Isang lingo ang sem - break namin kaya napag desisyunan naming mag kakaibigan na pumuntang boracay, upang maka pag relax at maka dalaw na din sa bar na bubuksan namin doon.
Bago pa man kami maka pag pa book ng plane ticket ay naka tangap na ako ng tawag mula sa lolo ko sa america, sinusumpong na naman ito ng sakit sa puso kaya naman nag ready na ako ng mga damit na dadalhin kung sakali mang pauwiin ako ng parents ko sa america para ma convince ang lolo ko na mag pagamot dun, sa akin lang kasi nakikinig ang lolo ko, dahil ako lang ang solo nya'ng apo kaya siguro sabik sya na makita ako.
Kasalukuyan kong kausap ang parents ko sa messenger tumawag sila upang ma convince ko si lolo na mag pa confined sa hospital upang ma monitor ang kondisyon nito at maagapan ang sakit nito.
" Apo miss kana ni grandpa kailan kaba pupunta dito? Mukhang busy ka yata dyan sa mga girls mo eh, marami ba sila?." Masayang tudyo ni Lolo
" Dad hindi naman playboy ang apo nyo eh, stick to one nga lang yan eh." Ngiting turan naman ni daddy.
" Naku anak wag mong uugaliin yang pagiging playboy, kung hindi ako ang makakalaban mo dapat stick to one ka lang, at loyal. Pangaral naman ni mommy.
" Offcourse mom lagi ko po yang tatandaan, takot ko lang sa iyo, hahahahaha." Natutuwang tugon ko naman.
" Mabuti at nagkaka intindihan tayo Brixen Andreus." Buong pagyayabang naman na pangaral ni mommy.
" Apo kailan mo ba bibigyan ng great granchild si Grandpa?" Naninimbang na tanong naman ni lolo.
" Dad bata pa ang apo nyo, wala nga yang nagiging girlfriend eh, tapos hihingan nyo na ng apo." Natatawang sambit ni dad.
" Well before that happen, i have a deal with you grandpa are you agree with this?."
Naka isip ako ng pwedeng deal na gawin sa pagitan namin ni granda upang ma convince ko sya na mag pa gamot.
" then, what is it apo?." Pag uusisa ni lolo.
" I want my child to experience of having a great grandpa, that's why you need to see the doctor first, and have a check on your health. Are you agree with that?." Pang uuto ko dito.
" Ok!! then its a deal." Pag sang ayon naman ni lolo
" Dad, Mom? Kailan nyo dadalhin si lolo sa hospital? Payag na sya mag pa check para makita nya pa ang great grandchild nya sa akin." Ngiting tanong ko naman.
" tatawag na ako anak, para maka pag pa appointment na kami sa doctor." Natutuwang sasaad naman ni Mommy.
" Thank u son for helping to convince your grandpa, malakas ka talaga sa lolo mo."
" Offcourse Dad sa lahat ng apo ni granda ako pinaka love nya eh, right granda?." Natatawa kong saad.
" Syempre naman apo eh! Wala naman akong ibang apo kundi ikaw lang naman eh, kaya no choice ako..hahahah."pang tutudyo naman ni lolo.
" Yung promise mo dont forget, matanda na si granda kaya gusto ko ng makita ang mga apo ko sayo, bago man lang kami magkita ng lola mo." Pag papa alala naman ni Grandpa.
" Dont worry granda promise is a promise." Pagpapa lubag ko ng loob ni lolo.
" Mom, Dad, pupunta po kami sa boracay with my friends, may i oopen po kaming new branch ng bar namin dun. " pag papa alam ko sa kanila.
" Godluck apo mana ka talaga sa lolo mo, basta dont forget pag uwi mo dapat may apo na kami sayo." Pag papa alala naman no lolo.
" I'll try granda." Tugon ko naman.
" Mom,Dad,Grandpa, i have to go now, ilalagay ko pa ung mga things ko sa suitcase ko, bye ingat kayo dyan." Pag papa alam ko sa kanila.
" Bye son mag iingat ka dyan i love you." Mangiyak ngiyak na pag papa alam naman nila sa akin.
*********
Isa- isa ko ng nilagay ang mga gamit ko sa suitcase ko, ang mga importanteng gamit naman ay sa backpack ko nilagay.
Kailangan ko ng mag madali upang mabisita si Lola Mary, nabalitaan ko kasing madalas itong mag kasakit, at tanging mga pamangkin lang ang tumitingin dito, dahil nasa america na si nanay Amy at Azelhea.
Matapos kong masiguro na napatay ko na ang kuryente, at tubig siniguro ko din na naisarado na ng maayos ang bahay ay nag lakad na ako palabas sa guard house, okupado ang isip ko ng mga gagawin at dapat asikasuhin, habang nag lalakad ako palabas, ndi ko napansin ang tao sa harapan ko kaya naman bumanga ako dito, napangiti ako ng mapag tanto kung sino ito.
