng magising ako mula sa pag kaka himbing ng tulog, at ganun na lang ang pag ka bigla ko ng mabatid ko ang posisyon ng aking pagkakatulog, naka yakap ako kay Brix at naka gantay sa katawan nya, habang ang ulo ko naman ay naka unan sa kaliwa nyang braso, at ang mga mukha namin ay magka dikit habang naka lagay naman ang kanyang kanang kamay sa braso ko, nagulat pa ako ng mag mulat ito ng mga mata. " Good morning." Kahit pupungas pungas ay nagawa parin nitong ngumiti at bumati. Kaya naman madali kong inalis ang braso at hita ko sa pag kakagantay kay Brix at tumalikod. Batid kong pulang pula ang buong mukha ko dahil sa senaryo ng pakaka tulog ko. " Sorry ginawa pa pala kitang gantayan." Nahihiya kong pag hingi ng paumanhin habang naka talikod kay Brix. Tumawa naman ito ng malakas, dahilan para mas lalo akong pamulahan ng mukha. "Its ok!! Rein ang sarap mo nga katabi matulog eh, sobrang ginaw kasi kagabi at dahil sa gantay at akap mo hindi ko masyado naramdaman yung ginaw, masarap pala matulog dito, pakiramdam ko nga lahat ng puyat ko sa manila ay nabawi kona dahil sa himbing ng tulog ko." Ngiting saad ni Brix. Hindi parin humaharap si Rein dala ng hiya, kaya naman hinatak ito ni Brix paharap upang yakapin ng mahigpit, Nang laki ang mga mata ni Rein sa gulat sa ginawa ni Brix, ngunit wala na syang nagawa kaya pilit nya nalang ikinubli ang mukha sa dib-dib ng binata, upang hindi makita ang pamumula ng kanyang mukha. Muli naman ipinikit ni Brix ang kanyang mga mata, at dinama ang presensya ng pagkakalapit nila ng dalaga at dahan - dahan hinaplos ang likod nito. Dahilan upang muli nanaman sila makaramdam ng antok, sakto alas otso ng umaga ay sabay sila nag mulat ng mga mata, nanatili parin ang pagkakayakap ng dalawa. Nananatili parin ang pag ka ilang sa pagitan nilang dalawa, kaya naman si Brix na ang unang bumasag sa ilang na namumuo sa kanila.  " Good morning, my princess magluluto na ako ng breakfast anong gusto mong kainin? Malawak ang ngiti ni Brix ng gumising sya ngayong araw, dahil mahimbing ang naging tulog nya, at may bonus pang yakap mula kay Rein. Nahihiya namang nag taas ng ulo ang dalaga kay Brix, at tahimik na pinag masdan ang mukha ng binata, habang malalim ang iniisip, ngunit ng mapag tanto nito ang kaswal sa reaction ni Brix ay agad din itong ngumiti. " Tara breakfast na tayo." At nag patianod na sa paghila ni Brix sa kamay nya. Dahil may natirang kanin mula kagabi ay dinurog ito ni Rein upang gawing sinangag. Si Brix naman ang nag luto ng tocino,embotido at itlog.  " pwede na itong isangag." Pag papa alam naman ni Rein sa binata. Kinuha naman ni Brix ang kanin mula sa dalaga at ibinusa na ang bawang na pinitpit nito. Matapos mag luto ni Brix, ay nag hain na si Rein sa lamesa. " Coffee or chocolate?" Tanong ni Rein kay Brix. " Coffee na lang dear." Tugon naman ni Brix. " Heres your coffee and my hot chocolate." Habang inilalapag ng dalaga ang mainit na inumin sa lamesa. Masaya nilang pinag saluhan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa, at nag papalitan ng kanya - kanyang opinion sa mga bagay - bagay, naputol lang ang pag uusap nila ng mag ring ang telepono ni Brix. " Hello dude, bukas na lang dude malakas pa ang ulan dito, ok sige bye." Tugon ni Brix sa kausap nito. Mukhang nabasa naman nito ang reaction ng dalaga, dahil na pa kunot ito ng noo at halata ang kuryosidad sa mukha nito, kaya naman ang binata na ang kusang nag lahad at nag pakilala sa kausap. " Si Winter yun, he asking kung kailan daw tayo susunod sa kanila." Pag lalahad ni Brix sa usapan nila ng kaibigan. " Alam nilang mag kasama tayo?" Tanong naman ng dalaga. " Yes they know, sinabi ko na nakasabay kita papunta dito dahil pupuntahan mo si lola Mary, kaya sinamahan na kita." Pag lalahad ni Brix. " Hindi ba nakakahiya sa kanila? Inabala pa kita ?" Usisa ni Rein kay Brix. " Hindi no!! Isa pa never kang naging abala sa akin, im the one who insisting." Pag papa unawa nito sa dalaga. " Mas mag aalala lang ako kung hindi ako sumama sayo, tapos mag isa ka lang pala dito, hindi mo na naabutan si lola Mary." Paglalambing nito sa dalaga. Kumunot naman ang kilay ng dalaga sa tinuran ng binata at banaag ang kuryosidad sa maganda nitong mukha. " Can i ask you a question?" Balik na tanong naman ng dalaga. " Yes!! Offcourse, anything you want to know, you can ask me." Pag papabatid naman nito sa dalaga. " Why are you doing this to me?" Blankong espresyon na tanong ng dalaga kay Brix. " Ang alin?" Kunot  noong tanong naman nito sa dalaga. " first.. bakit gusto mong samahan ako dito, instead na samahan ang mga kaibigan mo at mag i enjoy ang bakasyon? Second.. bakit ang bait mo sa akin? Third.. if you dont mind, may gusto ka rin ba sa akin? Nararamdaman ko kasi yon, pero hindi ako sigurado doon. Kuryosong tanong ni Rein sa binata. " first.. i dont know, basta ang alam ko mag mag aalala ako kung, pinabayaan kitang mag isang pumunta dito . " Second.. mabait ako sayo dahil, mabuti kang tao, you deserves to be respect and love. " third.. what if kung, oo ang sagot ko?" Natigilan si Rein sa huling sinabi ni Brix, batid nyang may nabubuhay na pag tingin ito para sa kanya. " I already said that to you, na hindi pa ako ready sa ganyang bagay, dahil kailangan ko munang mag focus sa pag aaral, but. Natigilan ito at nag isip muna bago mag salitang muli. " Pwede naman tayong  maging mag kaibigan eh."pilit ngiti nitong sagot kay Brix. Alam ko sa loob ng puso ko, ay may especial na parte dito si Brix, ngunit pinipilit kong i kubli, ayokong may masabi ang mga kapatid ni Daddy sakin, ayokong isipin nila na matapos akong paaralin mag lalandi lang pala ako, pero alam ko rin sa sarili ko na kakaiba ang pakiramdam ko pag kasama mo si Brix, nakakaramdam ako ng kaligtasa at kapanatagan sa tuwing kasama ko sya at halos ayaw ko ng matatapos ang araw na mag kasama kami, dahil nakakaramdam ako ng pangungulila at kalungkutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD