PANIMULA

223 Words
Third Person POV “INA, bakit ang daming namatay noong 1957?” tanong ng isang batang babae habang binabasa ang nakasulat sa pahayagan. Hindi na pinakinggan pa ng isang matandang lalaki ang kanilang usapan. Muli siyang napaharap sa kalendaryong nakadikit sa pinto. Ilang taon na pala ang nakalilipas simula noong inilabas ang libro, ito ay binuo ng isang dalaga. Mula sa kaliwa, mayroong maliit na kahong na sa ilalim ng lamesa. Kinuha ito ng matandang lalaki at binuklat ang mga lumang nakapaloob ditong mga papel. Maya-maya ay may namuong luha sa kanyang mga mata habang binabasa ang nakasulat. “Ang kadiliman ng gabi ay hindi na magsisilbing panakot kung hindi isang kapahingahan sa taong napapagod. Hindi na rin tahimik ang paligid sapagkat napupuno ng paghikbi ang bawat sulok ng silid,” May kumatok sa pinto kung kaya’t agad niyang pinunasan ang mga luha bago humarap sa pumasok. “Padre, magsisimula na po ang misa,” paalala ng sakristan. Tumango naman ang matandang lalaki bilang sagot. Bago siya lumabas ng silid, humarap siya sa isang libro. “Ang iyong kuwento ay tuluyang magtatapos at ang huling kopya nito ay aking itatago. Ipagdarasal kong maranasan mong maging masaya, ang pakiramdam na ipinagkait sa’yo,” Tuluyan na niyang ipinasok ang mga papel at ang libro sa loob ng kahon bago tuluyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD