AFTER ng performance quiz nila through swimming pinabalik na sila sa classroom sasabay na rin sana ako kina Aethan kaya lang bigla akong tinawag ni Sir.
" Julian maiwan ka muna para makuha ang assignment mo" Pagkarinig nun nila Jeremy nagpaalam na sila saakin basang basa pa rin kasi sila kailangan nilang magpalit.
" Sa page 64 sa book, yong objective doon ang sasagotan mo"
"Okay po! Salamat nga po pala kanina"
" Kay Aethan ka magpasalamat napapansin ko mabait siya sayo " Nga pala Julian mag-iingat ka kay Kristine " Nag-alala naman ako bigla sa sinabi niya.
" may nangyari po ba?"
" Hindi mo ba napansin yong tao noong nag-uusap tayo?" Umiling naman ako bilang sagot.
" Makinig ka... si Kristine yon mabuti na lang napansin ko siya agad"
" M-may nalaman na po ba siya? Alam na po ba niya ang tungkol saakin? " Natataranta kong tanong.
" Sa tingin ko hindi pa, tinatanong niya kasi kung sino yong kausap ko at pilit kang susundan kanina " nakahinga naman ako ng maayos sa sinabi niya " Kaya lang ang sabi niya.. gagawin niya ang lahat malaman lang kung sino ang kausap ko kaya mag-iingat ka sa kanya" kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Kuya.
" Kung ganon po dapat mula ngayon iwasan na po nating mag-usap, sa pananatili ko rito medyo nakikilala ko na po ang mga taong malapit saakin rito at isa na po doon si Kristine ngayon pong alam niyang kilala niyo kung sino yong nagpapanggap na lalaki rito sigurado na sayo palagi ang mata at mga tainga niya dahil siya po yong klase ng taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto" Nag-aalala kong sabi rito.
" Kung ganon kailangan nating mag-ingat" Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon pinabalik na niya ako sa classroom at pagkarating ko nandoon na rin sina Aethan kasama ang ilan sa mga klasmet ko habang si Nica lang ang babae.
" Buti nandito kana" Pagsalubong saakin ni Jeremy habang iniiwasang hawakan ang likod ko.
" Ano bang meron?" Pagpapa upo saakin ni Jeremy sa pagitan nila ni Aethan.
" Since nandito na lahat ng grupo natin sa MIL pwedi na tayong magsimula magdiscuss" Sa sinabing iyon ni Aethan naitindihan ko na ang lahat. Inig sabihin ito ang team ko kay Ma'am Villasore karamihan saamin lalaki tanging si Nica lang ang babae.
" Napapansin niyo namang isa lang ang babae saatin kaya may ilan saating magdi-disguise na babae at alam kong maraming ayaw makuha ang role na yon kaya may pinagawa ako kay Nica kung saan sinulat niya ang mga gagampanan nating character as well as yong camera man, director, writter and others" Pagkatapos magsalita ni Aethan nilabas ni Nica sa bag niya ang isang box at nilagay sa pagitan naming lahat.
" Sa box na yan nakalagay ang mga sinulat ni Nica at sa box na yan bubunotin natin ang magiging role natin sa gagawin nating play pero yong Role ni Juliet hindi na diyan linagay dahil si Nica na ang gagampan doon total siya lang naman ang babae saatin" sumang-ayon naman ang lahat sa diskasyon ni Aethan.
"Oh My gosh! gusto kong maging Juliet" Pagbibiro ni Grey habang nagbabakla baklan nagkaroon tuloy ng tawanan pero si Aethan seryoso lang kaya tumahimik na din kami.
" Sige bumunot na ang lahat" Lahat na nga kami bumunot iyong mga nakakakuha ng role na babae agad itong ginagawang biro at si Jeremy siya si Romeo at ako writter ang nakuha ko.
" May role naba ang lahat? " Sumagot naman kaming lahat pero may ibang hindi satisfied sa nakuha nila.
" Kaya nating ginawa ang bunotan para walang lamangan kaya kung anong nakuha niyo tanggapin niyo na lang kaya tayo grupo para magtulongan at yon rin ang purpose sa paggawa ko nang box na ito" Sa sinabing yon ni Aethan sumang-ayon kaming lahat napaka cool niya talaga.
" Para maperform natin ng maayos ang play kailangan panoorin natin ng sabay sabay ang movie ni romeo and Juliet hindi sapat kung babasahin lang natin ang story nito"
" Maganda nga yon pero saan naman tayo manonood?"
" Maganda kung sa labas hindi tayo magiging comfortable kung dito lang tayo sa School" Sabi ng isa sa mga kaklase namin.
" Okay lang saakin kung sa bahay total wala sina Mommy ngayon hanggang bukas sa bahay kaya walang makaka-isturbo saatin" Suggest ni Nica.
" Pero hindi naman tayo puweding lumabas ng walang permit ang mga parents natin unless kung papayagan tayo ng teachers natin" ani Jeremy.
" Humingi tayo ng permit sa kanila" Sagot ko rito at sabay naman silang tumingin saakin wala namang mali sa sinabi ko ah at saka suggest ko lang yon.
"Tama si Julian total para rin naman sa grade natin ang gagawin natin siguradong papayagan tayong lumabas" Pagsang-ayon saakin ni Aethan at first time nitong sumang-ayon saakin kaya sobrang nakakatuwa HAHAHAH.
"Ako na lang ang kukuha kay Maam total medyo close rin naman ako sa kanya pero ang problema wala si Ma'am ngayon " ani Nica.
"Bukas na lang but make sure na makakuha ka para pagkatapos ng klase natin diretso na tayo sa bahay niyo"
"Bakit hindi na lang ikaw Aethan total step mom mo rin naman " Sabi ng isa sa mga kaklase namin kaya nagkaroon tuloy ng katahimikan saamin bigla kasing kumunot ang noo ni Aethan pagkwan tumayo ito.
" Be ready for tommorow! " Pagkasabi niya nun lumabas na siya kaya panay ang pagdidiskita nila sa nagsalita kanina.
" Ikaw talaga aware ka namang ayaw ni Aethang sinasabing step mom niya si ma'am "
" Sorry nadulas lang naman ako" Pag-awat nito saamin at natigilan ako ng tumingin saakin si jeremy at alam ko na kung anong iniisip niya kaya bago pa siya makapagtanong lumabas na ako pero agad naman siyang sumunod sakin.
" Julian bakit hindi mo sinabi saakin ang tungkol sa sugat mo? "
"Hindi ka naman doctor para sabihin ko sayo" Pagbibiro ko pa rito habang tumatawa ng kunti.
" Oo pero madalas kasi kitang paluin sa likod kaya siguradong nasasaktan ka " nag-aalala nitong sabi " pasensya kana bro" Naguilty naman ako sa sinabi niya kaya agad akong umakbay rito at napahinto naman ito habang titig na titig saakin.
" Alam mo napaka buti mo Jeremy kaya kahit paluin mo ako hindi ako nasasaktan at wala yon saakin dahil BFF tayo at masaya ako pagmagkasama tayo" pagpapagaan ko sa loob niya pero nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang mukha ko ng mahigpit at mariin akong tinitigan sa mata saka ito bumaba sa mga labi ko at hindi ko alam anong ginagawa niya.
" A-anong ginagawa mo? " Paglayo ko rito pero imbis na sagotin niya ako mabilis itong tumakbo paalis.
" Anong problema non? Oiiii Jeremy!!! " Tawag ko rito pero hindi man lang ako nilingon kaya nagpatuloy na lang din ako maglakad at pagkarating ko sa room namin nagpasalamat agad ako kay Aethan.
" For what? " Nakuu! Englishing na naman ang ferson siguradong bad mood ito ganon ba kalaki ang galit nito sa stepmom niya.
" Wala kalimotan mo na " Pagpapalit ko ng damit at pagkatapos ko pinuntahan ko siya agad.
" Bakit ang sungit ng ihip ng hangin rito sa loob kaya ang init tuloy" Pagpaypay ko pa rito gamit ang notebook niyang nag-iisa sa loob ng bag niya.
" Pagnasira yan lagot ka sakin!" Nabitiwan ko naman ang notebook niya sa sinabi nito.
" Nadadamay yong hangin sa mood mo " Pagpaypay ko pa rito gamit ang kamay ko.
" Baliw!" Paglayo nito saakin wow! affected ng COVID?! ang layo ng destansya ang binigay e.
" Ganito na lang para gumanda ang mood mo gawin natin ang mga gusto mong ginagawa dito sa loob "
" Wala kang magagawa dahil wala akong gusto! "
" Imposible! " Pagsalungat ko agad rito " Kahit nga yong witch sa snow white gustong maging maganda ikaw pa kaya? " Natigilan naman ako sa sinabi ko ng tumitig ito saakin.
" Ang ibig kong sabihin kahit sino may pinagkaka interasan " Pagtawa ko rito ng pilit para bawiin ang sinabi ko tungkol sa panonood ng mga princesses.
" At paanong alam mo yong snow white?"
" Huh? E kasi yong kapatid ko mahilig ng Disney princess, mahilig siyang manood " Suplado lang itong tumingin saakin.
" So ano ngang gusto mo?! daliiii sabihin mo na para gawin natin ng gumanda ang mood mo"
"Wala akong gusto! " suplado nitong sabi at magsasalita sana ako pero muli itong nagsalita " Ah sandali... mayron akong gusto " titig nito saakin kaya nacurious naman ako " TUMAHIMIK KA! Oo, yan ang gusto ko nakakadagdag kasi nang dugo yang ingay mo at saka baka nakakalimotan mo yong mga batas ko?" Masungit nitong pag-iwas ng tingin saakin.
" Syempre hindi naman puwedi yang ganyan... ganito na lang lahat ng tao gusto ito at napapatawa sila " pangungulit ko pa at curious naman itong tumingin saakin dahil wala naman siyang choice kundi sumang-ayon at sa tingin ko alam yon ni Aethan habang nakatingin saakin.
"Jokes ito alam mo naman siguro yon? " Natatawa kong sabi rito, natatawa na kasi ako sa jokes ko ito yong madalas naming gawin ni Julian pagmay isang matamlay saamin.
" Make sure na hindi yan corny baka maitali ko yang dila mo sa bibig mo " Seryoso nitong tingin saakin at tumingin lang ako rito habang naniniguradong makakatawa siya.
" Okay ito na " paghinga ko ng malalim at tumitig naman ito sa mga mata ko habang nag-aapoy ang mata niya sa asar halata naman kasing napipilitan lang siyang makinig saakin " May lalaking pumunta sa clinic para ipatingin ang butligs nito at ang sabi ng doctor sa kanya tatawagan niya lang ito kapag lumabas na ang results tas lumipas ang tatlong araw tumawag ang doctor" Pagkuha ko sa cellphone ko at tumabi ako sa kanya habang nakatingin saakin, ang galing sabing epektibo ito.
" Hellow! sir? Sabi rito ng doctor agad naman itong sinagot ng lalaki" Pagkukwento ko.
" Sir kailangan po tanggalin natin ang butligs niyo, Natakot bigla ang lalaki " pagpipigil tawa ko rito.
" Sir! B-bakit both legs po hindi po ba puweding one legs na lang" Hindi ko na talaga napigilang matawa naluha pa nga ako.
" Gusto mo ba mawalan ng leg?" natigilan ako sa pagtawa sa sinabi niya at nakatingin lang ito saakin habang mas lalong kumunot ang noo.
" Nakakatawa naba yon?! e para kang sira diyan " asar nitong sabi.
" Corny ba? O sige meron pang isa siguradong matatawa ka"
" Wag na! baka hindi pa ako makapag pigil" Pagtayo nito at kinuha ang phone niya magsasalita pa sana ako ng may kumatok kaya agad ko itong binuksan.
" Julian... sorry nga pala kanina, ito nga pala Kumuha ako ng gamot sa clinic para sa sugat " bungad agad ni Jeremy at napangiti na lang ako ng lihim sa sinabi nito.
" May gamot pa naman ako pero salamat na rin at pasensya kana rin kung hindi ko nasabi sayo"
" Okay lang yon basta wag mo lang uulitin " tumango naman ako rito.
" Pangako! Halika pasok ka muna Jeremy" Pumasok naman ito at umupo sa tabi ko habang nahihiyang tumingin kay Aethan.
" Alam mo kasi itong si Aethan hindi pa rin nakakamove-on sa nangyari kanina kaya binibigyan ko siya ng pamatay na joke" Pagtawa ko pa pero natigilan ako ng tumingin ito saakin.
" Pamatay na joke o pamatay ng tao dapat kung magjojoke ka yong joke talaga at siguradong nakakatawa "
" Sus! Ang hirap mo lang pangitiin kaya inimbita ko si Jeremy at siya ang magdidesisyon kung corny ba talaga ang joke ko" sumakay naman agad si Jeremy sa kalokohan ko.
" Sige Julian simulan mo na!!! " Excited pa nitong sabi nakakunot noo namang tumango si Aethan at ako tumayo para mas maganda ang pagkukwento ko kailangan with action para nakakatawa talaga.
AETHAN'S POV:
Kumuha pa talaga siya ng kakampi at isa ring ingot na siguradong matatawa sa mga corny niyang jokes.
" Handa na kayo? Kasi ako kanina pa" Na-eexcite nitong tanong ganon din namang sumagot rito si Jeremy at ako ito hinihintay ang joke ni Julian sana lang nakakatawa talaga dahil kung hindi itatapon ko na talaga ito sa kabilang planeta.
" Ito na HAHAHA! " pagtawa pa nito ganito rin yong kanina e sana lang nakakatawa talaga baka tuloyan ng tumaas ang presyon ng dugo ko.