" Where are you going?" Nag tatakang tanong nito.
" Ahhmmm.. sa aklan ang punta ko." Tugon ko sa tanong nya.
" Really?? Doon din ang punta ko eh." Ngiting pag lalahad naman nito.
" Anong sasakyan mo Rein papuntang aklan? " kuryosong tanong nito.
" Mag eeroplano ako para mabilis." Sagot ni Rein.
" May ticket kana ba?." Tanong naman ni Brix.
" Uhm doon na sana ako mag papa book sa airport eh, tugon ko naman sa tanong ni Brix.
" Pareho pala tayo, lets go para maka pag pa book na tayo ng ticket natin." Pag yayakag naman ni Brix.
Ng marating na namin ang naia terminal 3 ay agad kaming nag tungo sa bilihan ng ticket, bago pumunta sa witing are ay kumain na muna kami.
" Brix!! ako na magbabayad nitong food natin ahh, ikaw na nga nag bayad sa ticket ko eh nakakahiya na sayo." Nahihiyang saad ko kay Brix.
" Ano kaba Rein, wag ka ng mahiya sakin magkaibigan tayo kaya walang kaso sakin yung mga ganyan. Si Brix.
" Baka isipin mo oportunista akong tao ahhh, ayoko kasing may masasabi sa akin." Pag papaunawa ko kay Brix.
" Dont say that Rein hindi ako nag iisip ng ganyan sayo, masaya kasi ako dahil may kasabay akong pumunta sa aklan, ako na lang kasi na iwan dito, andun na mga kaibigan ko, kaya naman nung nalaman kong iisang way lang pala ang pupuntahan natin masaya ako at least hindi ako ma bobored dahila kasama kita. Saad ni Brix.
" Thank you very much Brix, i owe you a lot." Ngiting pag papasalamat ko kay Brix.
" Gusto mo samahan kita sa pupuntahan mo?" Tanong ni Brix kay Rein.
" Wag na Brix, baka maabala pa kita sa lakad nyo ng mga kaibigan mo, ok lang naman ako eh," paninigurado ko kay Brix.
" I insist Rein, isa pa puro inom lang naman gagawin ng mga friends ko dun eh, lalo na si Zanthy, ndi pa sya naka ka move on sa break up nila ni Lora, for sure kawawa nanaman ang atay ko dun, kaya sasamahan na lang muna kita. " pag papa awa ni Brix habang kinukumbinsi si Rein.
" Sige na nga, ikaw naman nag bayad sa ticket ko eh, para ma save din natin yang kawawa mong atay." Pag sang ayon ni Rein.
Napangiti ng malapad si Brix, dahil pumayag si Rein sa gusto nya at sya na ang nag dala ng mga maleta ng dalaga.
" Lets go Rein baka hinihintay na tayo ni lola Mary." At nag patiuna na ito sa pag lalakad.
Napa iling na natatawa na lang si Rein kay brix, nag patiuna pa ito sa pag lalakad na wari moy alam ang pupuntahang lugar.
" Ahm, Brix alam mo ba yung pupuntahan natin?" Nangingiting tanong ni Rein kay Brix.
" Ah, eh, Hindi." Natatawang tugon naman ni Brix.
" Pero kung makauna akala mo alam yung pupuntahan". Mapanuyang tugon naman ni Rein na naka ngiti ng malapad.
" Bilisan mo na kasi." Lambing ni Brix at hinila na nya sa kamay ni Rein, habang inaalalayan sa pag sakay sa bangka.
Pag dating namin sa bahay ni Lola Mary, tanging apo sa pamangkin na lang ang naabutan namin sa bahay nila, hinanap ko si lola Mary ngunit wala pala ang matanda sa bahay, iniluwas daw sa maynila ng pamangkin upang maka pag pa check up, dahil mag gagabi na namin narating ang pakay namin kaya naman dito na naming napag pasyahan na mag palipas ng gabi, subalit isang higaan lang ang meron dito,
Mas maliit ito kesa sa bahay na inupahan namin dito noon, dahil dito ako namalagi mula grade school nag decide sila Mom and Dad na ikuha kami ng bahay na uupahan malapit sa school namin ni Azhelea, mag mula ng umalis na ako dito ay bumalik na si lola Mary at Azhelea, sa bahay ni lola Mary at dahil dalawa lang silang nakatira dito ay sa iisang kama lang sila natutulog.
" Kumain na muna kayo ate Rein." Paanyaya ni Bella apo ni lola Mary sa pamangkin.
