Mas madalas ngayon umuwi si Brix sa bahay nila kesa, mag uwian sa kanyang condo unit na malapit sa paaralan nila.
batid nya ang kalungkutan at pag iisa ng dalaga, kung kaya madalas nya'ng tanawin ito mula sa bintana ng cr ng kwarto nya.
Maya't maya ang pag silip nya dito, tumitigil lang sya pag nakita nya ng naka patay na ang ilaw sa kwarto ng dalaga,.
Ilang araw nya na itong na papansin na umuuwi agad pag galing sa eskwelahan na pinapasukan nila, hindi sya nakikita ng dalaga dahil tinatanaw nya lang ito mula sa malayo.
Matagal nya na kasing gusto ang dalaga, kaya nalungkot sya ng malaman na sa probinsya ito mag aaral ng elementarya at laking tuwa nya naman ng malaman na dito na mag papatuloy ng kolehiyo ang dalaga.
Na alala nya pa nung unang araw nito sa school muntik na itong tamaan ng bola ng basket ball, kaya naman buong lakas nyang sinalo ang bolang tatama sana sa dalaga.
sumagi din sa alala nya noong P.E class din nila kararating lang nya sa lugar ng makita nyang kumakawag ang dalaga habang nasa gitna ng swimming pool, sumunod kasi ito sa mga classmate na lumalangoy papunta sa malalim na parte at iniwan na lng ng mga ito ang dalaga ng walang pasabi.
muntik ng malunod ang dalaga ng mabatid na hindi na abot ng mga paa nito ang ilalim ng kinalalagyan kaya naman hindi na sya nag dalawang isip at agad na tumalon kahit hindi pa nakaka pag bihis ng damit pang ligo, kaya ang ending tinawagan nya ang mga kaibigan upang dalhan sya ng tuyong damit na pamalit sa pag uwi.
Ilang araw ng nag mumukmok si Rein sa loob ng bahay nila, masyado syang apektado sa pag alis ni nanay Amy at ng anak nitong si Azelhea, ngayon lang kasi sya mapapahiwalay sa nanay Amy nya, napa isip naman siya sa biglang pag tunog ng door-bell, wala sya'ng ina asahang panauhin sa mga oras na iyo,
" Alas otso na ng gabi, sino naman kaya ang pupunta ng ganitong oras, wala naman akong inaasahan na bisita."
Dali dali nya tinungo ang pintuan upang buksan,
Laking tuwa nya ng mabungaran ang kaibigang si Lora sa harap ng gate nila.
" Hi Rein kumusta ka naman dito?" Bungad na tanong nito.
" Oh!! hi Lo, ikaw pala yan" balik na turan naman nya.
" Tara sama ka samin para malibang ka naman." Pag aanyaya nito sakanya
" Huh!! Eh kasi." Hindi nya maisip ang sasabihin sa dalaga.
" Ooppss!! Anong kasi-kasi ilang araw ka ng nag mumukmok dito, nag aalala na ako sayo!!
school bahay ka nalang palagi.
Alam kong nalulungkot ka parin sa pag alis ni nanay Amy but why don't you come with us instead? hindi ka nag iisa Rein andito ako kaya tama na yang pag mumukmok mo dito, kasama naman natin yung mga kaibigan natin andun na si hummy at si leilah na una na dun, that's why im here dahil pina susundo ka nila."
" Ok wait for me, mag bibihis lang ako." Pag mamadali ni Rein sa paanyaya ng kaibigan.
Pumasok na sila sa loob at doon na hinintay ni Lora si Rein, katatapos lang ni Rein maligo ng dumating si Lora kaya tanging pag bibihis na lang ang gagawin ng dalaga, pag katapos ma isara ang buong bahay ay nag lakad na sila palabas ng nasabing lugar at pumara ng taxi.
Nang marating na nila ang lugar na napag kasunduan nilang tagpuan ay pumasok na ang dalawa sa loob ng bar.
" Andito na pala kayo tatawagan kona sana kayo eh." Saad ni Hummy sa kanila.
" Kumpleto na pala tayo guys, dun tayo sa medyo may privacy para makakapag chikahan tayo ng maayos." Yakag naman ni Lora sa kanila.
Agad namang may lumapit na waiter sa kanila upang kunin ang order nila.
Umorder sila ng 2 bucket ng beer, 1 platter ng calamares at 2 order ng sizzling sisig.
Masaya silang nag iinuman ng nagka ayaan silang pumunta sa stage upang sumayaw, hinawakan sya ni Hummy sa braso kaya wala na syang nagawa kundi ang mag patianod sa kaibigan, si Lora naman ay biglang nawala sa paningin nila.
Hindi sanay si Rein sa mga ganitong party kaya naman nagulat sya ng may gumitgit mula sa likuran patungo sa harapan nya at hinawakan ang kanyang tagiliran.
Naiilang sya sa ginawa ng lalaki kaya inalis nya ay kamay nito sa bewang nya, napa singhap naman sya ng ilapit nito ang mukha sa maukha nya at tinitigan sya ng nakaka pang akit, hindi pa ito nakuntento at bumulong sa tenga nya, kaya napa singhap sya ng madama ang init ng pag hinga nito na dumapo sa tenga nya.
" Hi!! Diba ikaw si Rein?"Ngiting saad nito.
Napa kunot naman sya ng noo at nagulat sa sinabi nito, nag tataka sya kung paano nalaman ng lalaki ang pangalan nya.
" How did you know my name?" Balik nya sa binata.
Humalakhak lang ito at muling inilapit ang ulo sa tenga nya at muling may ibinulong.
" Can i invite you to my place?" Mapang akit na turan naman nito.
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ng binata, batid nya'ng hindi maganda ang pakay nito sa kanya, aalis na sana sya ng bigla sya nitong hawakan sa kamay.
" Ang suplada mo pala, pa hard to get ?... yan ang gusto ko sa babae." Napang asar na saad nito sa kanya.
Nag pumiglas sya sa pag kakahawak ng lalaki, hahawak pa sana nito ang mukha nya ng may humawak sa mga kamay nito.
" Let her go." Ma autoridad at seryosong tono ng nag salita.
At pumagitna ito sa harap nila ng lalaki, naka harap ito sa lalaking walang modo at tinulak ito.
" don't you dare to touch her, even her finger tips, i swear manghihiram ka ng mukha sa aso." Ma autoridad na pag kakasabi ng binata habang nakikipag sukatan ng tingin sa lalaki.
nanlaki ang mata ng naturang lalaki at nag yuko lang ito ng tingin, Humarap naman sa akin ang lalaking kararating lang.
" Are you ok?"
Tinignan ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin, bakas sa mukha nito ang pag aalala.
" Yes im ok, thank you." Tanging tugon ko
" Asan ang kasama mo?" Tanong nito sa akin.
" Andito lang sila kanina eh." Habang palinga linga sa buong stage.
*******
Sa di kalayuan ay na aninag ko ang dalawang babaeng papasok sa bar, kilala ko ang mga ito kaya naman sinundan ko ito ng tingin.
Mula sa malayo at ng mag tungo ito sa stage para sumayaw ay pansin kona ang grupo ng mga kalalakihan na kung todo ang ngiti papalapit sa kinaroroonan ni Rein.
Nakita kong unti unti nilang nilalayo si Rein sa mga kasama nito, agad naman akong lumapit sa kinaroroonan ng mga ito, batid kong may hindi magandang bina balak ang mga ito,
Narinig ko rin na may pag tingin pala ang lalaking lumapit dito. Ito yung lalaking madalas kasama ni Vanessa hindi ko nga lang alam ang pangalan nito ang alam ko lang ay rivalry sila ng grupo namin sa school.
Mula sa stage hinatak ni Brix yung kamay ko papunta sa inupuan namin ng mga kaibigan ko, wala pa ang mga kaibigan ko sa upuan mukhang nag eenjoy pa sila sa pakikipag sayaw, samantalang si Lora naman ay galit na galit at laking gulat namin ng sampalin nito ang kasintahang si Zanthy.
Napa pikit kami ng lumapat ang mga palad nito sa mukha ng binata.
" Ouch." Nangingiting tugon ni Brix.
Ako naman ay hindi pa maka huma sa ginawa ng kaibigan ko kaya naman dali dali kong dinaluhan ito upang pigilan.
" Dude what' s the problem?" Tanong ni Brix sa kaibigan.
" Nakita nya akong hinalikan ni tracy, hindi ko naman alam na gagawin sakin yun ni tracy eh." Pag papaliwanag ni Zanthy.
" Kanina pa ako nag memessage at tumatawag, kung asan ka ba dahil pupunta nga kami dito.
hindi ka naman nag rereply hindi ka din sumasagot sa tawag ko, tapos andito ka lang pala, mabaliw baliw na ako kakahanap at kaka isip, kung hindi pa ako nag punta dito hindi ko pa malalaman na andito ka lang pala at may kahalikang babae, kaya pala nakikipag hiwalay kana." Galit na tugon ni Lora.
" What?, ako makikipag hiwalay sayo? Kanina pa ako nag hahanap sa phone ko, nagulat na lang nga ako ng biglang sumunod si Tracy sa akin dito, from school. akala ko kasi dito ko, naiwan yung phone ko pero alam ko kanina sa school dala ko yun, after namin mag practice hindi ko na nakita yung phone ko, nag tataka nga ako kasi fullcharge un pero, un atended na." Pag lalahad ni Zanthy.
" Ano itong message mo sakin? Look !! nakikipag break kana dahil boring ako?
Nag rereason out ka pa dahil plan mo na talagang makipag hiwalay diba?.
Well for your information i saw you together last night, sabay kayong umalis ng school at kumain sa labas, then i followed you secretly, nung tinawagan kita para tanungin kung asan ka, anong sabi mo nasa condo kana?
Ito pa dahil sa pakikipag flirt mo hindi mo alam nasa likod mo lang ako. Ano Zantino mag salita ka?, ang sweet sweet nyo pa nga eh." Gigila na pag lalahad na pahayag naman ni Lora.
" Wa- What? Andun ka ?,, i- i'm sorry babe hindi ko na sinabi dahil alam kong magagalit ka, hindi ko din alam na dalawa lang pala kaming kakain sa labas, sabi nya kasi birthday nya daw at dun na lang daw kami magkikita ng ibang mga friends namin." Na uutal na saad naman ni Zanthy.
" Kahit na, nag sinungaling ka pa rin sakin." Sarkatikong tugon naman ni Lora habang naka taas ang isang kilay.
" YOU KNOW ME VERY WELL ZANTINO, kung kaya mong maki pag gag*han, kaya ko din ito tandaan mo hindi kita pag aaksayahan ng panahon, wala ka din pinag iba sa Daddy ko." Seryosong pag papahayag ni Lora.
At malalim na bumuntong hininga bago mag salitang muli.
" Let's break up, ayoko ng ganitong klaseng relasyon, ayoko sa mga taong manloloko."
" What!!! No babe.. pls don't do this to me. Pls babe.. pls, Im really!! really!! sorry for what ive done but please, i beging you wag naman ganito, i love you very much babe, you know that, pls babe don't break up with me, please babe." Pag mamakaawa ni Zanthy kay Lora habang naka luhod.
" GUYS!! much better if you two, will go upstairs, pinag titinginan na tayo ng mga tao dito, let's go."
Putol sa kanila ni Brix.
Isa isa ng nag si si lapitan ang mga kaibigan naming sila Zi,Nic at Winter.
" Dude what happen?" Tanong ni Nic kay Brix.
" Let's go, Rein punatahan na natin sila para maka alis na tayo." Si Lora kay Rein.
" Dude hayaan mo na muna syang mag isip, ako na kakausap sa kanila much better na andito sila, atleast dito nakikita natin kung anong gagawin nila, baka kung sino nanaman lumapit sa kanila pag umalis sila dito, at lumipat ng ibang place. " Si Brix kay Zanthy.
" Mabuti pa nga siguro kung dito sila, i saw Rein together with that assh*le jerry, nilapitan nya si Rein kanina, wala akong tiwala sa pag mumukha ng mga yun dude, kaya bantayan mo yang Rein mo." Pag papa alala ni Winter.
" That's enough dude, let her, to think first. Malay natin bukas mag memessage na yan sayo, at sabihin it's a prank , all we need to do now is bantayan na lang sila para walang maka lapit na boys. " Ngiting pang aalo naman ni Zi
" Youre right dude, andito pa naman yung mga assh*le, target na nga ni Jerry si Rein kanina, buti na lang mabilis ang mga mata ni Brix." si Nic naman.
Sinundan ko ang magkaibigang Rein at Lora, " Hey girls saan kayo pupunta, will you please just stay here, don't worry Lora hindi ka naman lalapitan ni Zanthy, pinag sabihan na namin sya na hayaan kana munang maka pag isip." Paliwanag ni Brix kay Lora.
Lumapit na din ang mga kasama namin at sabay sabay na kaming na upo sa kaninang pwesto namin.
Hindi na ako umalis sa tabi ni Rein, mahirap na baka lumapit nanaman yung grupo ng mga assh*le.
Panay lang ang sulyap sa amin ng mga kaibigan ko, bakas ang lungkot sa mukha ni Zanthy at panay sulyap lang ang ginawa nito kay Lora.
*************
Walang , ka alam alam ang mga kaibigan namin sa namagitan kay Lora at Zanthy kanina, at dahil, ito ang kauna unahang bonding namin sa bar na kumpleto kami sinamantala na namin ang gabing ito.
Hindi ako madalas sumasama sa kanila, hindi din naman ako pala inom at ayoko ng maingay, kaya madalas si Hummy at Leilah lang ang nag pupunta sa bar.
Hindi na din namin pinag usapan ang nangyaring pag hihiwalay ni Lora at Zanthy, kilala ko ang kaibigan ko matapang syang babae kaya malalagpasan din nya ang sakit na nararamdaman nya ngayon.
" Lasing na yata ako Rein." Bulong ni Lora.
" Gusto mo uwi na tayo?" Balik kong tanong sa kanya.
Ngumiti lang sya at umiling sakin, akala ko ay aayain nya na ako pauwi.
Pero laking gulat ko ng mag order pa sya ng isa pang bucket ng beer, nakaka dalawang beer pa lang ako dahil iniinom ni Brix ang beer na binibigay nila sa akin.
Nag abot ulit si Hummy ng beer sa tapat ko, pasimpleng kinuha ito ni Brix at ginawaran ako ng isang kindat nginitian ako.
" Uhm! Brix its ok i can drink beer, baka kasi maka halata ang mga kaibigan ko na dinadaya ko sila, mag tatampo yan sakin for sure." Bulong ko kay Brix.
" Are you sure you can drink?" Tanong naman nito.
" Yes i can." Kinindatan ko din sya pabalik at nginitian.
" But if you dont want to drink, then dont force your self is that ok with you Rein?
Nag taas lang ito ng daliri habang umiinom at sumenyas ng approve, first time lang namin uminom ni Rein ng magkasama, hindi ko kasi ito makikitang uminom ng alcohol, kaya naman ina alalayan ko sya na huwag mapa sobra ng inom.