Chapter 9

1224 Words
“Ano? Nakapili ka na?” “Binili ko na kasi ang mga ‘to lahat kasi mukhang bagay na naman sa iyo lahat. Hirap mamili, e.” “Kahit… ano na lang, Liam.” Kabaliktaran ng taas ng energy ni Liam ang akin. Wala akong kagana-gana na tumayo para magsukat kahit na ilang beses niya na akong pinipilit na sukatin ‘yong mga damit. I could sense his patience starting to be shorter again, but because of the happenings earlier, mukhang ayaw niya nang r-um-ound two sa pananakit sa akin. “Ano ba, Kris? Pakitaan mo naman ako na excited ka para sa wedding anniversary natin bukas, oh?” “Alam mo lagi ka na lang ganyan. Lagi mo na lang ipinararamdam sa akin na wala lang para sa iyo ang i-celebrate ang isa sa mahahalagang okasyon ng pagsasama natin.” Muli na naman nagbago ang mood niya, and now he’s turning to a monster again. Naisip ko nga na baka ako talaga ‘yong dahilan kung bakit… kung bakit nagpapalit siya bigla ng katauhan. Baka ako talaga ‘yong may mali. “I’m sorry-” “Gano’n na lang ba palagi?!” ‘Yong mga damit na hawak-hawak niya na kanina niya pa ipinipilit sa akin na ipasuot ay sunod-sunod niyang initsa sa mahabang upuan. “Puro ka na lang sorry, Kris. Tuwing mag-aaway tayo, palagi ka na lang ba magsasabi ng sorry? Wala na bang iba?” “Anong gusto mong sabihin ko maliban sa humingi ng sorry, Liam? May iba pa ba akong choice maliban sa mag-sorry para lang hindi na tayo mag-away?” Malumanay ang naging labas ng boses ko na may kaunting tigas nang mapigilan ko ang sariling maiyak. “Natatakot na ako sa iyo…” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magpakatotoo sa asawa ko. “You’re my husband… and I should feel like you’re my home and I’m comfortable and safe with your hands, Liam. But… turns out my expectation submerged. Because all you bring… is danger and makes me frightened of your existence… all the time.” “I… I’m sorry… I… I didn’t mean to say this, Liam, but…” Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang kanya, na ang mukha niyang nakatulala lang sa akin ay walang kahit anong emosyon ang ipinapakita. “I think I have to. My opinion does count, did it? I feel sorry for opening this matter to you today, to think that we’re going to celebrate our wedding anniversary tomorrow. Wala akong plano na sirain lahat ng mga pinaghandaan mo at ‘yong effort mo para bukas… kasi ang gusto ko lang naman… aware ka sa nararamdaman ko. Asawa mo ako… and I believe you’re aware also of my feelings-” “What are you trying to imply?” And by this time, nagawa na akong tapunan ng seryosong mga tingin ni Liam… ‘yong tingin na talagang nakakatunaw… but not in a thrilling way. “Did I scare you all the time? Gusto mo bang ipamukha sa akin kung gaano ako naging imperfect husband sa iyo? Gusto mong isumbat sa mukha ko ang mga pagkukulang ko sa iyo? Pati na ‘yang mga sugat na ibinigay ko sa iyo, na ‘yong karamihan pa nga ay naghilom na dahil sa katagalan? What else do you want, Kris? What else?” “I have one thing to ask of you.” Wala man akong kasiguruhan kung pakikinggan niya ako o magdudulot itong pabor ko sa kanya na makatikim na naman ng sakit at hapdi ang katawan ko, I’d still took the risk. “Come with me… to a psychiatrist-” “Fvck that psychiatrist, Kris!” And as predicted, he’ll gonna explode like a ticking bomb. “Bakit ba patuloy mong ipinagpipilitan sa akin na sinto-sinto ako-” “I’m not saying you are-” “But you’re actually making me feel like I’m one!” Wala pa naman sa bahay namin ‘yong mga bagong hire na kasambahay kaya kaming dalawa lang dito ni Liam, nag-aaway sa tahanang minsan na niyang tinawag na palasyo. “Hindi ba ako normal sa paningin mo? Ano bang mali sa pagkatao ko para pilitin mo akong magpatingin sa doktor ng mga baliw?!” “Stop calling them like that. Hindi ko sinasabing baliw ka-” “Pero iniisip mong may problema sa pag-iisip ko, anong pinagkaiba no’n? Okay na okay lang ako kaya tigil-tigilan mo ‘yang kapipilit mo sa akin na magpunta sa mga lecheng psychiatrist na ‘yan dahil wala akong deperensya sa pag-iisip!” Iniwan niya ako rito sa living room ng bahay nang nakakalat ang mga damit na binili niya para sa akin. “He’s a health worker. How could he call psychiatrists as doctors of crazy people?” Liam made me heave a long sigh for acting like that. Hindi niya lang talaga matanggap sa sarili niyang may mali sa kanya. At wala na akong iba pang paraan na maisip para tanggapin niyang kailangan niya ng tulong mula sa isang psychiatrist para umayos ang kondisyon niya… habang hindi pa huli ang lahat. As much as I want to help him to the best of my ability, pero kung siya na ‘tong mismong tumatanggi na hindi bigyan ng respeto ang suggestion ko for his mental health, I think my duty has finally ended. I rest my case. Napapagod na akong intindihin siya. Just so I could free myself from his cage, I only see ruining the celebration tomorrow would be my escape. ***** “No, please. Don’t put makeup on my face.” “But, Ma’am… Baka ako po ang mapagalitan-” “I got you.” Nginitian ko ito just so I could lighten the mood. “I’d make sure to tell my husband that I insist on stopping you from putting makeup on my face. Don’t worry, you’re safe.” “O-Okay, ma’am.” Naiwan akong nakaharap sa vanity table ko rito sa guestroom kung saan ako naghahanda bago bumaba sa garden area. The reason why I stopped the makeup artist from putting makeup on my face is that I wanted to pissed my husband off. Ayaw na ayaw niya kasing humaharap ako sa mga bisita namin—lalo na’t may gan’tong okasyon—nang hindi ako nakaayos at hindi ako naka makeup. And I totally understand why Liam has the reason of preferring his wife looks presentable to his audience; bukod sa special occasion ang magaganap, also, Liam hates receiving disgust and judgements from his judgemental colleagues. Gusto niyang kung gaano ka-presentable at kaganda ang asawa ng mga kasama niya sa trabaho, gano’n din ako. But this day is a bit different from the usual days as I’m planning to ruin this special day for him. The other day been I wanting to leave peacefully, ngunit alam kong sa pananatili ko sa poder ni Liam ay hinding-hindi ‘yon mangyayari. So, I’m willing to do everything to wreck our relationship even if I want to cause a fight between us just so he’d forced to let me go—as I’m hoping his conscience brought him setting me my liberty. “You don’t wear any makeup?” Ang mama agad ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa garden area na ngayon ay puno na ng mga piling bisita na inanyayahan ni Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD