Chapter 19

4016 Words
" Julian anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Kristine ng makasalubong nito si Julian pagkatapos niyang lumabas sa banyo ng mga babae. "Huh? magsiCR ako " Seryoso pa nitong sagot pero natahimik siya ng mapansin ang banyo ng mga babaeng kinatatayuan niya. " But it's ladies rest room" Pagtawa rito ni Kristine kaya pilit rin siyang tumawa para hindi halatang dapat talaga dito ang ginagamit niyang rest room. " Pasensya na " alanganin pa nitong ngiti " sige mauna na ako" Pagpapalam nito pero natigilan siya ng pigilan siya nito. " Umamin ka nga Julian? " Pagtaas nito ng kilay rito kaya napalunok ito bigla sa kaba. " A-anong aaminin ko? " " Ano nga ba? alam mo naman yon o baka gusto mong itanong ko pa talaga sayo ng diretsahan" Pagtitig niya rito. "Anong ibig mong sabihin? " Kinakabahan nitong tanong " MAAARI KAYANG NABOKING NA AKO NI KRISTINE? ISA NGA PALA SIYANG BABAE KAYA HINDI MALABONG MAHALATA NIYA AKO" Namutla ito bigla sa mga naisip niyang posibleng dahilan ng mga sinasabi ni Kristine. " Alam mo pagnahuli ka ng school siguradong talsik ka rito" Pananakot pa niya. " Talagang bang alam mo na ang lahat?!" " Oo at matagal na!" Napaatras naman si Julian sa sinabi ni Kristine. " P-pero paano?" " Alam mo kasi crush kita BUT!!! mahal ko si Aethan para klaro so yon na nga since crush kita palaging nasayo ang mata ko then, palagi kitang nahuhuling nagpupunta rito tuwing wala ng masyadong tao sa labas ng school" " K-kung ganon bakit hindi ka pa nagsusumbong?" Nawala na talaga ang dugo ni Julian sa buong katawan niya sa mga sinabi ni Kristine, ang pinakatatago tago niyang sikreto matagal na pala itong buking. " At bakit naman? Crush lang kita at wala akong balak manira ng buhay ng may buhay at saka masaya ka naman sa kanya sa tingin ko" " Huh, anong ibig mong sabihin?" Nagugulohang tanong ni Julian. " Wag ka daw pa inosente diyan tayo lang naman nandito" Pagtusok pa niya sa tagiliran ni Julian kaya nagtataka itong napatingin rito. " Alam mo hindi kita maitindihan" " Fine! who's the lucky girl?" Makulit nitong tingin rito kaya doon na rin siya nakahinga ng maluwang. " Lucky girl?" Pagtawa pa nito " AKALA KO ALAM NA NIYA ANG TUNGKOL SA PAGKATAO KO PERO GANITO RIN YONG NANGYARI SAAMIN NI AETHAN AH! DAPAT SA SUNOD HINTAYIN KO NA MONANG MASABI NILA ANG NASA ISIP NILA MUNTIK NA NAMAN AKONG MABUKO NG GALING MISMO SAAKIN KUNG BAKIT KASI ANG DALI KONG KABAHAN" " Baliw! sige mauna na ako" Pagpapaalam nito habang tumatawa. "Baliw? E siya nga itong tumatawa ng walang dahilan, oyyyy! Julian sino nga? " Sigaw pa nito pero hindi na siya liningon ni Julian at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. " Okay naman ang mga hitsura ng mga tao rito kaya lang iba sila mag isip yong tipong hindi mo maiisip, akala ko talaga naboking na niya ang sekreto ko " Pagsasalita nitong mag-isa. "Anong sekreto mo?" At natigilan na naman siya ng marinig niyang magsalita sa likod niya si Aethan. " Oo nga Julian ano yon? " Tugon pa ni Grey dahan dahan naman siyang tumingin sa kanila at hindi siya makapag salita ng nandoon rin sina Leo, Jeremy, at isang babaeng kakalase nila. "Sekreto?" Kinakabahan nitong pagtingin sa kanila at ayaw lumarga na naman ng utak niya basta sekreto lang ang paikot-ikot sa utak niya. "Ano ba kayo pagsinabi ni Julian ang sekreto niya hindi na yon magiging sekreto" Pag-akbay rito ni Jeremy habang nakangiti. " Tama si Jeremy" Pagngiti nito sa kanya pagkatapos kumalma nang sumang-ayon silang lahat. " E kayo, saan kayo nang galing at bakit magkakasama kayo? " "Sa faculty kami may inutos si Sir Dem samin nila Grey si Nika naman(yong babaeng kasama nila) kinuha niya ang listahan ng grupo natin kay Ma'am Villasore hindi daw kasi siya makakapasok at si Aethan nag meeting sa mga teachers bilang SSG president sa paparating na exam natin" Pagpapaliwanag ni Jeremy. " E ikaw san ka galing?" Tanong rito ni Aethan. " Sa banyo " Natigilan si Julian nang maramdaman niyang naiihi siya hindi nga kasi siya nakagamit dahil sa CR ng mga babae ang napuntahan niya. "Sige, banyo muna ako" Pagtakbo nito at natigilan naman sina Aethan. "Akala ko ba galing rest room yon?" Nagtatakang sabi ni Leo. "May pagkawerdo talaga si Julian ko" Sabi pa ni Jeremy habang nakangiti. "Tama ka diyan! " Sabi pa nila at nagpatuloy na sila sa paglalakad at pagkarating nila sa Classroom binigay agad ni Nika kay Aethan ang listahan ng grupo nila para siya na ang mag-announce at hindi rin nagtagal dumating si Julian. JULIAN'S POV: Pagkarating ko tumabi agad saakin si Jeremy wala pa kasi kaming teacher siguro late na naman si Sir Dem. "Julian grupo tayo!!!" Masayang sabi saakin ni Jeremy. " Saan? kay Ma'am Villasore? " Tumango lang ito saakin na parang bata. "Jeremy puwedi bang bumalik ka sa upuan mo" Sabi rito ni Aethan ang likot likot kasi nitong si Jeremy para talagang bata e. " Sige Julian siya nga pala, si Aethan ang leader natin" Pagbulong nito saakin, napatingin naman ako kay Aethan at sakto ring lumingon saamin kaya halata sa mukha niyang na curious kung ano yong binulong saakin ni Jeremy bago ito umalis. " Hindi mo ba itatanong kung anong binulong niya sakin? " Pang-uumpisa ko rito. " Never mind!" Suplado nitong sabi kaya tumahimik na rin ako dumating na rin kasi si Sir Dem ang P.E teacher namin at pagkabati nito nagstart na siyang magturo and about swimming ang tinuro niya. " So nadala niyo ba ang pinapadala ko sainyo last week?" NagYes naman lahat ng klasmet ko ako lang ata at si Aethan ang hindi e paano kasi pinapadala kami ng pang swimming na damit sabi niya kasi lastweek after daw niyang magdiscuss ituturo naman niya samin ng actual kung ano yong tamang paglalangoy. "Okay magpalit na kayo bago mag proceed sa swimming pool, okay?! " Sumagot naman ang lahat at nagsilabasan na sila ganon din si Sir at ako ito namumubroblema kung anong gagawin ko dapat kasi nakacycling e kahit naman anong pilit kong paghigpit sa dibdib ko babakat at babakat pa rin ito hindi naman ganon kalaki ang dibdib ko pero magkaiba pa rin ang dibdib ng lalaki at babae. "Julian halika na excited na ako" pagmamadali ni Jeremy habang ako iniisip itong bagong pagsubok ko na naman. " Anong nangyare sayo? magpalit kana!" Sabi ni Aethan hindi ko alam kung anong mayron at natanong niya yon. " Sige mauna na kayo!" Matamlay kong tugon at yon nauna na nga sila. "Anong gagawin ko??? " paglalakad ko habang pumupunta sa swimming pool siguro gagawa na lang ako nang rason madali lang naman magdrama. Sa naisip kong ito gumaan ang pakiramdam ko at pagkarating ko lahat nakatingin saakin paano kasi nakapagpalit na ang lahat samantala ako naka uniform pa rin pero naalis rin ang mga mata nila saakin ng magcompany call si Sir. " Bakit hindi ka pa nagpapalit?" Pag-akbay saakin ni Jeremy habang naka cycling lang infairness ang sexy niya. " Ah, ano hindi ako marunong lumangoy" " okay lang yon, kaya nga tayo tuturuan diba?" Pagtawa pa nito pero may punto naman siya " Huh, Oo!" Nablangko ang isip ko sa sinabing iyon ni Jeremy at mas lumala yon ng marinig ko ang announcement ni Sir na bawat isa may partner dapat dahil pagnaturo na niya ang tamang paglalangoy maglalaban laban lahat ng partner at kung sinong mauunang makarating sa dulo yon ang mananalo w/ an equivalent of 50% at yong mahuhuli 25% in short quiz itong gagawin namin at hindi ako puweding hindi lumangoy dahil baka maapektohan ang scholar ko actually marunong ako lumangoy pero ang problema hindi puweding lumangoy ako ng naka sando lang siguradong kaklaro ang nakalagay sa dibdib ko para maitago ito at paghindi naman ako nagsando desqualified at isa pa baka paulanan nila ako ng question kung bakit hindi ako nakasando or bakit hindi ako sumunod sa rules ni sir. "Bakit hindi ka pa nagpapalit?" Pagtabi saakin ni Aethan at natigilan ako ng makitang naka uniform din ito. " E ikaw bakit naka uniform ka rin?" "May phobia ako sa tubig basta dumadaloy pa ito" Napatingin naman ako rito sa sinabi niya. " TAMA, MAY PHOBIA RIN AKO " sa isip ko. "Ikaw bakit naka-uniform ka pa?" " E kasi may ---" " Phobia ka? " Pag-una nito sa sasabihin ko kaya nawalan na ako ng lakas pang magsalita "O baka wala ka na namang sando o ano na naman?" Pag cross arm pa nito. Naiinis naman akong tumingin rito. " tsk! ano bang pakialam nito sa dahilan ko basta buo na ang pasya kong magdahilan na may phobia ako" sa isip ko pero napasigaw ako bigla ng hawakan niya ang dibdib ko. "Anong problema mo?" Naaasar nitong tanong nilingon kasi kami ng mga klasmet namin maging si Sir. " Kasi, ano, b-bakit nanghahawak ka ng dib- di--b?" Nahihiya ko ritong tanong napataas naman agad ito ng kilay. "Ano naman tiningnan ko lang naman kung may bandage pa rin sa dibdib mo" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. " At sa tingin ko meron pa sabihin mo nga hindi pa rin ba nawawala ang sugat mo? " "Ano s-sugat?" Nagtataka ko ritong tanong. " Oo yon ang sabi mo saakin nong makita ko yang bandage mo sa katawan" Naalala ko naman yong pagkahimatay ko. " Ah Oo nga pala " sa naisip kong ito napangit ako bigla " Oo wala pa" Pagngiti ko rito suplado naman itong tumingin saakin alam ko na kung anong iniisip nito siguro nagtataka siya sa naging reaction ko kanina kasi halus himatayin ako sa takot na maboking ako at ngayon nakangiti ako. " mahapdi ba?" tanong pa nito tumango naman ako ng alanganin bilang sagot. "Sumunod ka saakin" Sumunod naman ako rito at kay Sir ang direksyon namin. " Bakit Aethan?" " Sir hindi po siya puweding magswimming dahil may sugat po siya sa likod" pagsama nitong magpaliwanag saakin kay Sir kaya di ko napigilang mapangiti panigurado kasing kakabahan na naman ako kung ako ang magsasalita dahilan para magtatanong sila ng kung anu-ano. " Really? " Pagtingin