Chapter 10

1266 Words
Ni hindi man lang niya hiningi ang konsulta ko kung may gusto ba akong i-invite, as I’m planning to invite my family to go here, kaso hindi sila isinama ni Liam sa listahan. Since our first anniv hanggang ngayon, ni hindi nakatatanggap ng imbitasyon ang pamilya ko kay Liam just because his family can’t socialize to my family. With Liam’s family, to be born not as rich as they are, was I think a very huge mistake. “Okay na po ako sa plain look ko, ma-” “But you know Liam couldn’t.” Pinandilatan ako ng mga mata nitong matanda na kausap ko, as if hindi pa ako sanay sa panakot niyang mga tingin. “Go back inside and make yourself presentable. Now.” “I don’t have enough time, ma. Hinihintay na ako ni Liam doon.” Turo ko sa asawa kong kausap sa table ang mga kaibigan niya. “And what’s so wrong with my look? Hindi po ba ako mukhang presentable sa itsura ko ngayon?” I queried, trying to sound polite. “You… wearing a plain, white dress…” Nagsimula nang kilatisin ng sensitive niyang mga mata ang kabuuang gayak ko. “And wearing an old fashioned design of flat shoes. Really? Haharap ka sa mga bisita nang ganyan ang itsura mo, Kirsten? Bakas na bakas pa nga sa mga braso mo ‘yong pasa at may peklat ka pa sa mukha. Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita n’yan?” “Bumalik ka sa loob at ayusin mo ‘yang sarili mo,” may diin na sambit ng mama. Ngunit imbes na sundin ko siya kaagad gaya ng ginagawa ko noong mga panahong napanginginig niya pa ang laman ko sa tuwing magtataas siya ng boses… but this time, I have the courage to chose not to listen to her. “Ano pang hinihintay mo, Kris-” “Natatakot po ba kayong malaman ng mga importante n’yong bisita na naging malupit na asawa sa akin ang anak mo? Should you be afraid they might know how your son turned me into his battered wife?” Hindi malayo sa expectation ko ang naging timpla ng mukha ng mama ngayon. Tiim-bagang na sinasabayan ng mapanlisik niyang mga mata ang nagsilbing babala na tantanan ko ang pagsasalita ng gano’ng bagay… because, of course… I might ruin all the things they’ve build through their hard work. Kasi isang salita lang na manggagaling sa bibig ko, kahihiyan ang dala no’n sa pamilya nila. “Anyway, magpapalit na po ako. I’ll be quick-” “I see no wrong in your outfit, Kris.” Tinig mula sa isang lalaki ang parehong umagaw sa atensyon namin ng mama. “You look prettier in a simple outfit,” nakangiting dagdag nito sa compliment sa akin. And as I examine the face of the guy who had entered the conversation… “Henrix?” “What? Do you know that guy, Kris?” Tinanguan ko ang mama. “He’s my sister’s husband.” Yumukod ako sa mama tanda ng paggalang. “Excuse us.” Ang kapal ng mukha kong magpakita pa ng politeness sa kanya, e parang kanina nga lang ay malapit ko nang masagad ang pasensya niya sa ginawa kong pananalita. Tsk. “What are you doing here?” Nang medyo makalayo kami sa garden area and as I make sure Liam wouldn’t catch us here, far away from that area, I confront Henrix. “How’d you get invited?” “Ayaw mo pa yatang nandito ako, e.” Tinawanan niya pa ako para lang asarin. “I’m close with Liam. I’m one of his colleagues way back 2016-18, pero nagkahiwalay lang kami ng landas no’ng lumipad akong Italy kasama si Gwen.” “Woah. I have no idea about that.” And literally I got surprised upon knowing my brother-in-law has connections with my husband. “Anyway, kumusta ka naman? Kumusta naman kayo ni Gwen? Alam na ba nina Mama na nakauwi na kayo rito sa Pinas?” “Noong nakaraang linggo pa kami nakauwi ni Gwen dito. Actually, you’re the only one who had no idea we’re back.” Nakapamulsang tumalikod sa akin si Hen habang sinisilip ang venue ng wedding anniversary namin ni Liam. Mula kasi rito ay tanaw ang garden area. “Liam loved you so much, didn’t he?” As much as I wanted to tell him the truth, I couldn’t. Lalo’t ngayon ay nalaman kong connected pala si Hen sa asawa ko, I think this is not the perfect time to let the bomb explode. “He truly is.” Kahit na sa loob-loob ko, gusto ko nang makipag-divorce sa asawa ko. “He’s a loving husband to me… indeed.” Sinamantala ko ang pagkakataon na hindi nakalingon sa akin si Hen kaya’t agad kong pinunasan ang taksil kong luha. “Good to hear that. But, I was wondering…” Muntik niya pa akong mahuli na nagpapahid ng luha sa pisngi nang harapin niya ako bigla, and then he hold my arm, examining it… the scars Liam have planted to my body are fully visible. “What happened to your body, Kris? Was this caused by violence?” “No.” Agad akong lumayo kay Hen at sa pamamagitan ng mga kamay ko ay tinakpan ko ang mga pasa’t sugat sa braso ko. “Uhm… I couldn’t believe I would be this clumsy as I enter this stage of being married. That’s why…” I just shrugged my shoulders off just so I could show myself cool to Hen. “Sigurado ka, ha?” I nod. “Yup. Tiyaka kung sakali man na magkaproblema ako sa asawa ko, I would always prioritize myself than him. Agad-agad rin akong makikipaghiwalay, subukan niya lang talaga na hindi ako itrato nang tama.” And a fake smile plastered on my lips completes my overall look for today. “Kaya hindi ako nalilito sa inyo ni Gwen kahit na sabihing identical twins kayo, e. I could easily remember your personality because of the humor you have.” Tatawa-tawa siyang inaya na rin ako na magpakita na sa venue dahil malamang ay kanina pa ako hinihintay ni Liam. Hay. Minsan nga naiisip ko na sana may expiration date na lang ang marriage certificate. Renew lang nang renew hangga’t masaya pa sa pagsasama tapos kapag hindi na… edi tigil na sa pag-re-renew. Gano’n sana kadali ang magpakasal at maghiwalay. “Kanina pa kita hinihintay.” Sumalubong sa akin si Liam na sandaling iniwan muna ang mga kaibigan, and then he quickly kissed my cheeks. “And why do you look like that? Hindi ka ba inayusan ng makeup artist?” “Wala ka bang tiwala sa natural beauty ng asawa mo, bro?” Sumingit na sa eksena si Hen, at nang magtama ang tingin nila ng asawa ko ay nag-shake hands silang dalawa. “Anyway, thanks for inviting me here. Akala ko talaga ay kinalimutan mo na ako, e.” “Why would I do that, Henrix?” Hinapit ni Liam ang baywang ko palapit sa kanya. “Magkasama kayo ng asawa ko kanina pa? How do you know her?” At sa higpit ng kapit niya sa baywang ko, I could feel his anger increasing to the maximum level. “Too possessive to your lovely wife, Liam?” Ang akala kong sagot ni Hen ay ang pagsabi na bayaw ko siya, ends up teasing my husband. What the hell? “You know in everything, I’m so possessive, dude.” At ramdam na ramdam ko na ang namumuong tensyon sa pagitan nila, until Hen disconnect with that tension.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD