GANON na lang ang pagtataka ni Aethan habang pinagmamasdang nagliligpit ng gamit si Julian. " Anong mayron? first time mo atang mag ligpit ng maaga?" Pang-aasar lang nitong tanong. " E baka kasi hindi na ako makabalik dito Aethan " seryoso ritong sagot ni Julian kaya mas lali itong nagtaka at natigilan naman sa pagliligpit si Julian ng maisip ang sinabi niya. " Bakit may pupuntahan ka?" tanong rito ni Aerhan bago pa niya mabawi ang sinabi niya. " Huh?! wala naman, malay mo lang " alanganin nitong ngiti, wala kasi itong masabing rason. " Nga pala nagluto na ako ng almusal natin sabay tayo ah? Bilisan mong maligo " sabi pa rito ni Julian hindi naman nagsalita pa si Aethan habang nagtatakang naglalakad papuntang banyo na wewerdohan kasi ito sa kinikilos ni Julian. At mga ilang minuto lu

