Kagagaling ko lang sa faculty dahil binigay ko kay Sir ang pinasagotan niya saakin pero natigilan ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Kristine. " Julian puwedi ba tayong mag usap?" Huli na para iwasan ko siya pero puwedi pa naman akong tumanggi saan ba kasi ito nagmula bigla nalang sumulpot akala mo rin kabote. " E may gagawin pa ako Kristine " Pagtanggi ko rito. " Alam mo importante ito dahil tungkol ito sa babaeng nagpapanggap na lalaki dito sa school" Pagbulong nito saakin kaya kinabahan ako bigla. " Oo alam kong nakaka gulat yon ako nga rin hindi makapaniwala at hindi natin yon puweding pag usapan rito mamaya may makarinig wala pa naman akong ebidensya kaya Halika kana " Paghila nito saakin sa math park at walang tao rito kaming dalawa lang. " P-pero saan mo naman narinig? "