nito saakin na halatang hindi naniniwala. " He can prove it Sir " sabi agad ni Aethan na siyang pagtango ko pero napaatras ako sa gulat sa sunod nitong sinabi " Julian tanggalin mo na yang uniform mo para makita niya " Napayakap naman ako sa katawan ko pero binawi ko rin yon agad. " Huh, p-pero... " Natigilan ako ng tingnan ako ni Aethan ng masama hindi ko puweding sabihin sa kanya kung bakit hindi ko puweding ipakita ang sugat ko una dahil makikita nila ang dibdib ko at pangalawa e wala naman talaga akong sugat maganda sana kung may isa lang man akong kakampi rito na alam niyang babae ako para may nakakatulong saakin sa mga ganitong situwasyon. " Sige na!" Pagtingin saakin ni Aethan umiling naman ako rito bilang sagot na ayaw ko at natigilan ako ng sumama ang tingin nito sakin. " Makinig ka tinutulongan kita kaya wag mo nang pairalin ang hiya mo quiz itong gagawin natin kay Sir at diba ayaw mong mawala ang scholar mo?" Napalunok naman ako sa sinabi niya saka ako tumingin sa teacher namin na kanina pa nakangiti saamin. " Hayan mo na naniniwala naman ako sayo Aethan dadalhin ko muna siya sa clinic para matingnan na rin ang sugat niya kaya ikaw muna ang bahala sa mga klasmet mo mabilis lang kami " Tumango naman si Aethan at nong papaalis na kami tinapik pa niya ako ang bait nga naman pala talaga niya pero panibagong problema na naman ito paano ako lulusot kay Sir anong sasabihin ko hindi ako puweding pumunta sa clinic dahil tuloyan na akong mabuboking. " S-sir puwedi po bang wag na po tayo pumunta sa Cilinic? pawala na rin naman po ang sugat ko" Natigilan ako ng huminto siya sa isang sulok na walang tao kung saan subrang tahimik. " Bakit po sir?" Pero nanatili lang siyang tumingin saakin mula baba hanggang ulo at hindi pa nakuntento dahil inikotan pa niya ako hindi ko alam kung anong iniisip niya ang hirap niyang basahin nga pala binata itong si Sir Dem. " Bakit hindi ka magpapadala sa clinic?" Seryoso nitong tanong kinabahan naman ako bigla. " K-kasi po pawala naman po ang sugat ko at____ "napakunot ako ng noo nang tumawa ito ng malakas. " May sugat? Yon ang sinabi mo sa pinaka matalino rito sa school? kaya pala hindi kapa nahuhuli" Pagtawa pa nito pero hindi ko magawang matawa sa sinabi niya pakiramdam ko kasi may kakaiba sa sinabi niya " Pero magaling ka dahil nagagawa mong paniwalain lahat ng tao dito sa campus" Pagngiti pa nito saakin na para bang proud pa pagkwan naitindihan ko ang gusto nitong sabihin at pakiramdam ko paulit ulit kong naririnig yong mga sinabi niya. " I'm Demony Reyes, tito ni Julian Reyes" Napanganga naman ako sa sinabi niya. " Nice meeting you, Cindy!" Pagyakap nito saakin kaya yumakap na rin ako ng hindi na aabsurb ng utak ko ang mga sinabi niya. " Magaling ka magtago ng sekreto ha! " Pagngiti nito saakin sabay gulo sa buhok ko. " Demony Reyes? " Tanong ko rito " Pero bakit hindi man lang po kayo nabanggit saakin ni Tita?" Pagtingin ko rito hindi ako makapaniwalang siya si Kuya Demony bata pa kasi kami nun ni Julian ng lumipat sila rito sa Manila. " Akala kasi ni Tita natuloy rin ang pagpunta ko sa State kaya lang hindi ako pinayagan ni mommy at nong tumawag ako sa kanya sinabi niyang nandito ka at nagpapanggap na ang pamangkin ko kaya sinabi