" Salamat Bella, ang laki laki mona last time i saw you nasa high school ka pa lang, hangang balikat pa lang kita noon, look at you now bka mas matangakad kana sakin sa susunod na magkita tayo." Ngiting sabi ni Rein.
" Oo nga ate pero ikaw ate mas lalo kang gumanda at sumexy." Pangungulit naman nito. "Boyfriend mo ba iyang kasama mo? Ang pogi ate naku!! Bagay na bagay kayo." Kinikilag pang tudyo nito.
" Ssshhhhh, ikaw talagang bata ka madaldal ka parin, baka marinig tayo." Bulong ko naman kay Bella.
" Yung totoo ate bf mo ba si kuyang pogi?" Tanong ni Bella habang itinataas baba yung dalawang kilay.
" Hahahaha ikaw talaga ang cute cute mo parin." Kurot ko naman sa pisngi nito.
" Aray ate joke lang naman yun eh." Haplos naman nito sa pisngi na kinurot ko.
" Tara na nga kumain na tayo, mukhang masarap yang niluto mo ahhh." Inakbayan kona ito para yakagin na mag tungo sa lamesa.
" Masarap naman talaga ako mag luto ate eh, Kailangan ko yan dahil HRM ang kurso ko." Kumpyansang saad naman nito.
" Kuya pogi halika na kumain na tayo, dito kana maupo sa tabi ng ate kong maganda." Pang aasar naman nito.
Lumapit na si Brix sa gawi namin, at sumabay na sa amin sa hapag, sinigang na hipon at buttered shrimp ang ulam namin, napadami kami ng kain dahil masarap naman talaga ang pagkakaluto ni Bella dito.
Matapos naming mag hapunan ay si Bella na ang nag ligpit ng pinag kainan, lumapit ako kay Bella upang itanong kung asan nakalagay ang mga extra pillow,kumot at towel.
" Ate Rein andito yung mga kumot at unan andito naman ung towel, mga bagong palit ang mga ito, dito na kayo matulog ni kuyang pogi, dun kasi ako matutulog sa bahay ng classmate ko, gagawa pa kasi kami ng project para bukas eh." Bigla akong pinag pawisan ng malamig sa sinabi ni Bella, dalawa lang kami ni Brix sa iisang higaan sa iisang bahay.
Nanlaki ang mga mata ko sa isiping iyon, dalawang single na sofa lang ang meron sa sala's, it means no choice kundi ang matulog kami sa iisang bed, mabuti na lang at medyo malaki ang bed ni lola Mary.
" Ate kuya pogi aalis na po ako, kayo na po muna ang bahala sa bahay ni lola." Pag papaalam nito.
"Kuya Brix, Bella ya ang pangalan nya." Pag papakilala ko naman kay Brix.
" Ok ate and kuya Brix aalis na po muna ako, sya nga pala ate may egg,embotido at tocino dyan sa ref, may tinapay naman dito sa cabinet, may coffe at chocolate din, kayo na lang bahala kung anong gusto nyong kainin." Pag papa alala pa nito.
"Oh sya sige na kami ng bahala dito, mag iingat ka, ito nga pala oh pamasahe mo mag pa service kna ng tricycle at gabi na din."
Umaliwalas naman ang mukha nito, namimilog ang mga mata at buong ngiting, tinanggap ang perang binigay ko.
" Thank you ate, may pa pocket money kapa talaga sa akin." Tuwang tuwa naman itong umalis ng bahay.
Naiwan kaming dalawa ni Brix, at katahimikan ang namayani sa buong kabahayan.
Pumasok na ako sa silid na tutulugan namin upang i ayos na ang hihigan namin.
" uhmm, Brix ito nga pala yung unan at kumot na gagamitin mo, pag pasensyahan mo ito lang kasi yung higaan dito eh. Nahihiyang turan ko naman kay Brix.
" Ok lang ako Rein dont worry hindi naman ako maselan eh, ikaw ba ok lang ba sayo kung dito din ako matutulog sa kama na ito?" Balik nyang tanong sa akin.
" Oo naman alam ko namang goodboy ka eh, isa pa wala naman tayong pag pipilian dahil ito lang yung maari nating, pag pahingahan dito. " nahihiya man ako sa iisipin nya ngunit wala naman kaming pagpipilian na dalawa.
" Mauna ka na mag cr para maka pag pahinga kana din, i know your still tired." Malambing nitong saad.
"Ok." Nginitian ko naman sya bilang pag sang ayon.
Lumabas si Rein sa cr na suot na ang kanyang pantulog, si Brix naman ay buo ang atensyon sa kanyang cellphone, nag taas lang ito ng tingin ng makitang lumabas na si Rein sa cr.
" Brix ikaw naman mag cr, may liquid soap dyan at shower gel at shampoo andyan na din yung towel, ikaw na lang bahala kung anong gagamitin mo." At nginitian ito.