" May isang lalaking nagngangalang Juan at nagpunta sa dagat para magrelax at habang nagpapahinga siya may isang amerikanong lumapit sa kanya at tinanong niya ito" Pagkukwento nito mataman naman kaming nakikinig sa kanya.
" Excuse me, are you relaxing?" Pagpipigil nito ng tawa ganon din si Jeremy hindi ko alam kung saan siya natatawa sa pagkukwento ba ni Julian o saan wala naman kasing joke doon.
" Sabi ni Juan, No I'm Juan" At tuloyan na itong tumawa at si Jeremy naman biglang natahimik at nilingon pa ako nito sabi naba sa hitsura ni Julian siya natatawa at tumigil sa pagtawa itong si Julian ng mapansin niyang nakatingin lang kami rito.
" Okay, umalis na ang amerikano tas mayamaya may hapon namang lumapit rito at tumabi kay Juan, excuse me, Are you relaxing? Tanong din nito asar naman itong sinagot ni Juan, No I'm Not!!! Hanggang sa may sumunod na naman at tinanong si Juan ng ganon din at tuloyan ng naasar si Juan hindi niya sinagot ang lalaki at umalis na ito mayamaya nadaanan niya ang isang lalaking nagpapahinga. Excuse me, Are you relaxing??? Yes! why? Sagot ng lalaki at napatayo ito bigla ng sipain ito ni Juan, Ikaw lang naman pala itong si Relaxing ang daming naghahanap sayo baliw!!! Naasar na pag alis ni Juan " Pagpipigil tawa nito at sa tingin ko yon na yon ang joke niya at tumigil na din ito ng nakatingin lang kami rito.
" Corny ba? " tumahimik na lang ako tsk! gusto ko na ngang baliin talaga ang leeg nito.
" E Julian hindi ko masyadong naitindihan " ani Jeremy tssst! magkaibigan nga sila.
" E Jeremy akala kasi ni Juan tinatanong ng mga lalaki kung siya si Relaxing? " Sandali namang nag-isip si Jeremy sa sinabi ni Julian at mayamaya tumawa siya maluha luha pa nga kaya ganon din si Julian.
" Hindi ka ba talaga natatawa? Isa kasing egnorante si Juan ang akala niya pinagkakamalan siyang siya si Relaxing " Pagpapaliwanag nito tsk! wala namang nakakatawa sa joke ni Julian at saka katangahan yon hindi joke pagsnob ko lang rito, tumataas ang presyon ko rito.
" O ito ano ang tawag sa dagang dalawa ang paa?" Tanong pa nito kanina joke ngayon quiz bee na.
" Ano? " Tanong ni Jeremy.
" Edi si Mickey Mouse!" Grabe naman ang tawanan nila ng hindi ko alam ang dahilan at saka sino ba yang si Mickey Mouse?!
" Tama! yan yong isa sa gusto kong cartoong pinapanood nong bata ako" Natatawang sabi ni Jeremy kaya naman pala hindi ko alam dahil walang kwentang cartoon lang pala.
" Sinong clown ang hindi marunong magpatawa?" Natahimik naman sila bigla ng magsalita ako mayamaya sumagot rin sila.
" E Sino? " Excited nilang tanong.
" Edi si Julian!!!" Seryoso kong sagot wala namang makapagsalita sa kanila at iba ang tingin nila saakin na akala mo isa akong alien na nagmula kung saan.
" Mas corny ka naman pala magjoke!!!" Sabay pa nilang sabi saakin nang walang emosyon na para bang lumabas lang yon bigla sa mga bibig nila.
" Tsk! Hindi yon Joke katotohanan yon at saka kung may balak pa kayong magkwentohan doon kayo sa labas dahil gabi na at kung wala kayong balak matulog puwes humanap kayo ng planetang palaging umaga" Sa sinabi kong yon nagpaalam si Jeremy at si Julian naman nakakunot noong nakatingin saakin.
" Marunong ka bang tumawa o ngumiti man lang!? " Pagpapangiti pa nito saakin at iba na naman ang naramdaman ko ng bigla itong tumitig saakin at hawakan ang pisngi ko para pangitiin ako, hindi ko alam pero tuwing lumalapit talaga saakin ng subra o hinahawakan ako ng Julian na ito feeling ko may hanging kumukulong saamin na para bang siya lang at ako ang tao sa mundo at ang malala doon nagiging babae siya sa paningin ko.
" Tumigil ka na nga! " Pagpalo ko sa kamay niya na siyang ikinalayo niya saakin.
" Sungit! tsk! Mapapatawa rin kita sa mga jokes ko!" Pag-akyat nito sa taas hindi naman ako nakasagot habang nararamdaman ang werdo kong nararamdaman sa werdo na ito tsk! basta basta nanghahawak eh!