May natanggap siyang tawag kaya’t dumistansya muna siya para sagutin ‘yon. Kami naman ni Liam ay nakiupo sa table ng mga kaibigan niya.
“Happy anniversary ulit, Liam and Kris. Stay strong, ha?” bulalas ni Troy. Inggit na inggit ako sa paraan ng pagngiti ni Troy sa amin ni Liam, ‘cause I wonder when will I have the chance to smile as wide as him again?
“Thank you-” Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang lumapit bigla sa akin ang isang lalaki; and that was Hen. “What’s the matter?”
“Inatake sa puso ang mama mo, Kris. Walang ospital ang mapagdalhan sa kanya kasi punuan na ‘yong iba. ‘Yong ibang ospital naman ay ayaw tanggapin ang mama mo which is hindi sinabi kung bakit.”
“W-What?” Kumalas ako sa pagkakahawak ni Liam sa kamay ko dala ng gulat. “W-What should we do now-”
“Liam…” Hen moved closer and talked with Liam. “Pwede ba kaming humingi ng tulong na tumawag ka sa ospital n’yo ngayon? I-admit kamo nila ‘yong mama ni Kris.
Her mother fvcking need the doctors right now… at alam kong malaki ang chance na mapapayag mo silang tanggapin ‘yong nanay ni Kris dahil malaki ang koneksyon mo sa ospital for being in a higher position.”
I also begged with Liam. “Liam, please… help… help my mother.”
Walang bahid ng pag-aalala ang mukha niya nang malaman ang balita, na ultimo wala siyang pake na ‘yong byenan niya, pwedeng mamatay sa loob ng sasakyan ‘pag wala pa ring doktor ang umasikaso rito.
Fvck this life!
“Hospitals have set their rules and protocols just these days for their patients’ safety. May ilang mga ospital na pili lang ang mga pasyenteng tinatanggap bilang pag-iingat sa isang sakit na nakahahawa ngayon, that might trigger someone’s immune system.
Magkaroon lang ng sintomas ang pasyente gaya ng ubo at sipon, hindi na namin pinapapasok hangga’t hindi pa natutukoy ang nakahahawang sakit at lunas dito. Mahirap na’t kumalat pa ang sakit.”
“Kaya kahit nag-aagaw-buhay na ‘yong pasyente, ‘pag nakitaan n’yong may ubo o sipon, hindi n’yo pa rin ipapasok sa ospital? Hahayaan n’yong mamatay na lang ‘yong tao sa labas ng ospital dahil d’yan sa lintek n’yong protocol?!”
Hindi na ako nakapagpigil, na kahit tinatakot na ako ng mga mata ni Liam na ‘wag gumawa ng eskandalo rito sa wedding anniv namin, ginawa ko pa rin.
“Wife, calm down-”
“Tapos gusto mo akong kumalma? Ilang minuto n’yo pang hayaan ‘yong nanay ko sa labas ng ospital nang wala kayong ginagawa, hindi ko kayang kumalma.
Naturingang mga doktor kayo para dugtungan ang buhay ng mga pasyenteng nag-aagaw-buhay at ‘yang lintek na ospital na nagsisilbing tahanan ng mga pasyenteng nagpapagaling sa isang malubhang sakit, tapos anong mangyayari ngayon?!”
“Dahil sa sinasabi n’yong pag-iingat…” Nagsimula nang bumaha ang mga luha sa aking pisngi. “Handa kayong hayaan na mamatay ‘yong taong nag-aagaw-buhay?”
---
Nawala ang angas ko sa ginawang paghawak ni Liam sa kamay ko. Sobrang higpit nito na tila ayaw niya akong pakawalan habang ang mga mata niya’y kasingbagsik ng apoy kung makatingin.
And I know this kind of scene. Napanood ko na ‘to at ilang beses na rin nangyari.
“Excuse us,” malamig na sambit ni Liam at walang ano-ano’y hinila niya ako paalis sa venue kung saan tadtad ng mga bisita ‘yon na nakikiusyoso sa ginawa kong eskandalo kanina.
And my body settled down from crying. Ngayon ay napalitan ng takot ang pag-aalala at paghihinagpis ko sa nanay kong nag-aagaw-buhay na. Itinulak niya ako papasok ng kwarto namin. Kumalabog nang sobrang lakas ang pintuan nang isarado niya ‘yon, habang ako ay walang nagawa kung hindi ang protektahan ang baby ko gamit ang sumasakit kong braso.
At this time, kaya ko namang tiisin na saktan na naman ako ng asawa ko, ‘wag lang ‘yong baby ko.
“Hindi ka ba nag-iisip? Ang daming tao sa baba, doon mo pa talaga naisipan na magkalat? Punyetang buhay ‘to! Sa harap pa ng mga kaibigan ko, doon mo ako pagsasalitaan na halos mawalan ka na ng respeto sa akin bilang asawa mo?!”
“M-Mamamatay na ‘yong nanay ko, Liam. Anong gusto mong gawin ko-”
“Edi hayaan mong mamatay!” Bigla ko na lang gustong sumabog sa galit nang sabihin niya ‘yon. “Hindi mo naman na kailangan ‘yang nanay mong sakitin, Kris! Hayaan mo nang mamatay para hindi na siya mahirapan. May bago ka nang pamilya, hayaan mo nang mamahinga ‘yang nanay mo!”
“N-Naririnig mo b-ba ang s-sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ang lumabas sa bibig ko. “Hindi ko akalaing… nagpakasal ako sa isang demonyo. And you call yourself a doctor with your unprofessional words and actions?!”
“Ngayon naman gusto mong kwestyunin ang pagiging doktor ko?” Pasakal niya akong inangat mula sa kama, and I really can’t breathe properly sa higpit ng kamay niyang nakasakal sa leeg ko. “Beg for your life, Kris. If not, kayang-kaya kitang patayin.”
I know the man I’m now talking to was not my husband. He changed again. He changed in the form of his murderer side… and I was like… instead of choosing to live with him… I’d rather beg him to kill me.
“Beg for your life!”
Tumilapon ang katawan ko sa sahig, tumama pa ang likod ko sa gumuhong side table sa lakas ng pagtama ko roon. Mangiyak-ngiyak kong dinaing ang kumikirot kong likod… ngunit mas lalong bumuhos ang luha ko nang makita ang umaagos na dugo sa pagitan ng aking binti.
“N-No…” Nanginginig ang mga kamay kong hinila ko ang laylayan ng suot kong damit at dali-daling pinunasan ang mga dugo.
Okay pa naman yata ako-
“Bakit ka dinudugo? Buntis ka ba, Kris-”
“Ano pa nga ba?!”