" Ok mag quick shower lang ako, thank you Rein." Ngiting sagot naman ni Brix.
"HALA!! UMUULAN!! Naku malamig nanaman mamayang madaling araw nito, mapapasarap nanaman tulog ko nito." Kausap ni Rein sa sarili.
Matapos mag patuyo ng buhok ay humiga na si Rein sa kama, sya namang pag labas ni brix sa banyo, kumunot ang noo nito ng marinig ang malakas na patak ng ulan sa bubong.
" Umuulan?" Gulat na tanong nito.
" Oo nga eh umuulan, Sana tumigil na para bukas maka pag ikot ikot naman tayo no?"
Tanging ngiti lang ang tugon ni Brix sa tinuran ni Rein.
Maya maya pa ay humiga na si Brix sa kabilang parte ng higaan, at masaya itong nakipag usap kay Rein sa mga bagay bagay sa kanilang buhay.
Nakaramdam naman ng awa si Brix sa sinabi ni Rein.
" How did you say that? Baka naman feeling mo lang na ayaw sayo ng mga kapatid ng dad mo." Mapanuyang tanong ni Brix kay Rein.
" Ayaw talaga nila sakin, bata pa lang ako mas pinag tuunan na sila ng atensyon ni mommy at daddy, para makarating sila sa england.
Na iintindihan ko naman si mom at dad, alam mo ba pag nasa bahay namin yung mga kapatid ni daddy, halos hindi nila ako kini kibo, yung car na gift ni dad nung 18th birthday ko kinuha ng tita ko para ipa gamit sa anak nya, pero sakin naka pangalan yun at alam naman ni tita na kailangan ko yun para hindi na ako mag commute, narinig ko din silang mag kakapatid nanag uusap, yung bahay daw namin sila daw ang mas may karapatan doon, kesa sa akin, kaya nga hindi ako nag eentertain ng manliligaw dahil ayokong may masabi sila sa akin, ipapakita ko sa kanila na magtatapos ako ng pag aaral, kahit puro pang huhusga at pang aapi ang ginagawa nila ay hinayaan ko na lang.
Kaya nga mas pinili ko na lang tumira kay nanay Amy dito sa aklan, mabuti pa si nanay Amy maganda ang trato saakin, hindi nya ako tinuring na iba, ayoko naman sabihin sa parents ko dahil ayokong mag kagulo silang mag kakapatid ng dahil lang saakin, Nangingiyak na pag lalahad ni Rein ng hinanaing nya.
" Wag kana ma sad marami naman kaming nag mamahal sayo eh, nakita mo ba itong muscles ko na ito? Hindi sila uubra dito Rein." Ngiting tugon naman ni Brix upang palubagin ang loob ni Rein.
Napangiti lang ang dalaga sa sinabi ng binata.
Na una ng dinalaw ng antok si Rein, habang si Brix ay gising na gising pa ang diwa.
Nalungkot ako sa pahayag ni Rein, hindi ko akalain na ganun pala ang naranasan nito sa sariling pamilya, " mula ngayon hindi ko na hahayaang may manakit sa yo Rein, hangang andito kao walang pwedeng manakit sayo." Pangako ni Brix sa sarili nya na poprotektahan nya ang dalaga mula sa mga taong mananakit dito.
Ilang minuto na akong mulat, hindi ako dinadalaw ng antok marahil sa pag iisip ko sa sitwasyon ni Rein, napa singhap ako ng makita kong gumalaw si Rein, bigla itong namaloktot ng higa, mukhang giniginaw ito dahil sa lamig ng simoy ng hangin na nag mumula sa labas, malakas parin ang ulan sa labas na nagdudulot ng ginaw na dumadampi sa balat namin ni Rein, hindi pa ito na kuntento at kinuha ang unan nito sa ulo, at niyakap ng mahigpit.
" Dati tinatanaw lang kita ng lihim Rein pero ngayon katabi na kita." Bulong ng binata kay Rein.
Mas lalong tumindi ang kabog ng dib-dib ni Brix ng, sumiksik ang dalaga sa tabi ni Brix kaya naman nilahad ni Brix ang kamay nya upang mag silbing unan ng dalaga.
Dahilan upang malanghap ni Brix ang naturang amoy ng dalaga, kakaiba ang dulot ng halimuyak ng dalaga, sumusuot sa kaibuturan at dag dudulot ng kakaibang pakiramdam, mas lalong nilanghap ni Brix ang halimuyak na nag mumula kay Rein, at nag dudulot ito ng kaginhawaan sa kanyang pakiramdam, mas na relax sya, kaya naman bigla nya nalang naramdaman ang antok na kanina pa nya nais madama at unti-unti nya ng ipinikit ang kanyang mga mata.