DISCLAIMER:
Ang kuwentong ito ay hango lamang sa kathang-isip ng sumulat. Ang mga pangyayari, tagpuan, at tauhan ay parte lamang ng imahinasyon at hindi sa tunay na buhay. Ang lahat ay pawang ginawa lamang upang magbigay aliw sa mambabasa.
Ang ideya ng kuwento ay pawang kuro-kuro lamang. Impormasyon at mga sitwasyon ay mula sa isang masidhing pag-aaral ng sumulat upang mas mabigyan pa ng kulay ang kuwento.
TUNGKOL SAAN ANG KUWENTONG ITO?
Ito ay tungkol sa isang historikal na kuwento kung saan naging malaya na ang mga Pilipino sa mananakop. Akala ng lahat ay iyon na ang simula ng pagbabago, bagamat may naglabas ng mga dokumento na siyang muling magpapasimula ng hidwaan sa pagitan ng tulisan at mga armadong guwardiya sibil.
Mayroong Isang manunulat na nagtago sa maskarang hindi siya makikilala ng sinuman. Siya nga ba ang dahilan sa lahat ng kaguluhang magaganap o ang tatapos sa huling kabanata ng kuwento?
AUTHOR'S NOTE:
Maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa akin bilang Binibining Vera. Ito ang bagong kuwento na magpapahayag ng isang makasaysayang kuwento. Sana ay inyong tangkilikin at magustuhan. Sa aking paglalakbay bilang manunulat, maraming salamat dahil hindi niyo ako iniwan.
Padayon! Keep safe & God bless. Mahal ko kayong lahat!❤️