kong wag muna nilang banggitin sayo dahil gusto kong obserbahan kung kaya mo ba talaga at baka pagnalaman mong nandito ako baka umasa ka sa tulong ko na siyang dahilan at mabuking ka" Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya pero may punto siya sa sinabi niya baka nga maboking lang ako at saka ayaw kong madamay pa siya sa pangit kong buhay. " Pangako po hindi ko kayo gugulohin masaya na po akong may kakilala ako sa school na ito" Pagyakap ko rito. "Ano ka ba kahit kailan isip bata kapa rin talaga" pagtawa nito napatingin naman ako rito wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero mayamaya sumeryoso rin ang mukha niya. " Pasensya kana kung hindi man lang kita natulongan nong kailangan mo si Kuya hinanap kita nong pumunta ako sa burol ni Julian pero ang sabi ni Liya hindi ka pinayagan ni Tita na makita man lang siya dahil nga sa paninisi niya sayong ikaw ang dahilan ng pagkawala nito" Pagtingin nito saakin pero bakas sa mukha niya ang lungkot, close kami ni Julian sa kanya ilang araw nga yong pag iyak namin nong umalis siya sa probensya at uncle siya ni Julian pero kuya ang tawag namin sa kanya. " Hindi ko maipapangakong kaya kong gawin ang ginawa ni Julian ang ibuwis ang sarili niyang buhay pero ipinapangako kong aalagaan kita at puprotektahan sa school na ito" Sa sinabi niyang iyon hindi ko napigilang hindi maiyak iba kasi ang pagkakaitindi ko sa sinabi niya nong una. " Hindi niyo po kailangan madamay pa sa problema ko" Pagyakap ko ulit rito ng napaka higpit kumbense na kasi akong siya talaga si Kuya hindi ko talaga siya nakilala bata pa kasi kami ni Julian ng lumipat silang manila tas sabi pa ni Tita sa State na rin nakatira ngayon si Kuya kaya hindi ko talaga inisip na siya ito at isa pa ang itim ni Kuya dati, unano rin ayon nga kay Aethan, mataba, at hindi kaguwapohan tapos ngayon akala mo lang nagparetoke ang puti kasi, macho, basta perfect sa mata nating mga babae at ang pagkakaalam ko Doctor ang kinuha niyang course e tas doon naman sa pangalan niya since bago siyang teacher kaya diko siya kilala hindi naman kasi siya nagpakilala saamin ng pormal siguro isa na rin yon sa way niya para hindi ko siya makilala agad, kaya naman pala familiar siya sakin kahit papaano. " Bakit ganyan ka makatingin?" " Kuya ibang iba po kayo sa dating kuya na binubully namin ni Julian kung saan ingot at mataba" Pagtawa ko pa pero himala tumawa rin siya e dati halos malibot namin ang buong baranggay sa paghahabol nito saamin para lang makaganti. " Ikaw rin naman, mas guwapo ka pa kay Julian ah" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya " Pero nakakamangha ka dahil hindi ka pa rin nabuboking ang balita ko isa lang kayo ng room ng nirerespeto at pinaka matalinong estudyante rito" Pagtingin nito saakin. " Yon na nga po Kuya at ang malala po doon ang dami niyang rules sa loob ng room namin ni wala man lang ako kahit isa at isa nga po sa rules niya ay ang bawal maglock ng pinto sa banyo kasi pareho din daw po kaming lalaki kaya wala daw pong dapat itago kaya tuwing magbabanyo ako halos magcolapse na ako sa takot na makita niya ako at masungit rin po siya". " Pero base sa nakita ko kanina mukha namang mabait siya sayo" " Minsan po, Oo pero minsan Hindi pero okay na rin po yon pero sandali Kuya paano po ako lalangoy bakit naman po kasi dapat nakasando or walang damit ang boys bakit hindi na lang po t-shirt ang sinabi niyo?" " Nalimotan ko kasing may estudyante pala akong nagpapanggap na lalaki pero wag ka nang mag-alala ako ng bahala" Natigilan ako ng biglang pumunta sa likod ko si Kuya habang nakatingin sa isang wall sa likuran ko. " Kuya bakit po? " " Wag kang haharap bilisan mong maglakad at pumunta sa swimming pool wag na wag kang lilingon" Mabilis naman akong sumunod at kahit hindi ako lumingon alam kong may pumunta kay Kuya at dinig na dinig ko yong boses niyang babae. KRISTINE POV: Natigilan ako sa paglalakad ng marinig kong may kausap si Sir Dem sa isang madilim na parte ng linalakaran ko kaya agad akong nagtago pero hindi ako makapaniwala sa narinig kong sinabi ni Sir na may nagpapanggap na lalake sa school na ito pero yon lang ang narinig ko dahil mabilis siyang pinaalis ni Sir na sa tingin ko dahil nakita niya ako kaya naman agad akong pumunta rito para kilalanin siya pero nakatalikod na ito at mabilis na naglalakad habang hinaharangan naman ako ni Sir kung hindi lang siya teacher matagal ko nang sinabunutan ito para masundan ang impostor na yon. "Ano bang ginagawa niyo? "Pagsigaw ko rito, hindi na talaga ako nakapagpigil hindi ko kasi masundan yong impostor na yon dahil sa pagharang nito saakin. " Saan ka ba?" Tanong nito na para bang walang nangyari kaya masama akong tumingin rito hindi ko na kasi makita yong impostor. "Alam niyo bang puwedi kayong maalis sa paaralan na ito sa oras na malaman ang pinaggagawa niyo sa school!? " " Ang alin naman?" Inosente nitong tanong kaya pakiramdam ko tumaas ang dugo ko sa ulo. " Sino siya? sino yong nagpapanggap na lalake sa school?" Mas lalo akong naasar ng tawanan niya ako. "Bumalik kana sa klase mo" Pagtalikod nito sakin at naglakad paalis. " Isusumbong ko kayo! " Pagbabanta ko rito, humarap naman ito saakin. " At sino sa tingin mo ang maniniwala sayo? isang teacher sisiraan mo baka gusto mong ikaw ang matanggal sa school?" Pananakot din nito saakin. " P-pero hindi naman ako naninira dahil totoo ang sinasabi ko" Kinakabahan ko ritong sabi nakakatakot naman palang maging seryoso itong si Sir kahit mukhang anghel sa amo ng mukha. " Then, prove it! sige na bumalik kana sa klase mo" Pagngiti nito saakin at naglakad na ng tuloyan. " Maghintay lang kayo!!! Makakakuha ako ng ebidensya!!!" Sigaw ko pa rito pero parang hindi niya ako narinig. " Sino kaya yon? pero isa lang ang alam ko kailangan itong malaman ni Aethan dahil maliban sa kanya wala na akong puweding pagsumbongan sa matataas sa school na ito hanggat wala akong ebidensya dahil siguradong walang maniniwala saakin at saka baka matanggal pa ako sa school kaya naman kailangan ko ng ebidensya" Paglalakad ko pabalik sa classroom. JULIAN POV: Mga ilang minuto dumating rin si Sir kung titingnan ang mukha niya wala namang naka bakas na kahit ano siguro wala lang yong kanina at hindi na rin ako lumapit sa kanya at iniiwasan kong magtama ang paningin namin ayaw ko kasing may makaalam na magkakilala kami ni Kuya baka pagmay nangyari saakin madamay pa siya. " Anong nangyari?" Pagtabi saakin ni Aethan hindi ko alam kung saan siya nagmula. "Ano__" hindi ko alam kung anong isasagot ko ang hirap magsinungaling ng direktahan. "O bakit hindi ka pa nakaka pagpalit?" Pagtabi saamin ni Jeremy habang basang basa. " Dahil hindi siya puweding lumangoy" Paglapit saamin ni Sir at sa sinabi niyang iyon nagsilapitan ang mga klasmet ko. " But why Sir? It means walang quiz si Julian? Paano yon zero naba siya?" Tanong ng mga kaklase ko at maging ako curious sa sagot ni Sir. " Kayo ang bahalang mamili pagawain siya ng assignment o magquiz through written" Sandaling natahimik ang lahat. " Pero unfair Sir maraming hindi magaling lumangoy saamin and for sure maliit ang score namin kaya we decide na ipa quiz na ang ang lahat" Sabi ng ilan sa mga studyante na sa tingin ko hindi marurunong lumangoy base sa pananalita nila. " Nope! We disagree para saamin mas madali ang lumangoy and may ilan naman saatin na hindi magaling sa written kaya we decide na swimming na lang" Sagot ng ibang panig ng mga estudyante na sa tingin ko mahuhusay lumangoy grabe simpleng bagay pinag didebatihan nila naaawa tuloy ako kay Kuya mukhang nadadamay na rin siya pero may mga point rin naman sila paglingon ko pa kay Sir na halatang nahihirapang mag decide. "Enough for this argument! Dapat ang sundin natin ang desisyon ni Sir dahil siya ang teacher rito at siya ang magdidecide kung sa papaanong paraan niya tayo bibigyan ng score" Sa sinabing yon ni Aethan natahimik naman ang lahat nakakamangha talaga siya hindi lang siya dapat sundin dahil SSG President siya kundi dahil magaling siya sa lahat maging sa pananalita. "Sorry Sir!!!" Sabi ng mga estudyante. " How about you Aethan what do you think to do in the case of Mr. Julian? " Nakatingin naman ang lahat sa sagot ni Aethan habang naghihintay sa sagot niya. " Tulad na lang po sa case ko pagawain ng assignment" Kahit walang nagsalita sa mga kaklase ko alam kong hindi sila sang-ayon lalo na yong hindi marunong lumangoy. " Makinig kayo ang Classmate nating si Julian has a sore at his back the reason why he can't swim" Pagpapaliwanag ni Aethan at hindi pa ako nakaka sang-ayon bigla akong panatalikod ni Jeremy at maging ang mga kaklase ko pumunta na rin sa likod ko. " A-anong ginagawa niyo? " Kinakabahan kong tanong. " Ano ka ba Julian akala ko BFF tayo pero hindi mo man lang ito nabanggit saakin?! wag kang malikot titingnan ko lang" pag-angat niya sa polo ko at kahit anong pagpupumiglas ko hindi ako makawala sa kanila. " Julian allow us to see it " Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa ano mang sandali sa oras na maitaas nila ang panloob ko tapos na ako. " Anong ginagawa niyo sa kanya?" Natigilan ang lahat sa pagsasalita na yon ni Aethan kaya agad akong pumunta sa likod niya ng bitawan ako ni Jeremy pero hindi ko naman sila masisisi. " Aethan gusto ko lang makita ang sugat ni Julian" Nag-aalalang sabi ni Jeremy na guilty tuloy ako wala kasi itong sikreto saakin at madalas siyang magkuwento saakin pero ako hindi ko man lang yon maibalik. " Baka ano pang mangyari sa inyo pagnakita niyo, hindi maganda ang hitsura ng sugat niya " Tumahimik naman ang lahat " Okay, let's start now!!! "Sigaw ni Sir kaya naman kahit ayaw nila akong iwan wala silang nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD